Kabanata 23
The Snake Queen’s Proposal"FUCK IT, WARREN! WHY WOULD YOU ACCEPT ALL HIS PUNCHES! FUCK YOU, WARREN! YOU SHOULD HAVE ME WISH YOU DEAD OTHER THAN LET ME WATCH YOU BEATEN TO DEATH! FUCK YOU, WARREN!" sigaw nang sigaw si Gabby sa loob ng clinic habang naglalakad siya back and forth. He was so furious. I’ve never seen him like that.
Paulit-ulit ang pag-gulo niya sa kaniyang buhok at saka ang ang tulo ng mga luha niya. Nanatili akong tahimik sa isang tabi, hinihintay na bumalik ang malay ni Warren.
“Bro, calm down.” narinig kong sambit ni Danny at saka lumapit upang yakapin ang kaniyang kakambal.
"Why would he fucking want to earn so many fucking golden doubloons all of a sudden, Daniel! HE WILL BE DEAD BAGO PA MAN SIYA MAKAKUHA NG ISANG BAG NO’N! Silver ones are enough, Dan! Why would he need the gold?!” umiiyak pa ring sigaw ni Gabby habang niyayakap siya ng kaniyang kakambal.
Iniangat ko ang dalawang paa ko at saka iyon iniapak sa kinauupuan ko. Tapos ay niyakap ko ang aking dalawang tuhod, bago ko doon isinandal ang baba ko.
“He needs the gold ones to buy his soul.” bulong ko kasabay ng pagtulo ng aking maiinit na luha.
“FUCK!” sigaw muli ni Gabby at agad na kumalas ng yakap kay Danny tapos ay nagmartsa siya papalapit sa akin, “What the fuck are you talking about? Ikaw ang nagsimula nito! If it’s not for you, hindi siya lalaban sa Pirates’ Nest, Charline! Kasalanan mo ‘to!” sigaw ni Gabby habang dinuduro-duro ako. Nagsimulang manginig ang mga labi ko sa sigaw at panduduro niya.
Namumula ang mga mata niya. Galit na galit, nag-aapoy ang kaniyang mga mata. Nakaamba sa akin ang kaniyang malaking kamao—I don’t know if he’s going to punch me.
Bumabalik sa akin ang mga nangyari noong bata ako. It was the same actions my father did with me whenever I did something wrong.
Miski ang laway niya ay tumatalsik sa mukha ko habang sinisigawan niya ako at dinuduro.
“Enough, Gabriel!” sigaw ni Danny at saka hinila ang kaniyang kakambal palayo sa akin. “Charlie, gabing-gabi na. Umuwi ka na muna at magpahinga.”
Tumango ako kay Danny at saka muling tinignan ang walang malay na si Warren.
I want to kiss him but I can’t.
They are furious with me.
Because it was me who started it.
Pinihit ko ang seradura ng pinto upang makalabas na sa clinic. Walang nurse na in charge ngayong gabi, babalik ito kinabukasan ng alas siete. Sila na ang bahalang magtakip patungkol sa Fight Night.
I want to talk to Warren badly. I want to hear it from him that he was that kid who gave me the temporary bliss of life.
That he was that kid who saved me, made me feel alive even just for a day.
I wanted to thank him, because I never said it to him. I never get the chance to.
But I can’t do it now because they are furious with me, and Warren is unconscious to save me their rage for me.
“Why do you look so troubled, Charline Meneses?”
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa aking likuran.
Napaka soothing ng kaniyang boses, pero hindi ko iyon mapigilang maikumpara sa boses ni Maleficent.
Hindi ko alam kung bakit. It was like I was hearing a distant rattling and cawing crows—pero hindi ko alam kung may mga uwak ba talaga dito sa USU.
BINABASA MO ANG
Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)
RomanceShe is his blood-priced pearly possession. Matapos makabanggaan ni Charline Meneses, isang gorgeous in dress-and-pearls, Arts and Letter student, sa isang fist-fighting ground ang pinaka malakas na underground fighter na si Warren Asis o mas kilala...