Kabanata 11

2.2K 53 0
                                    

Kabanata 11
Ignorance


“CHARLIE, you know what?”

Bigla ay tumigil sa kaniyang paglalakad si Meira at humalukipkip sa aking harapan habang seryosong nakatitig sa akin, “Can we tell the Dean now, just for you to end this endless chase? I don’t want to spend my whole college life running to get you safe, Char, sana naiintindihan mo. Those people need to be punished—what they did to you, it’s awful.”

Napapurse ako ng aking labi sa sinabi ni Meira sa akin tapos ay lumingon ako sa paligid. Wala namang kahit sinong nakatingin sa amin, dahil busy ang lahat sa kaniya-kaniya nilang mga buhay.

Tumango ako kay Meira at saka ibinigay sa kaniya ang tingin na kaya kong mag-isa. Naipaikot na lamang niya ang kaniyang mga mata at saka binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin.

“Seriously, Char?” nang-uuyam niyang sambit at saka tinuro ang direksiyong pinanggalingan namin, “Santi is so worried about you, Charline. He doesn’t know what’s happening. God, you think anyone can help you without them knowing your situation?”

Napailing na lamang ako na tila hindi niya naiintindihan ang sitwasyon ko,
"Meiredith, this is the only favor I’ve asked of you. Just please, you know Warren. He’s a freaking fist-fighter, for God’s sake, Meira!”

Napapikit na lamang si Meira at saka napailing, na tila nadisappoint siya sa narinig niyang sagot sa akin, “Fine, it'’s your life anyway, Charlie.” sambit niya sabay binigyan ako ng isang malungkot na tingin, “I think, babalik na lang ako sa dorm ko.”

Napakagat na lamang ako sa inner cheek ko nang marinig ko ang huling sinabi niya, tapos ay bahagya akong napatango sa kaniya. Hindi na yata niya napansin ang tahimik kong pagsang-ayon, dahil nauna na siyang umalis.

Kasabay ng pag-alis ni Meira ang pag-ring ng bell, hudyat na magsisimula na ang klase.

꧁°꧂

POLITICAL Science is actually my most hated subject. Not because it is about politics, which sucks because it is the very last thing I ever want to involve myself with, but because it is the only subject that I’m classmate’s with Warren, in Sir Glene’s class.

Okay, the first reason is actually the real reason why I hated it—at first, but I’ve changed my mind since Warren did his gross and unethical plan about me. And adding the fact that his freaking seat is right behind me.

“Fred, let’s exchange seats, please?” sambit ko agad kay Fred nang maupo ako sa kaniyang tabi sa PolSci class namin. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

“Alam mong hindi ko kayang gawin ‘yan.” sambit niya at agad na inayos ang kaniyang eyeglass na nakausli.

“Why can’t you?” tugon ko agad at aktong tatayo na upang makipagpalitan ng upuan sa kaniya.

“Nagchecheck ng attendance si Sir Glene. I don’t want to be on his blacklist, Charlie.” tapos ay itinuloy na niya ang kaniyang ginagawa. Napapurse na lamang ako ng aking labi at saka naupo ng maayos sa aking upuan. Nagdadasal na sana ay hindi na magpakita pa sa klaseng ito si Warren.

Bumukas ang pinto. Pumasok na si Sir Glene at saka ay inilagay ang kaniyang briefcase sa upuang para sa kaniya na nasa harapan. Kasabay ni Sir Glene na pumasok si Mys. Malalim ang eyebags nito at tila pagod na pagod. Hindi siya kahit isang sulyap lang lumingon sa aking direksyon. Napahinga na lamang ako ng malalim.

Still not in speaking terms with me.

Ifinocus ko na lamang ang aking atensyon sa gamit ko upang humanap ng ballpen at filler para sa subject namin ngayon.

Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon