Kabanata 7

3K 74 0
                                    

Kabanata 7
The Consequence

HALOS mapasinghap ako sa gulat nang bigla ay may kumapit sa aking braso. Tatabigin ko sana nang makita kong sila Meira at Santi lang pala iyon, kung kaya’t sinamaan ko silang dalawa ng tingin.

“Ano ba naman kayo, ginulat ninyo ako!” napapahawak sa aking dibdib na sambit ko sa kanilang dalawa.

Singkit ang mga mata ni Santi sa akin, habang si Meira naman ay malungkot ang mga matang nakatingala sa akin, mas mataas ako ng kaunti sa kaniya.

“What is it? I’m not a fortune teller, so tell me.” wika ko nang maisip kong hindi naman sila magsasalita sa akin. Napabuntong hininga na lamang si Meira at saka tinapunan ng kaniyang tingin si Santi.

“Tell her, Santi.” paniniko ni Meira kay Santi, kung kaya’t kay Santi nafocus ang mga tingin ko.

Napahinga na lamang rin ng malalim si Santi na tila ba wala na siyang takas, at saka siya na ang kailangang magsalita dahil ipinasa na ito sa kaniya ni Meira.

“We’re actually about to fetch you this morning, and, nakita ka naming umalis with those guys, Charlie. Ano ba talagang nangyayari?” sambit ni Santi at saka nilingon si Meira, tila sinasabi ng kaniyang mga mata na magsalita din si Meira upang suportahan ang stand niya.

"Okay, fine sinundan ka namin kasi maaga pa lang naka-uniporme ka na. Harold’s freaking out when that guy kissed you in public. Tapos, you hang out with them like they’re harmless. Charlie, you know their reputation here. What are you up to?” gatong pa ni Meira sa dalaga na may apologetic look bago nilingon muli si Santi sa suporta.

“Habang maaga pa, Charlie, know your stand in this. Or else, baka one time paggising mo hindi ka na makahindi sa kanila at malayo ka na sa amin.” dagdag pa ni Santi bago lumpit saakin at saka hinaplos ang braso ko, “We’re always here for you, girl.”

Napangiti ako at saka umiling, “It’s fine, guys. I’m fine. They’re harmless. Don’t worry." sambit ko. “We just ate breakfast at a kid’s diner in Baltazar. It was good, nothing harm.”

Siguro naman ay palalampasin na nila dahil karatig-bayan lang naman ng Ursula ang Baltazar. Pero kumunot ang noo ni Santi sabay sambit niya ng, “You left town? Just for a breakfast? Charlie, seriously?”

I shrugged my shoulders, “Nothing’s as good as Jug&Betty’s.” I told them.

A relieved smile plastered in Meira’s lips, “Okay, accepted. Jug&Betty’s actually is a great diner. But it’s miles away from here, Charlie. Paano kung nalate ka dahil sa biglaang traffic?”

“But I am not.” sambit ko na tila ba ay consolation iyon. Pinilit kong ngumiti sa dalawa kong kaibigan bago ko sila hinilang dalawa mas palapit at saka binigyan ng isang yakap.

“But what is he saying? He said you’re all his. What does that even mean?” bulong pa ni Meira na tila ay hindi matahimik kahit na sinabi ko nang maayos ako.

Napapikit na lamang ako at saka umiling, “I’m not sure. But I think, it’s going to be just fine. I’m alright.”

꧁°꧂

IWINAGAYWAY ko ang kamay ko kay Mystique nang makita ko siya sa hallway bago ako pumasok sa susunod kong klase. Gusto ko sanang kamustahin ang kaniyang gabi at sumabay na rin sa kaniya papasok sa klase na pareho naming tine-take.

Napalingon naman agad siya sa direksiyon ko, pero noong tumapon ang tingin niya sa akin, agad siyang tila nakakita ng hindi maganda at agad napangiwi. Tapos ay umiwas siya ng tingin bago naglakad na patungo sa kabilang direksiyon.

Fist & Pearl (Ursula State Series, 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon