Alam ko, inaasahan ko nang iyon ang sasabihin ni Aster. Inihanda ko na ang sarili ko, alam kong mangyayari rin ito. Ngunit, hindi ko alam na ganito kaaga. Hindi ko alam na kailangang ngayon pa.
Tuluyang umandar ang sasakyan, at hindi na ako nakababa pa.
"Ilang beses ko nang inulit sa iyo, Aster. Hinayaan mo na lang sana sila... Hindi mo na sana itinanong iyon kay George." Mahinahong sabi ni Comet. Dahan dahan akong napayuko, ang bigat sa puso na marinig iyon sa mismong bibig ni Aster. "Ang sabi mo, ayaw mong makitang nasasaktan si Dale. Ikaw naman ang nananakit ngayon. We should've stayed in our lane..." He continued.
"Why did you do that, Aster..." Pumiyok ang aking boses.
"I'm just protecting you, Dale... Hindi ko naman siya inutusan na hiwalayan ka. Nag-tanong lang ako kung kaya niya---"
"Fuck your protection," Mariin kong sabi kasabay nang pagtulo ng aking pinipigilang luha. "Pinalala mo lang ang lahat, Aster. Bumebwelo pa lang ako, iniisip ko pa lang kung anong dapat kong gawin! Hinahanap ko pa lang ang mga salitang gagamitin ko para makausap si George, pinalala mo ang lahat!"
Hindi tumigil ang sasakyan, ngunit ramdam ko ang pagbilis 'non. Pinunasan ko ang luhang lumalandas sa aking pisngi at nakita ang mahigpit niyang pagkapit sa manibela.
"Kung ganito lang ang kapalit ng pagiging kapatid niyo, sana ay buong buhay na lang akong Gonzaga. Makasarili ka, Aster!"
"Dale!" Bulyaw ni Comet. Ang kotse ay napuno ng mainit na tensyon sa pagitan naming tatlo. "Take back what you said, kahit anong galit mo huwag na huwag mong sasabihin 'yan kay Aster." He reminded me, nag-iwas ako ng tingin at hindi siya pinansin. I didn't take back what I said and stayed in silence. "Let's fix this, Mom won't be happy." Ani Comet.
"Comet, don't deny, you don't want people to meddle with your issues. Ganoon din ako. What I want is, let me fix this. Let me think about this. Ang gusto ko, kaming dalawa lang ni George ang mag-uusap." Mahinahon kong sabi, hindi ko sila tinanaw dahil hindi ako handang salubungin ang tingin ni Aster.
"I know, but Dale, you have to admit too... Aster's somehow has a point. Ano nga bang gagawin ni George? Ang sabi niya, hindi niyo raw napag-uusapan. If you continue to do that, baka mas malaki ang dumagok sa inyo." Comet explained, napalunok ako at nagbuntong hininga. Sinapo ko ang aking ulo at sandaling minasahe ang sentido.
"That's why I want us to fix this alone, if only you will let us."
"Then go," Sa unang pagkakataon, binasag ni Aster ang kanyang katahimikan. "Comet, let Dale do whatever she think is right. Rational Choice Theory, people intends to make a decision base on what they think is right. Hayaan natin siya... Tama rin siya."
Sa sinabi ni Aster na iyon, katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay. Alam naming tatlo, na dinamdam ko ang ginawa ni Aster na iyon. And it would be better if we stayed in silence.
Dumating pa ang mga sumunod na araw at hindi pa rin kami nagkikibuan ni Aster. Minsan na lang akong sumabay sa kanilang kumain, kapag gabing umuwi sina Mommy at Daddy ay mas pinipili kong huwag na lang mag-gabihan sa kanilang bahay. Tuwing sabado, ang madalas na pagtambay nina Aster at Comet sa aking bahay ay natigil din. Aster never step his foot in my house after that day, Comet sometimes pay a visit only to ask me if I am alright and what am I doing.
Just like what they said, they left me alone. Hindi na nila ako pinakialamanan ngunit ang hindi pagkakaintindihan na ito ay lingid sa kaalaman ng aming mga magulang. Hindi nila napapansin iyon, dahil siguro sa pagod, at hindi rin naman sila nagtatanong.
It's saturday today, nandito ako sa quarters upang kitain ang aming School Paper Adviser. Next week, we will be coming to Cebu. The National Schools Press Conference will be held next week, and as much as my co-journalists are excited about it, I am quite nervous. Gusto ko sanang lahat kami ay makakuka ng panalo, iyon na lang ang gusto ko ngayon. Their success is mine too.

BINABASA MO ANG
Caressing My Perplexed Stella [HS #3]
RomanceHechanova Series 3/4 Dale Stella Hechanova is the keenest. She always believes that even a single strand of mistake will never escape the copyreader's eyes, perhaps, it became her persona too. She nitpick not only articles but all of the people arou...