CHAPTER 37

396 9 119
                                        


Perhaps, this is the strange secret between our distance. This is the mantra of my soul;  When you found your peace in that person, nothing should be questionable. But maybe, this is how paradox ruined it all. Kahit hindi mo gustong magtanong, alam mo sa sarili mong kailangan mo ng sagot. At kung ano ang ugat ng pagmamahal mo sa isang tao, iyon din ang ugat kung bakit mo nagawang magtanong. Para sa kapayapaan.

Wala akong nakita, hindi ko iyon itinanong at wala akong narinig. Ibinulong ko sa sarili na hindi totoo iyon, mahal mo ako. Lahat ng alam kong rason ay isinaksak ko na sa utak ko, para lang maiiwasan ko ang kaisipan na baka nga talagang nagawa mo iyon. Ngunit binanggit ng bata ang pangalan mo, narinig ko iyon. Hindi ko malaman kung bakit, kung ano ang nagtulak sa 'yo na gawin ang bagay na iyon. Dahil ni minsan, hindi pumasok sa isip kong magagawa mo 'yon.

Sa unang pagkakataon, nilukob ako ng takot para magtanong. Ayaw kong bigyan mo ako ng tuldok para matigil na 'to, alam ko na ang sagot, ngunit hindi ako handang marinig ang katotohanan sa mismong labi mo. Ang sabi mo kasi, sobrang mahal mo ako.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong naging madali ang mga sumunod na araw, alam kong humirap ang bawat paghinga ko at halos hindi ko na maharap ang pag-aaral, may mga gabing wala akong magawa kung hindi umupo sa banyo habang tumutulo ang malamig na tubig sa aking katawan kasabay din ng pagtulo ng luha ko. Paulit-ulit ko nang tinanong ang sarili, anong araw ako nalingat para magawa mo 'yan?

Noong mga araw ba na abala ako, pero sabi mo ay may trabaho ka. Naghanap ka ba ng kalinga sa iba? Nahanap mo ba iyon sa iba? Tatlong taon na ang bata, apat na taon ka na ring wala rito. Apat na taon mo na rin ba akong niloloko? O hindi, dati pa. Baka dati pa noong nasa ibang bansa ka bago ang Espanya, pati ako ay naguguluhan sa bilang. Pakiramdam ko'y sa isang iglap ay nalukot na tila papel ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa. Sumisikip ang dibdib ko sa bawat tanong na kahit alam ko ang sagot, itinatanggi ko sa sarili ko.

Tuwing tatawag ka, ang ganda pa rin ng ngiti mo. Lennon, alam ko na. Kahit hindi ko alam kung bakit mo nagawa, kaya kong intindihin na nagawa mo nga iyon. Sabihin mo na lang sa akin, umamin ka na. Papakawalan naman kita, pero ipaliwanag mo muna sa akin kung bakit. Papakawalan ko na rin ang sarili, para hindi na ako mahirapan.

But you never said a word, you didn't even mention anything about it. I hold my tongue for the longest time, you didn't heard a word from me but I'm only waiting for you to cut our ties. It'll be the end of us.

Akala ko ay tuluyan na akong natalo, buti na lang at nakaya ko pa. Kahit mabigat na ang lahat at kahit nahihirapan na ako, nakaya ko pa ring makapagtapos. Latin Honors, isang Cum Laude. I graduated Bachelor of Science in Civil Engineering in a young age of twenty two. Sinabi ko sa sarili kong pagkakataon na ito, hindi ako natalo.

Lahat ng nasa paligid ko ay masaya para sa akin, ramdam ko iyon. Pinalakpakan nila ako at maaliwas ang mga ngiting iginawad nila para sa akin.

Mapait na kasiyahan ang nararamdaman ko para sa mundo. Ilang buwan na ang lumipas mula noong malaman ko ngunit wala siyang binanggit na kahit na ano. Tanging malawak na ngiting pagbati, na masaya siya at lubos na ang pagkasabik niya para makita akong muli. I became bitter about it, in fact, I don't even want to see him. Nawalan ako ng gana at mukhang hindi niya napapansin. May mga gabing tumatawag siya, sinasabi kong abala ako at wala akong oras.

Totoo naman, dahil nagrereview ako para sa boards. Hindi siya makauwi, ilang buwan pa ang hihintayin. Naghihintay pa ba ako? Hindi ko alam, baka nalimutan ko na. But when he told me he'll be home for Sea's graduation, I immediately fidget. That means he'll be here for a month or two, hindi ba pwedeng isang araw lang siyang nandito at umalis na lang siya?

"Aren't you excited?" Ngumiti lang ako, hindi ko nga siya pinabulaanan ng tingin mula sa screen ng macbook. Inilipat ko ang susunod na pahina at nagbasa. "Sobra na yata kitang naabala..." Tumango ako at walang ganang tumingin sa kanya.

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon