CHAPTER 22

424 13 150
                                        

Sa aming paglalakad pabalik sa auditorium ay nanatili akong tahimik, si Kuye Lennon ay kasabayan ni Kuya Meteo at halos pabulong ang naging pag-uusap.

Aster and Comet are walking beside me, both of their hands are on their pocket while stealing a glance to each other. Akala ba nila ay hindi ko napapansin? Halata namang parehas silang may gustong itanong.

"So it's final? Based on what George told us, you just broke up with him..." Ani Aster, sabi ko na nga ba't hindi na siya makapaghintay na marinig iyan. "Noong umiiyak ka, hindi pa kayo break 'non? But now, it's official?"

"Masaya ka ba?" I asked sarcastically asked that made him stopped, Comet just tapped his back as he shut his mouth. "I told him I will never take him back, badshot na sila sa pamilya ko at vice versa."

Binilisan ko ang paglalakad na ang takong ko lang ang maririnig sa buong hallway, mas pinili kong sumabay kina Kuya Meteo dahil sa iritasyon na nadarama.

Napataas ang kilay ng aking nakatatandang kapatid at tinapunan ng masamang tingin ang dalawang nasa likod. Napansin ko rin ang pagtingin sa akin ni Kuya Lennon ngunit hindi ko na lang pinabulaanan iyon. We went back to the auditorium, mukhang kami na lang din naman ang hinihintay ng aming mga kasama.

"Saan pa ba kayo nagpunta? Akala ko ay sina Sea at Dale lang ang mawawala..." Bati ni Mommy at tumayo mula sa inuupuan, ganoon din naman sina Daddy.

"Tara na't baka malamig na ang mga handa, sayang naman..." Biro ni Papa.

We left the auditorium, sa parking lot kami tumuloy. Kay Kuya Meteo ako sumabay, ang mga Vesta naman ay nasa sasakyan ni Kuya Lennon. Si Comet ay kasabay pa rin si Aster, lulan nina Mama at Papa ang kanilang van at ang dalawang Hechanova naman ay nasa kabilang sasakyan. Parang mga laruan na nakahalera sa daan ang mga lulan naming sasakyan, some people from the outside, although the cars are tinted, seems to know that its their beloved Governor's family.

"Ano naman ang pinag-usapan niyo ng ex mo?" Tanong ni Kuya Meteo, kailan lang niya nalaman na may boyfriend nga akong Layana ngunit ngayon ay break na kaagad.

"Things I don't want to share anymore..." Mahina kong sabi, sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang marahan niyang pagtango. "I guess it's the easiest goddamn thing to do rather than to fight for it..."

"Why didn't you try?" Napakunot ako sa kanyang itinanong, ang mga mata nito ay nanatili sa harapan habang ako ay nakatitig lang sa kanya. "To try to fight for it. If he was willing to mend it, why are you not?" 

"If the world is now against the idea of us, will it still be worth it?" I asked, he smiled a little. He extended his arms as he tapped my back, sandali akong napatingin doon dahil hindi ko alam ang dahilan.

"How would we know, when you didn't try at all?" Iniwas ko ang tingin at nagpakawala na lang ng isang malalim na hininga. "Was it exhausting? Are you already tired?" I simply nodded. "Gusto ko lang malaman, I know the cold fight between our families because of politics. Mali ang ginawa ng pamilya niya, pero kailangan niyo bang madamay?"

"It was more than exhaust. Sinubukan kong iiwas sa amin iyon, pero hindi ko kayang maging bulag dahil lang sa mahal ko siya. "If I ought to continue despite knowing the truth..." Tumigil ako at pinagtiklop ang dalawang kamay, tinanaw ko ang labas at pinagmasdan ang mga sasakyang nasa paligid. "...It will be a reckless eternal chase of doubt."

Katahimikan ang isinagot niya sa akin.

"I asked myself that too, bakit kailangan naming madamay? Maybe, I should realize that whatever we do, damay talaga kami. Do you think it would be easy for us even if we strive to continue?"

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon