CHAPTER 15

433 12 157
                                        


"Putangina, Comet! Itaas mo!" Sigaw ko habang tinitira ang shuttlecock. Ginawa nga ng aking kapatid ang kagustuhan ko, nang makita kong tumaas ito ay kaagad kong inamba ang raketa, ginamit ko ang natitirang lakas upang tirahin iyon.

Bumulusok ito sa baba, at ni hindi na iyon nagawang ibalik ni Comet sa akin. Hingal, iyon lang ang nararamdaman ko. Tagiktik ang pawis sa aking noo at malagkit na ang aking pakiramdam, ngunit ayaw kong tumigil. Hindi ako titigil hangga't hindi lupaypay ang katawan ko.

When Comet told me to change, I did. Nagkita kami sa sariling court ng mga Hechanova, sa likod ng kanilanh bahay. Ang ilaw sa bawat sulok ng court ay nakasindi na, at kitang kita ko kung paano tumaas baba ang balikat ni Comet dahil sa pagod.

Binitiwan niya ang raketa at umupo sa sahig. "Comet, come on! One more play, one more!" Hindi ko alam kung ilang beses ko nang hiniling iyon, may araw pa noong nagsimula kami ngunit ngayon ay wala na. Madilim na at naka-ilang beses na kaming nag-change court.

Hindi ako pagod.

"Dale, we should prepare for dinner." Aniya, I laugh sarcastically. "Halika na, kakain lang tayo at matutulog ka na." Ma-awtoridad nitong sabi ngunit umiling ako.

Mahigpit kong hinawakan ang raketa at kinuha mula sa bench ang isa pang shuttlecock.

"Kung ganoon, pumasok ka na. Maglalaro akong mag-isa..." Ani ko, tumingin siya sa akin at hindi makapaniwala sa narinig. "Itataas at ibaba ko lang ito, at mamaya ay babalik na rin ako sa bahay." I added.

"Dale Stella!" Umugong ang sigaw ni Aster sa court, napatingin ako sa kanya at namuo ang galit sa mata nito. Diretso ang kanyang lakad papunta sa akin at nang makarating sa harapan ko ay inagaw niya ang raketa.

Ibinalibag niya iyon sa kung saan at napapikit ako nang marinig ang pagkabali nito. I feel sorry for Comet, mahal na mahal niya pa naman ang mga raketa.

"Ano bang problema mo?!" Angil ko at itinulak ang kanyang dibdib. Napapikit ito at hinilot ang sentido. "Hindi naman kita pinakikialamanan! Gusto ko pang maglaro!"

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!" Napahakbang ako patalikod nang muling marinig ang pagsigaw niya, sa gilid ng aking mata ay nakita kong papalapit si Comet.

"Aster, let her be..." Matalim ang naging tingin ng nakatatanda naming kapatid dahil sa sinabi ni Comet.

"Look at her, Comet!" Comet gulped. He knows that even if we join force right now, no one can stop Aster. "Pagod ka na, you're forcing yourself, Dale! Admit it, pagod ka na! Magpahinga ka! You're being too much to yourself!"

Galit ang namumuo sa mata ni Aster, hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na umakto siya ng ganito ngunit takot ang gumapang sa aking kalamnan dahil doon.

"Aster, tama na. Huwag mo siyang sigawan." Comet remained calm, pagmamakaawa na ang mararamdaman sa boses nito.

"Can't you see, Comet? Huwag kang maging kunsintidor!" Nagulat ako nang nakitang itinulak ni Comet ang dibdib ni Aster.

Mabilis akong lumapit sa kanya at kaagad na hinila ang kamay ng nakababatang kapatid. Pumagitna ako habang namumuo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Comet... Aster.... Please..." Hinawakan ko ang pisngi ni Comet at ibinaling sa akin ang tingin nito. Kaya ko siyang patigilin, I know him. But Aster, I can't fucking handle him when he is this mad. "I'm alright, I'll rest. I'm okay..." Nabasag ang boses ko nang sabihin iyon.

"Paano ko siyang kinunsinti? She wants to release whatever she wants to release! Ayaw ko siyang panooring mag-isang gawin iyon kagaya ng ginagawa mo! You're just in the fucking corner, Aster!"

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon