CHAPTER 34

408 12 150
                                        

Malinaw na ngayon ang lahat, para sa amin. Naiintindihan niya ang gusto kong mangyari, gusto kong unahin niya muna ang sarili dahil iyon ang mas importante ngayon. Kung may nararamdaman ako ngayon, siguro ay isang pasasalamat sa Diyos dahil pakiramdam ko ay tama ang daan na pinili ko para sa aming dalawa. Walang bahid ng pagsisisi, kahit na hindi ko maitatangging may kaunting kirot.

Tila nawala ang mga nakapatong na bato sa aking puso, kumpara noong mga nakaraang araw ay mas gumaan ngayon. Malapit nang dumating ang araw ng pag-alis niya, hindi ko alam kung kailan ang eksaktong balik niya ngunit sapat nang alam kong babalik siya.

Napatingin ako kay Lennon, seryoso siyang nakatingin sa ginagawa samantalang ako'y nakatitig lang sa kanya. Hindi niya napansin ang pagbungad ko, napailing na lang ako at lumakad palapit sa kanya. Tinignan ko ang mga cupcake na nilalagyan niya ng icing, it's our merienda for tonight.

"You're ignoring me now, siguro kapag nasa Korea ka na o sa Spain, hindi mo na talaga ako papansinin." Tumigil siya at bumaling sa akin, ngumuso ako at agad na tumaas ang kilay niya. "Subukan mo lang, wala ka nang babalikan." Natawa ito at umiling.

Ilang metro lang ang layo nito, amoy ko ang kanyang pabango. Kaninang umaga pa siya nandito ngunit hindi man lang humupas ang bango niya. Is this his natural scent? Inilapit ko ang sarili sa kanya, naramdaman ko ang marahanf paggapang ng kanyang kamay sa aking baywang at hindi pinalagpas ang kahit isang sentimetro sa pagitan naming dalawa.

Inamoy ko ang kanyang dibdib habang ang mga kamay ay nasa kanyang likod, I'm now obsessed with his scent. "Ang bango mo," I commented, I heard him chuckle a bit as he kissed my forehead. "Iwan mo sa akin ang ilan sa mga damit mo ha?" Tumingala ako habang siya naman ay nakayuko.

"My whole cabinet, if you'd ask..." Napairap ako at mas lalo itong natawa, hinalikan niya ang aking ilong at malapad akong napangiti.

"Just ten, promise." I can see his dimples, I extended my arm as I began tracing it with my index finger. "How did you get one? I've been wanting one," Humigpit ang kapit niya sa akin, mukhang tuluyan nang nalimutan ang ginagawa. Isinubsob niya ang mukha sa aking leeg, hindi ko na tuloy makita ang mga dimple niya!

"If you stay like this, it would be difficult to go," He whispered. Sa isang iglap ay napawi ang ngiti sa aking labi, ang bawat paghinga ko ay naging pahirapan. "I'll make sure our child gets one too," Pagbibiro pa nito, handa na siyang humiwalay ngunit maagap ko ulit siyang hinila at ako naman ang sumiksik sa kanya.

"Come back immediately, then." I whispered, napapikit ako sa hiling na iyon. "No, forget it. As long as you'll come back," Bawi ko, nasa punto ako ngayon na natatakot humiling sa kanya. Pakiramdam ko ay kailangan ko pang pag-isipan ang lahat ng lumalabas sa aking bibig dahil natatakot na magkamali, na baka sa isang hiling ay tuluyang nitong kalimutan ang pangarap at manatili rito.

"Babalik ako kaagad," Lumuwag na ang kapit ko. Ang kamay ko'y nakapulupot pa sa kanya habang ang isang kamay niya ay nanatili sa aking baywang. He continue to put an icing to the cupcakes while I'm still clinging into him, he didn't mind it all.

Matapos kaming mag-usap noong araw na iyon, iniwan niya ako sa silid at hinayaan na magpahinga. Sa sumunod na araw, kumatok siyang muli at tinanggap ko na. Natupad ang pangarap ko, siguro ay nakonsensya rin ang tadhana. Inaliw namin ang isa't isa, kahit na laging nandyan ang dalawa kong kapatid na tila ba nagbabantay. Kahit sayangin ko ang buong araw, basta't nasa tabi niya, gagawin ko. Until he set his foot off to the ground of Malolos, I want to spent his remaining days here with me. Malinaw ang lahat, siya bago ako.

"Alas sais na," Bulong ko. Napatingin siya sa orasan at tumango lang. "Hindi ka pwedeng dito matulog," Natapos na siya at muli pang bumaling sa akin.

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon