CHAPTER 42

509 10 125
                                        


"Lennon," Bati ko. Bumaba ang tingin niya sa twalyang nakabalot sa akin, suminghap ako't tinanggal iyon. Bumaling ako kay Manang at ibinigay ang tela, ngumiti ako at tumango.

"Château Latour at cabernet merlot glass?" Lennon groaned, I sharply gaze at him and he just sipped on his coffee.

"Yes, please." Marahang yumuko si Manang at nagpaalam na, sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo na ito. Napadpad na ang tingin ko kay Lennon, ang tingin niya ay nasa tasa lang.

Be professional, Dale. Naupo ako sa upuang kaharap niya lang, ipinahinga ko ang sarili sa upuan. To acknowledge him with my utmost formality, I rest my legs at a slight angle as I cross my legs at the ankles.

Lennon Vesta intensely watched me as I did that. His eyes, then, went up so he can meet my gaze. I knew I flinched a little, it's like my heart jumped. I've long for that stare for the longest of time, and still am. But now, I have to look at someone who's once mine.

"Dad sent you here," He slightly nodded. "I'm sorry for the trouble, he should've just asked someone else. You must be tired," Dumating si Manang kaya natigil ako, ibinaba niya ang bote ng Château at isang baso sa ibabaw ng mesa. May laman na rin iyong ice cubes.

Sandali akong nagsalin, ramdam ko ang titig niya ngunit hindi ko pinabulaanan iyon. Muli akong umayos ng upo habang pinaglalaruan ang laman ng baso, nagsayaw ang likido sa loob ng baso bago ako sumimsim.

"You should've just turned down the favor," I continued after I sipped. "It was a long flight and a long road too, kailan pa kayo umuwi?" I asked as if I never knew and expected that he'd be here a week after our eldest arrived.

"Kaninang umaga," Sumimsim ito sa kape at pinagmasdan ako. "We went straight to your home, and your parents happened to talk to me." Akala ko ay magiging kaswal ang takbo ng usapan namin ngunit tila may nabubuong tensyon sa pagitan namin. Tumaas ang kilay ko.

"Catching up," Maagap kong sabi.

"You can say that," Bulong nito. Ibinaba niya ang hawak na tasa sa lamesita. Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib dahil sa naging tingin nito. "Noong gabing tumawag ka, isang bata ang sumagot. Anong itinanong mo?" Natigil ako sa paglalaro ng baso nang lumabasa sa bibig niya iyon.

Katahimikan ang lumukob sa aming dalawa,
isang punyal sa puso ko ang tanong na iyon. Hinihigop ng mata niya ang tingin ko at hindi na ako nakapag-iwas pa.

"Let's not talk about it," Itinaas ko ang baso at dumampi iyon sa labi ko. Nilunok ko ang kahuli-hulihang patak ng matamis na likido. Ibinaba ko iyon sa lamesita at hinagod ang buhok. "Thank you, I appreciate it." Tumayo ako at maagap napahawak sa sandalan ng upuan. "I'll accompany you outside,"

"Sagutin mo ako, Dale. Kailanman, hindi kita pinilit na sabihin sa akin kung anong dahilan at hiniwalayan mo ako. Kahit ito lang, bigyan mo naman ako ng sagot." Mas naramdaman ko ang lamig ng ulan ngunit boses niya lang ang narinig ko. Pagsusumamo ang nadepina sa boses ni Lennon.

"Tapos na, Lennon. Ano pa bang makukuha natin kung sabihin ko?" Mariin itong pumikit at hinagod ang buhok, nang imulat niya ang mata ay pagod ang gumuhit dito. "Tapos na tayo, Lennon. Tatlong taon na," Umiling siya na ikinagulat ko.

"Hindi pa ako tapos," Tumayo ito at tuluyang humakbang, hindi pa ako nakakahakbang ay mabilis niya nang nahawakan ang kamay ko.

"Lennon, bitiwan mo ako!" Pilit kong inagaw ang sarili ngunit mas humigpit pa ang kapit nito. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mata, ayaw niya akong bitiwan. "Kung mayroon man akong hinihintay sa iyo, gusto ko lang marinig kung bakit mo nagawa 'yon!"

Sa pagkakataong iyon, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha. Kumawala ang hikbi sa aking bibig at hindi ko na sinubukang pigilan ang mga iyon. Naging malabo na ang image ni Lennon.

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon