National Schools Press Conference
Mactan, Cebu
After the opening ceremony, we were tasked to checked our schedule for tomorrow while the faculty waited for us inside the arena. We were guided ny Ms. Radovan outside, nang tuluyan kaming makalabas ay hinati niya ang team. We were divided into two, ang sabi niya ay kapag nahanap namin ang schedule ng isa't isa nang hindi sinasadya ay magsabi na lang sa groupchat. It was somehow fine with me.
"You should be back as soon as possible, alright? The service will be here soon, after lunch na lang kayo maglibot..." Bilin niya at tinapik ang aking balikat na parang sinasabi na ako na ang bahala. She went inside as I turned my gaze in them.
"I think, I'll be with the girls. George, you should be with the boys. There are actually three buildings that will be use, the third one is for the group competition so don't come there. Alright?" Tumatango tango sila, it was posted in a site of NSPC updates that's why I knew.
"Ingat," Bulong ni George. Tumango ako at nagtaliwas na kami ng landas. The team drifted away as the boys went into the other direction.
"The boy hunting starts now," Bulong ni Real sa akin kaya natawa ako. "Hindi ka kasali, kayong dalawa ni Sea. Kami lang..." She added.
"Alam niyo na, region three lang. Para hindi sobrang layo..." Ani ko at nagtawanan sila.
Lumakad kami papunta sa isang building, may apat na palapag iyon. Sinabi ko sa kanilang mabuting maghiwalay na lang din kami, si Sea at Pam ang sumama sa akin. Si Real at Siarra ang nagsama, at sina Pau at Olive ang titingin sa pangatlong palapag.
"Dito na lang tayo sa bungad magkita-kita, okay ba?" Ani Real, nagtanguan na lang kami at humayo na.
Hindi naging mahirap ang paghahanap dahil may limang silid lang sa bawat palapag. Ako ang tumingin ng schedule at hinayaan ko si Sea ang manguha ng litrato upang isend sa groupchat, limang minuto lang naming ginawa iyon at di kalaunan ay nagsibalik na rin ang aming kasamahan.
"I sent it in the groupchat, ganoon din sina George. Tara na ba?" Bungad ni Siarra, ipinakita niya sa akin iyon at binasa kong mabuti.
Halos sabay sabay ang schedule namin, ang iba ay nauna lang ng isang oras at ang iba naman ay nahuli ng tatlumpung minuto. Sa building na pinuntahan nina George ang event ko, ka-building ko ay ang mga News Writer, Editorial Writer, at Science and Health Writer. Sa building na pinuntahan namin naman ang mga event ng Editorial Cartooning, Sports Writing, at Feature Writing.
"Ang event namin ay sa pangatlong building, nag-chat si Wade." Ani Siarra, they are in the same event. Walang kasali sa amin sa group event dahil wala kaming nahanap na team. Ang natira lang for collaborative writing ay si Wane, na aming lay-out artist, pero kasama pa rin namin siya sa pagpunta dito. He's with us because we might win the best school paper, o kahit ang best page like editorial page, news page etcetera. Parte rin siya ng panalo.
"Ang sabi ni Ms. Radovan, bumalik na raw tayo. Nandoon na raw sila George." Ani Sea habang nakatingin sa cellphone. Lumakad na kami pabalik sa arena na hindi naman kalayuan mula sa aming pinanggalingan.
Nasa entrance na sila, habang nagkakanya-kanyang paypay. "Tapos na? Let's go, they are waiting for us." Ani ng Head, napakunot ako dahil hindi ko alam ang kanyang sinasabi. I mean, who's waiting for us? Oh, maybe the bus!
BINABASA MO ANG
Caressing My Perplexed Stella [HS #3]
Любовные романыHechanova Series 3/4 Dale Stella Hechanova is the keenest. She always believes that even a single strand of mistake will never escape the copyreader's eyes, perhaps, it became her persona too. She nitpick not only articles but all of the people arou...
![Caressing My Perplexed Stella [HS #3]](https://img.wattpad.com/cover/166811251-64-k20483.jpg)