The journalists flock into the girl's room that afternoon, they were all lying down in the bed and teasing each other. Isinisiksik nila ang sarili sa dalawang kama habang ang iba ay naglatag ng sheet sa lapag at doon naman humilata. Hindi na rin marinig ang tunog ng telebisyon dahil sa kanilang ingay yet the refused to turn it off.
Sumilip ako sa labas, it's dusk now. We are still in our uniform, hindi na nila nakuha pang magpalit dahil dito kaagad sila tumuloy matapos malaman na ibibili namin sila ni George ng makakain.
"You all should take a bath now, it's almost dinner time. Baka kapag kumatok si Ms. Radovan ay magulat siyang nandito kayong lahat." I told them, sandali kong isinara ang bintana at napatingin sa kanila.
"Ah, this is our last stay here. Hindi ko alam kung gusto ba ng katawan kong umuwi." Ani Kale, I laugh a little because of what he said.
"Kung gusto mo ay maiwan ka, ayos lang naman 'yon sa amin!" Real exclaimed, Kale rolled his eyes on her as she throw him a pillow.
"Lumabas na kayo!" Sigaw ko at itinuro ang pinto, kaagad na napatayo ang mga nasa lapag at narinig ko pa ang pagtawa ni George. "Let's see each other later..." I whispered to him, tumango naman ito at sandali pang hinalikan ang aking noo bago tuluyang tumalikod.
Isa isa silang lumabas at naiwan na kaming mga babae. They prepared themselves too, habang tinutulungan naman ako ni Sea na linisin ang aming mga pinagkainan. Sandali akong napatingin sa kanya, maamo ang mukha nito at tahimik lang. She's always like that.
"Kailan ang uwi ni Kuya Lennon?" Tanong ko upang mabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Inilagay ko sa basurahan ang mga pinagbasutan at saka tumingin ulit sa kanya.
"Sa March, walang eksaktong date pero ang sabi niya, bago raw ang graduation ay makakauwi siya." She shared, maagap naman akong tumango. "Si Kuya Meteo ba? Ang huling usap pa yata nila sa personal ay noong December." She added.
"Wala pang sinasabi, siguro ay bago ang eleksyon ay nandito na siya." Pagkabanggit ko 'non ay kaagad siyang napatigil, she cleared her throat and looked at me. Kumunot ang aking noo dahil sa pagtataka.
"Alam na ba nina Tito Johann ang tungkol sa inyo ni George?" Mahina niyang tanong, napatingin ako sa aming kasamahan na abala sa pag-aayos ng gamit. Mukha namang hindi nila narinig iyon.
"Hindi pa... Hindi ko pa rin alam kung paano ko sasabihin. Mas maganda bang mas maaga o pagkatapos na lang ng eleksyon. Alam mo naman, hindi ba? Imposibleng hindi magkapersonalan ang mga Layana at Hechanova." I explained, she sat on the edge of the bed. Nakatalikod kami ngayon mula sa aming kasamahan.
"Kung ganoon, alam ba ni George?" I already know what she's talking about, umiling ako at narinig ko ang kanyang pagbubuntont hininga. "Dale... I'm sorry to say this, but I think it will be too difficult. Malaman man o hindi ng bawat pamilya niyo, magiging mahirap iyan para sa inyong dalawa ni George."
Alam ko na iyon, I'm preparing myself for this one that's why I can't tell them right away. Sa unang pagkakataon ay parang naramdaman kong kailangan ko ang payo ni Aster, napahawak na lang ako sa aking ulo dahil sa pumapasok sa aking isipan.
Ang sabi nga ni Aster kay George, layuan niya na lang ako kung hindi nito kayang protektahan ako sa kung anong mangyayari. Sigurado akong iyon lang din ang sasabihin niya, layuan si George, he would surely tell me that.
BINABASA MO ANG
Caressing My Perplexed Stella [HS #3]
RomanceHechanova Series 3/4 Dale Stella Hechanova is the keenest. She always believes that even a single strand of mistake will never escape the copyreader's eyes, perhaps, it became her persona too. She nitpick not only articles but all of the people arou...
![Caressing My Perplexed Stella [HS #3]](https://img.wattpad.com/cover/166811251-64-k20483.jpg)