CHAPTER 27

383 13 141
                                        

The way he said it with conviction, he wants me to occupy the seat beside him. As much as I want to protest and just let Kuya Meteo in front, tila ba pati ako ay napipi sa sinabi ni Kuya Lennon. Pinagbuksan ako nito ng pinto at tahimik akong pumasok, tinanaw ko ang aking kapatid na ngayon ay nakapatong ang ulo sa backrest. Nakapikit ito at tila malalim ang iniisip.

I buckled up my seatbelt as Kuya Lennon started the engine. Mukhang hindi pa yata magandang ang aura nila sa isa't isa, dahil lang sa upuan? Ang babaw naman ni Kuya Meteo kung ganoon. Paano kung may iba pa pala silang pinagtalunan? Well, they're old enough to know what's right and wrong.

"Kuya, kumain ka na?" I asked as we went forward, leaving NAIA. "Tutuloy tayo sa San Idelfonso, alam kong pagod ka kaya kung gusto mong magpahinga, we can drop you off to Malolos." I looked at him in the mirror and I saw how he slowly opened his eyes.

"I already ate before we board, sasama ako sa San Ildefonso." Diretso nitong sabi. I can feel their cold fight, I don't know even know why because the last time Kuya Meteo went home, ayos naman silang dalawa.

"Then you should rest, it'll be a tiring day..." I suggested, ngunit imbis na pumikit ulit ay nanatili itong nakatingin sa harap. Minsan ko pa siyang nahuling matalim ang tingin kay Kuya Lennon.

"Meteo, stop being immature. If you don't want to rest because you're thinking that I won't take Dale to San Ildefonso-"

"Lennon," Sa aking pagtawag sa kanyang pangalan ay tila natigil ito, my hand rest on his shoulder while I tapped it slowly. His jaw clenched, trying not to speak one more word.

"We have to talk, Lennon." Mariing sabi ni Kuya Meteo, napapikit ako at nilamukos na lang ang damit ni Kuya Lennon. Nagulat ako nang dumapo ang kamay niya roon, ang init ng palad nitong nakapatong sa aking kamay ay lumukob sa aking katawan.

Hinawakan niya ang kamay kong namahinga sa balikat niya at nanatili iyong ganoon. Sa bawat segundo ay pasakit nang pasakit ang dibdib ko, hindi dahil sa sakit, pero dahil tila gusto nang kumawala ng puso ko. Tila hindi ko mautusan ang sarili na bawiin iyon, at ni hindi ko na intindi ang sasabihin ng aking kapatid na nasa likod lang.

"We already talked about this Meteo," Kuya Lennon said coldly. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong pinag-usapan nila ngunit ang boses sa likod ng ulo ko ay ibinubulong sa akin iyon.

Inagaw ko ang kamay at napapikit na lang, Kuya Meteo didn't reply after that but I'm certain that he saw what Kuya Lennon did and I just let him do it. Well, at least, for a couple of second.

I know that Kuya Lennon's checking me out from time to time, ramdam ko ang kanyang sandaling pagtitig bago muling ibalik ang tingin sa daan ngunit hindi ko pinabulaanan iyon. Kinagat ko ang labi ay niyakap na lang ang sarili, tama pa ba 'to? God, how can this feel chaotic yet peaceful at the same time? Gusto ko ang pakiramdam ngunit tila may nagsasabi sa akin na mali.

Hindi nakatiis si Kuya Meteo, nang dumaan kami sa Malolos ay nagpababa ito. We're in the side of the road, in the central. Ayaw ko sanang iwanan siya rito, o kaya naman ay pwede naman namin siyang ihatid sa bahay pero nagpumilit ito.

"Bakit? Sumabay ka na sa amin," Tanong ko habang kinukuha niya ang gamit, si Kuya Lennon naman ay hindi lumabas. Sinabi ko sa kanyang huwag lumabas dahil baka mag-abot na sila.

"Ipinadala ko ang sasakyan ko rito, susunod ako roon. I'll just see you there," I stared at him, hinagod ko ang aking buhok at lumapit sa kanya.

"Kuya, is it about Kuya Lennon?" Tumingin siya pabalik sa akin, humalukipkip ito at tila tinatantsa ako. "Ayos naman kayo, ah? Bakit ganito ngayon?" I remember their cold fight when Kuya Lennon did something about my brother Comet and Sea's relationship. Ayaw ko nang maulit iyon. They've been through a lot.

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon