"Sasabay ka ba kay Comet bukas, o sa akin?" Rinig kong tanong ni Aster habang nasa hapag kainan kami. Napatingin ako kay Comet na nakatingin lang din sa akin, halatang naghihintay ng sagot.
"Dating gawi pa rin, magpapahatid ako sa driver ni Daddy..." Mahinang sabi ko at napatingin kay Dad na tumatango lang. Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Hechanova, maagang umuwi sina Mommy at Daddy kaya naman nagkasabay-sabay kaming kumain.
"Oh, alright..." Ani Aster, bumalik ang tingin ko sa kanya. Mukhang nanlumo ito sa aking isinagot. Dapat na siyang masanay, minsan lang ako sumasabay sa kanila, minsan ay kapag pauwi na.
Bukas na ang opisyal na muling pagbubukas ng klase matapos ang Christmas holiday. Mas gusto ko nang maghigpit ngayong taon, malapit na ang botohan at katulad nga ng sinabi ni Daddy, kailangan kong maghintay pa. Mas lalong bumigat ang problema ngayong isang Layana ang makakalaban niya, at isang Layana rin ang nobyo ko. Iyan ang dahil kung bakit komplikado, tila ba isang maling galaw ko ay masisira ang lahat.
"Kailan ang foundation week niyo, Dale?" Tanong ni Mommy.
Mayroong foundation week na tinatawag sa university, dito ginugunita ang anniversary ng paaralan. During the whole week, may iba't ibang activity ang bawat club ng High School. May mga pasabog ang bawat department ng College, habang ang mga Elementarty naman ay hinahayaang makisaya. It's actually one of the best events in school, hindi lang iyon para sa mga mag-aaral kung hindi para na rin sa pamilya.
"February pa po iyon, 'My." Mabilis kong sagot. Ipinagpatuloy ko ang pagkain, masarap ang kare-kare na niluto ni Mommy, it's one of her special recipe, ngunit napatigil ako sa pag-nguya nang marinig ang kanyang tanong.
"Then, do you want to join us on Family Day?" Dahan dahan kong ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor, napatingin ako sa kanya at lumunok.
Ang family day ay ginaganap sa huling araw ng foundation week. Noong nakaraang school year, kumpleto ang mga Hechanova noong family day dahil umuwi si Kuya Meteo. Ang kasama ko 'non ay sina Mama at Papa, noong nasa bahay pa lang nila ako nakatira ay sila ang palaging sumasama sa akin. Kahit na noong lumipat ako ng bahay ay sila pa rin. I never joined the Hechanova during the Family day... It's not as if they don't want me to join but I feel like it would be better if I'd be with Mama and Papa.
Walang pag-uusapan ang mga tao, walang magiging issue.
"I think that's too early to plan, Mom..." Sambit ko at ngumiti, nag-iwas ako ng tingin at napatingin kay Comet na kaharap ko. He stared at me for a second and then sigh. Kinagat ko ang aking labi at itinuloy lang ang pag-kain.
"She is right, Khalil. That's too early." I cleared my throat when I Dad said that. Hindi ko na lang pinansin iyon, hindi na rin nagsalita si Mommy matapos magsalita ni Daddy. We continue eating as they changed the topic.
After eating, they stayed in the dining area to talk about some few things. I told them I have to go back home since I have some things to fix for tomorrow, pumayag naman ang aming mga magulang kaya lumakad na ako paalis. I locked the gate and so does the main door, pinatay ko ang ilaw sa sala at tanging ang ilaw ng hallway na lang ang nakabukas. Tumaas na ako at dumiretso sa aking opisina.
I have my own office, itinuring ko ng seryosong trabaho ang pagiging Editor-in-Chief. Sa apat na taon ko ba naman sa Publication, marami nang nangyari at marami na akong journalists na napadaan.
There are a lot of papers here, there are pictures in the wall too. Mostly, group pictures. But there were no pictures of George and I here, wala pa. Tuwing wala akong ginagawa ay dito ako tumatambay, just browsing some winning pieces I did when I was young. And then, I critique myself and my works.
Kinuha ko ang ilang papel. I have some guides here that they can read, baka may makuha rin silang ideya dito. I told them to review about Philippine's Contemporary Issues since that topic is very timely. Lalo na at kailangan na ang boses ng mga kabataan sa mga napapahanong isyu ng bayan.
BINABASA MO ANG
Caressing My Perplexed Stella [HS #3]
RomanceHechanova Series 3/4 Dale Stella Hechanova is the keenest. She always believes that even a single strand of mistake will never escape the copyreader's eyes, perhaps, it became her persona too. She nitpick not only articles but all of the people arou...
![Caressing My Perplexed Stella [HS #3]](https://img.wattpad.com/cover/166811251-64-k20483.jpg)