Comet and Aster are in a total rage.
"Ngayon lang, Aster! Please!" I screamed, halos ibalibag ko na ang cellphone dahil sa frustration na nararamdaman. "Someone paid a thousand, isusuot mo lang naman 'yong singsing then you can go!" Hinahabol ko ang hininga at kaagad na hinagod ang buhok.
I looked at Comet who's standing in front of me, nakasuot ito ng tuxedo at hindi na maipinta ang mukha. Its the first day of our foundation week, hapon na at marami na kaming kinikita dito sa booth. But then, they were expecting the Hechanova bros!
[Dale, hindi ako pumayag diyan! Carina will be so fucking mad at me, baka atakihin iyon!] He is just exaggerating it, bakit naman aatakihin si Ate Carina? It's just a fucking fake wedding, for the booth only!
"Ganyan ka na pala ngayon," Humina ang boses ko para makonsensya siya. "Kapag ikaw naman ang humihingi ng pabor, ayos lang. Kahit na ang sama mo, I didn't get mad at you. Now... Grabe, Aster..." Pilit kong inartehan ang boses para lang mapapayag siya.
"Dale! Ikakasal na si Comet, lumabas ka na diyan." Ani Sea habang natatawa. I'm here at the back of the tent, trying to convince Aster.
Nakita ko pa kung paano hinawakan ni Sea ang kamay ni Comet at hinalikan ang baba nito na tila ba naglalambing. Comet smiled, wala naman siyang magagawa. Sea asked for it anyways.
[I'm so sorry, Dale. Ibalik mo ang pera, doblehin mo pa. I'll pay you here.] I'm on the edge of giving up, but then again, I can't.
"Kuya Aster," Labag sa loob kong tawagin siya ng ganoon, but that's my last resort. "Please do it for me, Kuya..."
"Oh God, this kid. Okay, I'll go! Fifteen minutes! What am I going to do with you..." Ibinaba niya ang tawag at malawak naman akong napangiti, I know I can get you with that. He really loves to be called Kuya, even Comet doesn't call him that.
Pumasok na ako sa tent, ang daming tao sa loob at labas. Pare-parehas na nagpipigil ng sigaw, nakita ko si Sea na nakangiti lang sa tabi ni Comet.
"Alam mo na, ha? Smile..." She whispered to him. "I'll give you something later, Captain."
Ngumisi ako, mukhang alam ko na 'yon.
Iniikot ko ang tingin sa aming booth, bawat side ng tent ay may kurtinang puti. Sa gilid ng aisle ay may may mga vase ng flowers at may mga artificial vines naman sa itaas ng tent na nakalaglag sa ere. Garden wedding ang peg! Marami nang naikasal dito, pero ang kay Comet ang hinihintay ngayong hapon!
May mga upuan na nahati ng red carpet na papunta sa harapan kung saan naghihintay ngayon si Kale. He will act as the priest, kami ay nasa gilid upang magsilbing usherette. Ang mga kaibigan ng babaeng nakaputing bistida ngayon ay nakaupo sa upuan, well, I heard she's a certified fan.
"Shall we start?" Tumango ako kay Real, sinenyasan niya si Wane na nag-ooperate ng music. Tumugtog ang beautiful in white at tuluyang lumakad si Comet sa aisle.
Nabingi kami dahil sa hiyawan habang nakatitig lang ako sa kapatid, ngumisi ako at umiling. Tatlong libo para sa presensya ni Comet Hechanova? What a good marketing! Kaya naman sinulit namin sa desenyo at effort ang wedding booth, alam naming malakas ang kapit ng fanbase ni Comet.
"Sea, aren't you jealous?" I asked my friend, natawa ito at umiling.
"You know Dale, I am still sure that I'm the endgame." Umirap ako at natawa na lang din.
Di kalaunan ay lumakad na rin ang bride, bawat anggolo niya yata ay may flash. Pati si Siarra na aming photojournalist ay nakisali na rin, we promised them that we're going to post the pictures in our bulletin! Kaya mas lalong maraming na-engganyo na magpa-schedule ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Caressing My Perplexed Stella [HS #3]
RomantikHechanova Series 3/4 Dale Stella Hechanova is the keenest. She always believes that even a single strand of mistake will never escape the copyreader's eyes, perhaps, it became her persona too. She nitpick not only articles but all of the people arou...
![Caressing My Perplexed Stella [HS #3]](https://img.wattpad.com/cover/166811251-64-k20483.jpg)