CHAPTER 40

513 8 84
                                        


Katahimikan ang lumukob sa pagitan namin ni Aster matapos iyon. Nanatili ang mata ko sa labas habang ramdam ko ang paminsan-minsan niyang pagtingin sa akin. He's really concern about me, building a family.

Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin talaga mahanap ang mata niya sa iba. Kahit anong gawin ko, kusang sumasara ang pinto kapag hindi siya ang kumakatok.

Ilang minuto pa kaming nasa gitna ng daan ay natanaw ko na ang bahay ng Hechanova. Limang matatayog iyon, iisa ang disenyo at magkakatapat lang. Tapos na ang apat, ang pang-lima naman ay kasalukuyan pa lang na ginagawa. Hanggang sa pagtanda, hindi nila kayang iwan ang Bulacan. Minsan na akong umalis, tawagin nila akong sinungaling kung ni minsan ay hindi ko ginustong bumalik.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Mommy, humikab ako at inayos pa ang sarili sa harap ng salamin. 

"Are you taking good care of Eli?" Tanong ko sa kanya, sumimangot ito at tumango. Siya lang naman ang legal guardian ni Eli rito sa Bulacan, syempre ay wala ako! Hindi pa rin sapat si Manang Violy.

Lumabas na kami ng sasakyan, papasok na sana kami ng gate ng biglang may tumawag sa akin.

"Mama!" Nanliit ang mata kong nilingon ang batang kumakaripas ng takbo sa akin. Nasa likod niya ang ama't ina, mukhang kagigising lang. Nang makalapit ito ay maagap niyang niyakap ang binti ko, yumuko ako at kaagad siyang kinarga.

"Good Morning," Bati ko, imbis na bumati ay pinaulanan niya ako ng halik. "Don't make it obvious, love, I know you like me more than you like your Dad." Lumapit sa akin si Comet at marahan akong binati ng yakap.

"It's been months," Sambit niya pa. Ngumiti lang ako at bumaling din sa kanyang asawa para bumati. Ngumiti ito sa akin, humawak siya sa kanyang tiyan na para bang napagod ito sa paglalakad.

"Buntis ka?" Kaagad siyang umiling, natawa naman sina Comet. Siguradong matagal pa ang hihintayin kay Aster, may usapan sila ni Ate Carina tungkol doon. 'Yon ang tinatawag na family planning, hindi ko alam kung alam ba ni Comet.

Pumasok kami sa loob, karga ko pa rin ang unang apo ng mga Hechanova. We went to the dining area and our parents are already there, waiting for us. Kinuha sa akin ni Aster ang pamangkin, ngumiti sa akin ang aming mga magulang at sinalubong ako ng mainit na yakap. Ito ang matagal ko nang gustong maramdaman. Hindi ko lang kayang umuwi ng madalas.

"I missed you," Daddy kissed my forehead as Mom embraced me tightly.

"It's just three months but still," Wika ni Mom na ikinatawa namin. Hinaplos niya ang aking pisngi at pinanggigilan iyon. "You're healthy," Nanlaki ang mata ko, that means the other!

"I'm not fat!" Depensa ko.

"You are!" Pang-aasar ni Aster, napairap ako sa kanya at pare-parehas na kaming naupo. Katabi ko si Aster, ang mag-anak naman ay nasa kabilang side ng table. Lagi na nilang sinasabi sa akin 'yan, alam ko namang hindi totoo. I'm a skinny legend!

Nagsimula na kaming kumain, napuno lang ng kumustuhan ang dining table. Hindi nga natanggal ang ngiti sa akin ni Astrid, halata namang ako ang paborito niyang Tiya. Ano na kayang hitsura ng pinsan mo? Perhaps, he got the looks of your father. The image of him is blurry on my memory now. Hindi ko na matandaan.

"Malapit nang umuwi sina Meteo," Sambit ni Daddy. Nagkatinginan kami, alam kong may laman ang tingin na iyon ngunit kaagad ring nag-iwas. "Baka sa susunod na buwan, baka nga mauna pa siya."

"Sino pa lang kasama niya?" Sumubo ako at nagpanggap na walang alam, kahit alam ko namang si Lennon iyon. Baka gusto na ring umuwi ni Kuya at dito na bumuo ng pamilya kagaya ng kaibigan. Ilang taon na rin sila sa Espanya. "I'll be busy next month," Binawi ko rin ang tanong at inunahan na lang.

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon