CHAPTER 44

573 14 153
                                        


Matapos niyang ipalasap sa akin ang buong kalawakan ay iginiya niya na ako sa higaan. Lumalalim na ang gabi, sa pag-aakala kong matutulog na kami ay nagkamali ako. Wala yata siyang balak na pumikit, nakatingin ito sa akin at halos hindi kumukurap.

"You're so beautiful," Bulong niya, nanliit ang mata ko at inilayo ang sarili sa kanya. Akala ba niya ay makukuha niya ako sa ganyan? If he wants to do it, then put a fucking ring on it! Tumango na lang ako at binalot ng kumot ang sarili.

"Nothing's going to happen tonight," Bulong ko na ikinahalakhak niya pa.

Naramdaman kong isiniksik niya ang kamay sa aking leeg, hinayaan niyang maging unan ko ang braso niya. Nang magkatitigan kami ay nakuha ko na ang gusto niyang iparating. Isiniksik ko ang sarili sa dibdib niya habang ang kamay ko ay yumakap na sa kanya.

Dumampi ang labi niya sa noo ko, akala ko'y ilang segundo lang ngunit tuluyan niya nang ipinahinga ang labi sa akin. Walang balak na ibangon ang sarili, itinatatak na ang sarili sa akin. Nakangiti kong ipinikit ang mata ngunit nanatiling gising ang pakiramdam.

"Noong huli tayong natulog, pinaalis mo ako kinabukasan." Bumigat ang paghinga niya at kasabay 'non ang paghigpit ng yapos nito sa akin. Itinapat ko ang tainga sa kanyang puso at pinakinggan lang 'yon. "Kapag nagising ka bukas, kahit anong sabihin mo, hinding hindi na ako aalis." Ngumiti ako at tumango.

"Gigising ka bukas na hawak ko pa rin," Wika ko, hinalikan ko ang dibdib niya at nag-angat ng tingin sa kanya. Nakangiti na ito. "Unless, umalis kang kusa." Tumaas ang kilay nito at umiling. "Then so be it, let's sleep..."

"Naghintay ako ng ilang taon, pagkatapos ay tulog lang?" Natawa ako at pinisil ang pang-upo niya. "Dale, matulog ka na. Nahihirapan lang ako," Kinagat ko ang labi, pinipigilan na matawa. Ipinikit ko na ang mata at hindi na umimik pa.

Ang huling naramdaman ko ay ang mahigpit na yakap nito bago tuluyang nakatulog.

Namulat ako nang maramdaman ang mainit na paghinga sa aking leeg at tila nagising na ang buong diwa ko nang lumandas ang dulo ng kanyang ilong sa aking balat. Napabaling ako sa kanya at doon lang siya natigil.

Maaliwalas ang mukha nito, bagong ligo pa. Medyo basa ang kanyang buhok at bago na ang suot na damit. Bumangon para maligo't bumalik din para aluhin ako.

"Good Morning," He whispered. That's when I realized that I have a morning face and the morning breath. Bumalikwas ako at maagap na nakawala sa yakap nito, bumangon ako't agad na lumakad papunta sa banyo.

I locked the door without even greeting him or looking back at him. I looked at myself in front of the mirror, I shook my head as I feel the disappointment. Habang nagsisipilyo ay narinig ko ang pagkatok sa pinto.

"Dale, buksan mo ang pinto." Nanatili akong walang kibo at hindi rin binuksan iyon. Ayaw kong makita niya ang morning face ko! Baka maghanap pa ng bago! "Naiihi na ako, I can't hold this."

"Lennon, I'm doing my routine!" Sigaw ko at sinunod ang paglilinis ng mukha. Itinuloy ko ang pagsasabon sa mukha, matapos iyon ay binuksan ko na rin ang pinto. Nakasimangot siya at pumasok, tumuloy sa cubicle.

Sinuklay ko ang buhok sa harap ng salamin,
nakita ko naman ang paglabas niya mula sa banyo. "Breakfast?" Tanong niya at lumakad palapit sa akin, pumwesto ito sa likod ko at ipinatong ang baba sa aking leeg.

"Nakaluto na si Manang?" Ibinaba ko na ang suklay at inayos ang suot.

"Nagluto ako kanina," Kumunot ang noo ko't napatingin sa orasan, alas nuebe na. Maaga siyang nagising, kung ganoon? Bumalik lang sa tabi ko dahil sa sinabi ko kagabi? Ngumiti ako't tumango sa kanya.

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon