CHAPTER 33

386 12 152
                                        

Nang makarinig ako ng palakpakan at mga mumunting hikbi, alam ko na. Isan ngiti ang kumawala sa aking labi, may pinatunguhan din ang lahat. Hindi ko na nabilang ang mga minutong nagdaan matapos akong iwan ni Lennon sa sala, siguro'y kulang isang oras na rin. Tumayo ako at tinahak ang papunta sa hardin, lahat ay nakangiti habang binabati ang aking mga magulang.

Lumipad ang tingin ko sa projector, tapos na ang bilangan. Isang kampanyahan na naman ang naipanalo, sa wakas. Hindi maitago ang ngiti sa mga labi nila, habang nakatitig doon ay bumulong ako sa sarili, ito ang bunga ng lahat ng segundo ng paghihintay mo.

"Dale!" Tawag ni Mama, lumawak ang ngiti ko at sa kanya tumuloy. Niyakap niya ako at hinalikan ang aking noo, nakuha ko na ang ibig nitong sabihin. Bumaling ang tingin ko sa mga magulang, sinalubong din nila ako ng yakap.

Mom, embracing me. Dad, embracing Mom. Nilukob ako ng mainit na pagmamahal.

"You did well, always." I whispered, hinarap nila ako at tumango. Mom can't even utter a word out of happiness, I extended my arm as I reached for her cheeks, I wipe her tears as I nodded slowly. "It was worth it, Mom..." I added.

"Thank you," Muling pumalakpak ang aming mga kasama, ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng aking mata ngunit hindi ko hinayaang makatakas iyon. Dad kissed my forehead, I tapped his back for the another milestone.

Nagpatuloy ang lahat sa kasiyahan, nanatili ang mata ko sa projector. Mahigit sa limang libo ang agwat ni Daddy kay Mayor Layana, humigit kumulang tatlong libo naman ang panalo ni Mommy sa iba pang tumakbo. Sa kalagitnaan ng pagtitig, naisip ko ang dating kasintahan. Was it worth it, George?

Hindi ko pinansin ang mga kapatid, kahit na nanatili ako sa mesa nila. Tanging si Sea at Ate Carina ang kausap ko, minsan ko pang tinanaw ang mesa nina Lennon at napansin na si Kuya Leon lang ang nandoon bukod sa mga nakatatanda. Nasaan si Kuya Meteo? I didn't think about it, while I was talking with the two, the only image I can see is the way how Lennon kissed me. The fact that I didn't want him to pull out didn't escape my mind too, it was all his thoughts that filled me.

Isang oras ang lumipas, nagpasya na ang mga bisita na magpaalam. Hinatid namin sila hanggang sa gate ng bahay, abot ang pasalamat ng aking mga magulang sa mga ito. Naunang humayo ang mga Carpio at sumunod ang mga Vesta, bago pumasok sa sasakyan si Lennon ay nagkatinginan kami, tipid lang akong ngumiti at tumango. 

Humayo na ang mga ito, napatingin ako sa aking mga magulang at ngumiti.

"Mauuna na po ako, I'm bit tired." Bulong ko, ngumiti sina Daddy at tumango. "Mama, I'll just wait for you there."

Tila hapong hapo ang katawan ko, hindi ko alam kung sa pagod lang ba o may kakaiba akong nararamdaman. Masyado ba akong napagod, masyado bang marami ang mga nangyari, o lunod pa rin ang isip ko sa lahat ng nangyari kanina. Habang naglalakad ay napahawak ako sa aking labi, gusto ko 'yon ngunit ang tumawag sa akin para siilin ang halik na iyon ay kakaibang boses.

Sigurado akong nabigyang kasiguraduhan ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi na kailangang pagdudahan ang distansya o ang oras. Kahit gaano kalayo, kahit gaano katagal, maghihintay ako.

Ngayon ay mas luminaw na nasa panahon kami ng paghihintay. Siya, hinihintay akong umusbong pa. Ako, handang maghintay sa kanya. We're in the season of waiting, and we're not even in the peak yet.

Binuksan ko ang ilaw ng bahay nang tuluyan akong makapasok, nilingon ko ang kulungan ni Eli at tila nanindig ang balahibo. Nandoon na siya? Sa aking pagkakatanda, nanatili ito sa maindoor kanina. Mukhang natutulog na ito, siguro ay si Manang Violy ang naglagay sa kanya diyan. Mayroon namang spare key ang bahay. May kumiliti sa tiyan ko ngunit hindi ko malaman kung anong pakiramdam iyon, mukhang kakaiba.

Caressing My Perplexed Stella [HS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon