Chapter 2 My Ate

3.1K 113 1
                                    


Jovanne..

Nandito kami ngayong apat sa isang restaurant. Paalis na sana ako kanina at magpapaalam ng sinabi ni Raffie na magdidinner daw sila.Pero ng makita niya ako sinabi nitong sama nlang din ako.

Dito din naman ang condo nya sa may Makati banda at itong restaurant na pinuntahan namin walking distance lang mula sa clinic nya.
Habang naghihintay ng order,nag kukwentuhan lang silang tatlo. Magkatabi kami ni ate sa upuan kaharap naman namin si Raffie at kuya Alvin.Hindi sweet ang dalawa sa public para lang talaga silang magbabarkadang tatlo. Hindi naman ako maka relate sa pinag uusapan nila kaya tahimik nalang ako.

"So Jenny!saan mo balak mag apply ulit ng work? Kailan ka ba mapipirmi sa isang trabaho?" Seryosong wika ni Raffie.

Napangisi lang nman si ate.Grabe talaga buti napagtatyagaan ni Raffie ang ate ko na kaibigan.

"Try ko mag call center,malaki ang sahod doon." Nakapagtapos naman si ate ng IT four years pa nga eh,ewan ko ba at hindi inaapply ang pinag aralan.
"Puyat ang kalaban mo dyan."

Tahimik lang naman kami ni kuya Alvin.

"Apply ka nalang sa akin,secretary ko sasahuran naman kita ng tama." Nakangiting wika ni Raffie. Bigla namang dumating ang order namin kaya natahimik na kaming apat.Si Raffie din ang may treat,dapat nga si kuya Alvin eh sya kaya ang lalaki.Hay naku,tinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagkain.

9 na ng gabi ng lumabas kami ng restaurant,sarap ng foods nabusog ako.Nagtaxi na kami ni ate pauwi si Raffie naman ay ihahatid pa daw ni kuya Alvin.Pagkatapos ay uuwi na din ito ng Valenzuela, parang gusto pa ngang sumama si ate sa kanila.Syado ayaw humiwalay eh halos araw araw naman silang nagkikitang tatlo.
Tahimik lang kami ni ate hanggang makarating nang bahay.
Ito ang bahay namin ,dito kami nakatirang pamilya isang bungalow at may dalawang kwarto.Kawarto namin ni ate iyong isa,kaya lang ng umalis si papa at bumukod na sila ni Tita Jinky sa Batangas na sila tumira may bahay na sila doon,tig isa na kami ni ate ng kuwarto at napunta sknya ang masters bed room.
May monting negosyo na rin silang pinagkakaabalahan.May pwesto sila ng bigasan sa bayan,si papa parin naman ang nagpapaaral sa akin.Pero si ate na ang bahala sa ibang gastusin dito sa bahay.Gusto ko na din talagang makatapos para matulungan na rin si ate at syempre may dalawa pa kaming nakababatang kapatid gusto ko rin silang tulungan sa pag aaral.

Binagsak ni ate ang katawan nya sa sofa parang pagod na pagod wala parin kaming kibuan.Didiritso na sana ako ng aking kwarto nang biglang tinawag ako ni ate.

"Halika ka nga dito mag usap tayo." Pagalit nitong sabi.Problema nito!Umupo nalang ako sa tabi nya.

"Wala ka bang mga kaibigan?"
Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.Of course I have a lot of friends may best fried din ako si Mylene.

"Pwde hwag ka nang nagpupunta sa shop ni Raffie."

"Ate!!" Nagtataka kong turan sa inaasal ng ate ko.

"Inaagawan mo ba ako ng kaibigan?Oo mabait si Raffie, pero Jovanne pwede ba!"

What?? Seryoso?Ate ko paranoid. Ayoko ngang maging kaibigan si Raffie eh gusto ko higit pa doon.

"Ate ano bang sinasabi mo?" Mahinahon ko paring tugon.

"Maghanap ka ng sarili mong kaibigan,hindi yung sa akin.Dahil ba mayaman ang kaibigan ko ha!" Paangil nitong wika.

May mga kaibigan ako pero ni minsan hindi ko inisip na kaibiganin sila dahil lang may pera,kundi dahil totoo sila at masaya silang kasama.Bakit ganito mag isip ang ate ko,ibig bang sabihin hindi sya totoo Kay Raffie? After all this years.Samantalang ang bait bait ni Raffie,gusto pa nga nya itong tulungan dahil wala na naman siyang trabaho.

"Ate nagpunta lang ako doon dahil gusto kitang makasabay umuwi. Iyon lang iyon." Depensa ko kahit pa nagsinungaling ako sa part na yun.Tumayo na ako at naglakad papasok ng aking kwarto.

Natahimik naman si ate,siguro dahil natauhan sya sa nga pinagsasabi nya.
Malalim na ang gabi,pero heto ako nakatihaya sa higaan at dilat ang mga mata na nakatitig sa kesame.Madilim na sa buong kwarto at lampshade lang ang ilaw.Iniisip ko parin ang mga sinabi ng ate ko kanina.Ganun ba ang ate ko? Mula pagkabata ay magkasama na kaming dalawa,matanda sya sa akin ng limang taon. Mabait ang ate ko responsible,wala syang angal sa mga gastusin sa bahay.

Kaya kahit lagi syang umaalis sa trabaho hindi nalang ako kumikibo kasi hindi naman nya ako pinapabayaan.

Kaya lang hindi ko parin lubos naisip ang mga sinabi nya sa akin kanina.Alam kong hindi biro iyon,galit talaga siya at iyong sinabi nyang pera lang- hayy ako ang nasasaktan. Kaya lang ba nya kinaibigan si Raffie dahil sa may pera ito?

Ang pagkakaalam ko nasa States na ang pamilya ni Raffie, pero sya ayaw niya mas gusto nyang magtayo ng negosyo dito. Mayaman talaga ang pamilya nya.How about Alvin?hmp napasimangot tuloy ako sila na pala ni Raffie. Matagal na kaya sila?ni wla namang nababanggit si ate,sabagay hindi ko naman sila friend.

Napabiling ako sa higaan,antok please dalawin mo na ako may pasok pa ako sa school bukas I mean mamaya pala kasi 3am na. Pinikit ko ang aking mga mata,sana makatulog na ako.

Pakiramdam ko kakapikit ko palang nang tumunog na ang alarm clock ko. Antok na antok pa ako pero kailangan ko ng bumangon,5 minutes sabi ko sa aking sarili. Pipikit pa sana ako ng marahang kinatok ang pintuan,si ate kahit hindi naman kailangan na ipagluto pa ako ng breakfast ginagawa parin niya. May work man sya o wala. Tuluyan na akong bumangon at lumabas ng kwarto.

"Morning!" Bati ng ate ko "Kalimutan mo na yung mga nasabi ko kagabi."

"Morning too ate." Tugon ko naman,parang walang nangyaring pagtatalo kagabi. Naamoy ko ang sinangag na nakahain sa lamesa,may pritong hotdog din at sunny side up.Dumiritso muna ako sa banyo para mag hilamos at mag toothbrush.
Bago ako natapos may naulinigan akong kausap ni ate,sino naman ang bisita namin ng ganito kaaga.

Nagtatawanan pa ang nga ito,nagmamadali tuloy akong lumabas.

Oh si karibal pala,aga naman nyang mambwisit.

"Hi Jovanne! Morning pwede makita breakfast?" Bati nito. Nakaupo na nga sa dining ano pang magagawa ko,sana si Raffie na lang ang nandito.

"Morning too kuya." Tugon ko nalang at umupo na din,may naka ready na ring coffee. Sweet naman ng ate ko. Tumingin ako kuya Alvin mukhang nakapanlakad lang wala ba itong pasok sa school? Ni hindi ko nga alam kong saan ito nag aaral. Sabagay hindi naman ako interesadong malaman

"Let's eat." Masayang turan ni ate at umupo ito sa tabi ni kuya Alvin,minsan din talaga nakikikain siya dito. Si Raffie nagagawi lang dito sa bahay kapag may okasyon.

Mukhang wala din yatang balak lumabas si ate,akala ko mag aaply sa call center. Hay bahala nga sya.
Tahimik lang kami habang kumakain,mabait naman si kuya Alvin. Hmp basta,sana hindi nalang naging sila ni Raffie. Nagiging bad na tuloy ako,minadali ko nalang kumain para maaga akong makapasok sa school. Hay Raffie kailan kaya ulit tayo magkikita buntong hininga ko na lang. Malapit lang naman ang school ko sa clinic,kaya lang nagtalo na kami ni ate tungkol sa pagpunta ko doon.

Kathryn Bernardo po as Jovanne..
.thank you po readers hehe meron nga ba.??

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon