Jovanne POV....
Maaga akong umalis sa condo ni Raffie dahil sa nakakabahalang message sa akin ni Cathy. Kailangan daw naming magkita at may importante itong sasabihin. Bigla tuloy akong kinabahan,mukha kasing sobrang importante ang sasabihin nito. Kaya hindi na tuloy ako nakapag paalam sa mahal ko..
Oo inaangkin ko na sya, sa akin na sya Simula ng makita ko si ate at kuya Alvin sa ginagawa nila kagabi. Pagkatapos ng pagkikita naming ito ni Cathy kokomprontahin ko na rin si ate.
Nakipag palit muna ako ng off sa kawork ko sa hotel,mag off muna ako ngayong araw na ito. Nakakahiya naman kasi kay Cathy luluwas pa ng manila para lang makipag kita sa akin.
Nandito na ako sa isang restaurant na sinabi nyang pagkikitaan naming dalawa. Umuwi nga lang ako sa bahay para magbihis ni hindi na na ako naka pag breakfast. At ang magaling kung ate mukhang hindi yata umuwi kagabi. Mukhang may iba nang inuuwian. Nag iinit talaga ang ulo ko kapag naalala ko ang tungkol sa kanila ng Alvin na yun.
Nag order muna ako ng coffee habang hinihintay ko si Catherine. Itext ko nga sya kung asan na sya? Nang hagilapin ko yung phone ko sa may bag. Shit!naiwan ko pa yata sa bahay.. Kakamadali ko siguro kanina. De bale sisipot naman yun,maghintay nalang ako.
Nagulat pa ako ng may tumapik sa likod ko at bago pa ako lumingon ay nasa harap ko na si Cathy. Seryoso ang mukha nito,diritso lang ang upo sa harap ko ni hindi nagbeso na lagi naman nyang ginagawa pag nagkikita kami. Pansin kong hindi ito naka suot ng uniform mukhang hindi rin ito pumasok sa school.
Napatitig lang ito sa akin pagkatapos ay nilapag sa table ang hawak niyang folder. Ano kayang problema ng babaeng ito.
"Order muna tayo gutom na ako." Wika nito.hayy gutom lang pala. Tinawag na nito ang waiter at sya na ang bahalang nag order ng pagkain..
Habang hinihintay ang order namin,nakatitig na naman ito sa akin..
"I'm sorry Jovanne, sana hwag kang magagalit sa akin." Seryoso nitong wika." Maniwala ka totoo ako sayo,kaya lang iba kasi ang pakiramdam ko sa..." Napangiwi ito tila nag aalangan itong sabihin.
"Sabihin mo lang kung ano yun Cathy.. Promise hindi ako magagalit." Sincere kung sabi. Narinig ko ang kanyang malalim na paghugot nito ng hininga.
"Nagsagawa ako ng investigation, Hindi kasi ako mapanatag. Si kuya Alvin masyado nya akong ginugulo."
Ano? Ginugulo! Anong ibig nitong sabihin.."What do you mean?." Curious kung tanong..
Nakatitig ito sa akin tila nag iisip ng malalim.. Sakto namang dumating na ang order namin. Pero paano pa ako makakain nito hindi ako mapakali..
"Sige na Cathy!gusto ko na talagang malaman." Pangungulit ko dito..
"Nililigawan ako ni kuya Alvin, alam naman nating may fiancee na sya.. Tudo effort sya pinupuntahan pa nya ako sa school.." Nashock talaga ako sa pinagtapat nito. Seriously?
Pagkatapos nahuli ko pa sila ni ate. Grabe talaga ganun ba talaga ang ugali nito sobrang Playboy.. Hindi ito maari kailangang putulin na ang sungay ng lalaking yun..
"Kaya naghired ako ng private investigator para ma check ang background nya." Pagtatapat pa nito,tama lang naman yung ginawa nya.." Kaya lang ...involved ang ate mo dito Jovanne.. "
Panong involved?
Pero naalala ko yung nakita ko sa bar.
"Parang may alam na ako" Wika ko naman." Nahuli ko silang dalawa,mukhang may relasyon sila kaya balak ko nga rin komprontahin ang ate ko."
"Yeah! Tama ka ng hinala may relasyon nga ang dalawa ang they planning to get married." Sabi nito
Nashock na naman ako sa malaman ko.. Kasal? Samantalang kay Raffie nag proposed si kuya Alvin. Ang gulo! Anong pakulo ng lalaking yun..
"Here! Buklatin mo ang folder na yan." Wika nito sa folder na nakalagay sa ibabaw ng table.. Dahan dahan ko naman iyong kinuha at nanginginig pa ang mga kamay ko..
Pagkabukas ko..ALVIN FLORES..JENNY CLAIRE ESRELLA. Ang bumungad sa akin. Tapos may larawan pa ang dalawa na nakalakip. Pinagpatuloy ko lang ang pagbuklat ng files,hindi parin talaga ako makapaniwala sa nalalaman ko ngayon.
Since highschool pa pala may relasyon ang dalawa, may mga pictures pa silang magkasama sobrang sweet. At lalong ikinagulat ko ay ang mga kuhang larawan ng isang konkretong bahay,pero hindi pa ito natatapos. Mukhang malaki ito kapag natapos.
"Yan ang pinapagawa nilang bahay sa bulacan, kung saan doon ang probinsya ni Alvin. Andun din nakatira ang parents ng lalaki." Paliwanag naman ni Cathy. Sabi ki kuya Alvin nasa ibang bansa ang parents nya.. Sinungaling talaga.
"Lagi silang umuuwi doon para makita ang bahay nilang pinapagawa. At ang ate mo ang kilala ng parents ni kuya Alvin na girlfriend, hindi si Raffie." Sabi nito.." And you know what? Ginagamit lang nila Si Raffie, pera lahat ni Raffie ang ginagastos nila na pampagawa ng bahay."
Nanlamig ang buo kung katawan sa aking nalaman.
"Prop's lang ng ate mo ang paghahanap ng trabaho, tapos ilang buwan lang magreresign na naman. Hihiram kuno Kay Raffie ng pera dahil gipit at wala kayong budget. Pagkatapos bibigyan naman nung isa dahil mabait at best friend nya eh at hindi nya yun sinisingil." Walang hiya sila nangigigil talaga ako.
"At si Alvin hindi totoong nag aaral,hinuhuthutan lang din nya si Raffie.. Jovanne GOLD DIGGER silang dalawa. At sa maniwala ka sa hindi ..ako ang gusto nilang sunod na biktimahin.."
"Grabe pati ako dinadamay ng ate ko sa kalokohan nya ng wala akong kaalam alam. Kaya pala ayaw nya akong mapalapit Kay Raffie, may ginagawa pala siyang kalokohan." Hiyang hiya ako Kay Raffie sa mga nalaman ko,paano ako haharap sa kanya sarili kong kapatid tinatarantado sya..
"Gusto mo bang magsampa ng demanda laban sa kanila,pwede silang makulong sa ginagawa nila sa kapwa nila." Sabi ko pa.
"Hindi dapat ako ang gumawa ng bagay na yan. Kundi si Raffie, kausapin mo sya at dalhin mo ang folder na yan sa kanya.." Tugon naman nito. Oo tama,si Raffie ang biktima dito.
"Maraming salamat Cathy, kung hindi dahil sayo,hanggang ngayon sigurado marami pa silang mabibiktima." Sincere kung wika. Napangiti naman ito.
"It's okay Jovanne, kailangan ko rin talagang gawin ang bagay na yun dahil alam mo naman line kami ng politics. Mahirap na,pero promise hindi ka kasali doon. Alam ko namang totoo kang kaibigan simula palang ng nakilala kita. Besides- gusto kita."
Ano daw? Gusto nya ako..Napakunot naman ako ng noo.
"Kaya lang in love kana at alam ko kung kanino.. At maniwala ka she likes you too.." Hala sya! Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito.. Tumawa pa ito..
"Kumain na nga lang tayo,lumamig na yung pagkain.. Huwag mo nalang isipin yung mga sinabi ko.." Naiiling pa nitong wika.. Hindi ko talaga magets yung mga huling sinabi nya..
Nagsimula na kaming kumain ..puntahan ko nalang si Raffie pagkatapos nito. Miss na miss ko na talaga sya. Hindi ko maiwasang kiligin na isiping pwede na kami ni Raffie.. Mahal ko sya at alam ko,nararamdaman ko pareho lang kami ng nararamdaman..
Nag paalam din agad si Cathy pagkatapos ng pag uusap namin.. Goodluck daw sa love life sabi pa nya.
Natatawa naman ako sa sinabi nito.Babalik muna ako sa bahay para kunin yung phone ko. At pagkatapos pupuntahan ko si Raffie sa clinic nito.
Ngayon ko lang napagtanto ang lahat hindi lang mag best friend ang meron si ate at kuya Alvin.. Napailing nalang ako..
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)