Chapter 20 Best friend or Enemy

2.4K 91 7
                                    

Raffie POV...

         "Damn it!!!" Nanggigigil kung wika,sabay bagsak ng cellphone ko sa lamesa ko dito sa office. Kanina ko pa kasi sinusubukang kontakin si Jovanne,pero paulit ulit lang ang sinabi nang operator nang cannot be reach.

       Sinabi kasi sa news na may bagyo at sa Laguna ang sentro. Nag aalala kasi ako kay Jovanne andun sya ngayon at tabing dagat pa  naman. Imposible naman na hindi nya nabalitaan,di sana umuwi sya dito or sa Batangas. Nag aalala talaga ako sa kanya,because ILOVE HER..bulong ng puso ko. Oo mahal ko sya,mahal na mahal higit pa sa pagmamahal na naramdaman ko para kay Alvin.

    Napatunayan ko nung gabing nagpa ubaya kami pareho at may nangyari sa aming dalawa.. Pareho din kami na iyon ang una naming karanasan,yun ang isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko. At alam kung mahal din nya ako,dahil binanggit nya iyon nung gabing yun. ILOVE YOU RAFFIE. Naipikit ko ang aking mga mata  parang naririnig ko parin ang tinig ni Jovanne habang sinasabi ang katagang iyon.

     Sana nasabi ko din sa kanya nung gabing yun na mahal ko din sya,kaya lang magulo pa ang sitwasyon.. Nanlulumo parin ako kapag naalala. Nung madaling araw na yun tumawag si Jenny at ibinalitang naaksidente si Alvin, hindi sa kotse nito kundi sa motor. Dahil daw hinahanap nya ako at hindi sya tumigil sa paghahanap kung nasaan ako. Ayoko kasing ipaalam kahit kanino kung saan ako nagpunta.

    Tadhana na siguro ang gumagawa ng way sa pagtatagpo lagi naming dalawa ni Jovanne. Kaya lang marami paring hadlang..

     Dahil sa kaba ko at pag aalala,lalo na yung narinig ko kung paano magpanic si Jenny malala daw ang lagay ni Alvin. Bumangga daw kasi sa isang poste ang sinasakyan motorsiklo dahil hindi naman ito sanay mag drive ng motor. Napaluwas ako kaagad ng Manila, habang mahimbing pang natutulog ang pinakamamahal ko. Gusto ko lang sanang ayusin ang lahat,gusto kong kausapin si Alvin at ayusin ang paghihiwalay namin.

    Yun nga lang ng makita ko ang kalagayan nya may sugat sa ulo may pilay ang braso ang daming gasgas sa ibat ibang parte ng katawan. Naawa ako,kahit si Jenny ay iyak ng iyak sa kalagayan nya. Kahit papaano marami na kaming pinag samahan. Gulong gulo na ang isip ko ng mga sandaling iyon,nakokonsensya din ako. Sinisisi ko din ang sarili ko.. Hihintayin ko muna syang maka recover, ako din ang sumagot sa lahat ng gastusin sa hospital dahil sa guilt na nararamdaman ko.

     Halos isang linggo din si Alvin sa hospital,nang saktong ma discharge na ito. Bigla nalang itong lumuhod sa harapan ko at nag proposed sa harap namin ni Jenny. Hindi naman ako makatanggi habang tinitignan ang kalagayan nya.

    Napatingin ako sa suot kong singsing,napabuntong hininga na lang ako.. Feeling ko nakakulong na ako sa isang hawla at mahirap ng makawala pa. Hindi ko na mahal si Alvin, dahil may iba ng nagmamay ari ng puso ko.. Si Jovanne.. bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko sya,yung slow motion kapag naglalakad sya palapit sa akin habang titig na titig sa aking mga mata. At may spark nang una ko syang mahalikan sa labi..

    Pero naiinis ako sa kanya,ni hindi man lang nya ako itext man lang. Lalo ng pinaalam ni Jenny sa kanya na engaged na kami ni Alvin,nag congratulate pa..

    "Doc.." Bigla nalang pumasok ang secretary ko dito sa loob ng office.

    "Hindi ka ba marunong kumatok?" Naiirita kung sabi,Ewan ko ba nitong nakaraan naging mainitin ang ulo ko.. Nakita kong napangiwi naman ang secretary ko sa inasal ko..

     "Eh doc,kanina pa po ako kumakatok hindi naman po kasi kayo sinasagot kaya pumasok na po ako." Naalangan pa nitong wika..

     "Ano bang kailangan mo?" Walang gana kung tanong..

    "Mag- ta time out na po sana ako. Mag 6pm na din po kasi. Pati po sana yung ibang kasamahan ko." Pati oras pala hindi ko na rin namamalayan.

    "Okay sige." Tipid ko nalang na tugon. "Sige na mauna na kayong umuwi ako na ang magsasara ng clinic." Napatango nalang ito at lumabas na ng opisina.

     Nag dial ulit ako sa huling pagkakataon,pero ganun parin. Nanlulumo akong mapapikit... Bigla nalang naglandas ang aking mga luha sa aking pisngi. Bakit kasi masyado akong mabait,kung tutuusin awa nalang ang nararamdaman ko para kay Alvin. Gusto ko mang puntahan si Jovanne, gusto ko syang makita at maka usap. Pero paano! Bantay sarado na ako ni Alvin at Jenny. Lagi nilang minomonitor kung asan ako,kaya mas gusto kung naglalagi nalang dito sa clinic..

-----------------------------------------------------------

    Pangalawang araw ko nang sinusubukang kontakin si Jovanne.. Sobrang badtrip na ako na andun parin yung pag aalala ko. Nandito ngayon sa clinic si Jenny, sitting pretty ni walang nababakas sa mukha nito ang pag aalala para sa kapatid. Gusto ko syang komprontahin kaya lang nagdadalawang isip ako,hindi pa fully recovered si Alvin. Tapos gusto talaga malaman ang kalagayan ni Jovanne kung ayos lang ba ito! Kaya lang magdududa sila bakit alam ko kung asan si Jovanne ngayon.. Wala kasing  binabanggit si Jenny na nasa Laguna ngayon ang kapatid nya..

    Best friend ko si Jenny,pwede ko syang pagsabihan ng saloobin ko. Kaya lang kapatid nya ang babaeng mahal ko at pumalit kay Alvin dito sa puso ko. At naging dahilan para hindi na ako straight. Nakaka stressed na sobra.Arrggh!!

    Pinagmamasdan ko sya habang nanonood sa TV at kumakain ng popcorn. Magmovie marathon ba naman dito sa office ko,nakaupo sa sofa at naka taas pa ang isang paa.

   "Jenny,kamusta na si Jovanne?" Hindi ko na natiis na hindi itanong. Napakunot noo naman itong nagbaling ng tingin sa akin.

    "Sh- she's fine..." Nauutal nitong tugon at hindi makatingin ng diritso sa mata ko. Lalong nag iinit ang ulo ko. Really ha! Mukhang hindi naman yata nito kinakamusta ang kapatid napansin ko iyon ng makasama ko si Jovanne sa resort..

      "Ang ganda kaya ng panood." Bumubulong pa ito. Hanggang ngayon wala parin itong trabaho. Pinalampas ko na nga yung huli naming pagtatalo dahil sa nangyari kay Alvin. Kahit hindi ko yun makakalimutan,nawalan ako ng tiwala sa kanya dahil doon. At ang layo ng ugali nilang magkapatid sobra..

      "Tawagan mo nga sya,namimiss ko na din yung babaeng yun." Ginalingan ko na ang pag arte,kahit totoo namang miss ko na sya. Tinignan ko ang kanyang reaksyon sa sinabi ko.. Dinampot nito sa cellphone saka nag dial, naka loud  speaker pa mukhang napipilitan nga lang sya eh.

     "The numbered you have dialled- putik" sabay cancelled ng tawag. Tama lang na malaman nya na hindi makontak ang kapatid nya.."Hindi rin sya online sa messenger. "Sabi pa nito.. Nag dialled ulit at nag ring,kumabog naman ang dibdib ko ng sandaling yun.

     "Hello-" biglang turan nito.." Yes pa hindi makontak si Jovanne eh!" Ouch yung daddy pala nila ang na tawagan.."Kailan nyo sya huling nakausap? Hindi rin sya tumatawag sa inyo.?..putik na batang yun ,sige pa balitaan nyo ako.. Okay pa bye!" Tinapos na nito ang tawag..sabay dial ulit..

    "Hello Mylene?" Sana may balita galing  kay Mylene.. "Ganun ba! Sinong Jerry.." Kinakabahan parin ako. Kilala ko yun si kuya Jerry kasaman ni Jovanne.. "Ano San Leonardo, anong ginagawa nya doon?" Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa  nalaman ko at least alam kung safe sya.

   Pero bakit nagpunta sya doon imbes na uuwi sa pamilya niya..Umiiwas ba sya sa akin?naipilig ko naman ang aking ulo.

     "Naglakwatsa pala eh! Wala daw silang pasok dahil malakas ang bagyo sa Laguna,buti nga at nasabi ng isang kasamahan nila kay Mylene na pinag leave daw sila at sumama dun sa Jerry.." Sabay hagis sa cellphone nito sa kanyang tabi..

    "Laguna? Sabi mo sa tagaytay di Jovanne nag OJT!" patay malisya ko namang sabi...

      "Hindi ko ba nabanggit sayo na lumipat sya sa resort sa Laguna?" Napailing nalang ako bilang tugon.. "Wala sigurong signal sa kinaroroonan nya ngayon kaya hindi sya makontak,ipaalam ko pala kila papa." Sabay dampot ulit ng cellphone nito..

   Jenny Claire Estrella po on media...

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon