Chapter 7 The Set Up

2.3K 95 1
                                    

Jovanne..

"Nakagod ako dun ah!" Sabay suot nang puting sando,nagtatawanan pa sila. Nauna si kuya Alvin kaya kitang kita ko kasunod nya si ate at galing sila sa loob ng kwarto ng ate ko. Kakapasok ko lang kasi ng bahay at ganun ang naabutan ko.

Bigla akong kinabahan hindi ako green minded kaya lang hindi naman na ako bata para maging inosente sa mga bagay bagay.

"Ikaw kasi eh!" Narinig kong turan ni ate. At nagulat ito ng makita akong nakatayo sa may pintuan. Pati si kuya Alvin, nanlaki ang mga mata ng makita ako." Ahm.. Jovanne! Aga mo yatang umuwi."Wika ni ate na parang nilalabanan ang pagkailang.. Dahil alas dos palang nang hapon. Half day lang kasi kami,wala naman akong gagawin kaya umuwi nalang ako.

Nakasando din si ate ng kulay red at maong shot shorts.

"Wala na akong pasok nang hapon." Tugon ko naman.

"Hi Jovanne." Bati naman ni Alvin, ano yun maang maangan lang. At dumiritso pa itong umupo sa sofa sa may sala,tila umiiwas na tumingin sa akin. Please brain hwag kang malisyosa, pigil ko sa aking sarili na isiping ganito ba ang nangyayari kapag wala ako ng bahay? Nandito ba si kuya Alvin at- ipinilig ko ang aking ulo para alisin sa isip ko ang kung ano ano..

Tumabi pa si ate kay Alvin sa sofa.

"Magbibihis lang ako." Sabi ko nalang at sabay pa silang napatingin sa gawi ko,Hindi ko naman mabasa ang ekspresyon ng mukha nila.

"Order lang ako ng meryenda,pa deliver nalang tayo!" Si kuya Alvin sabay kaway ng kanyang cellphone. "Mcdo nalang."

Napatango nalang ako at naglakad na patungo sa aking kwarto. Pagkapasok ko,napahugot ako ng malalim na paghinga sabay upo sa aking kama. Parang ayoko ng lumabas,ayoko silang makita. Niloloko ba nila si Raffie? Gusto kong maiyak pero kaso para saan,sapat na ba yung nakita ko para isiping may relasyon ang dalawa? Paano nagawa ng ate ko ang ganitong bagay. Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang naabutan ko kanina. Mas mabuti siguro kong komprontahin ko silang dalawa, lalakasan ko na ang loob ko,kaya nagpasya akong magbihis na.

Naalala ko si Raffie, huling kita ko na sa kanya ay sa may simbahan. Halos dalawang linggo na rin ang nakalipas. Gusto mo man syang makita pero pilit kong pinipigil ang sarili ko. Pilit kong binabaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Katulad kay Henry pinagpatuloy parin ang panliligaw sa akin kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na ayoko munang pumasok sa isang relasyon. Gusto ko munang mag focus sa aking pag aaral.

Talaga lang ha! Ayaw mo lang kasi may hinihintay ka.. Si brain ang kontrabida ng buhay ko. Napangiwi na lang ako at nagpasyang lumabas na ng kwarto. Kaya ko to! Hugot ko ng malalim na paghinga.

Paglabas ko ng kwarto nasa sofa parin ang dalawa, magkatabing naka upo at mukhang seryosong nag uusap.

"Sabihin na kaya natin sa kanya." Dinig kong wika ni kuya Alvin." Para matulungan nya tayo Kay Raffie.'' Dugtong pa nito.

Saktong napalingon si ate sa gawi ko..

"Jovanne.. Halika may pag uusapan tayo." Nakangiting wika ng ate ko,ito na ba yun aamin na ba sila?.. Dahan dahan akong humakbang palapit sa kanila at umupo ako sa may single couch. "Ikaw na ang magsabi." Bulong ni kuya Alvin kay ate. Napatikhim naman ang ate ko.

"Tawagan mo si Raffie mamaya sabihin mo may sakit ako!"

Ano daw? Napatanga ako sa sinabi ng ate ko. May sakit! Bakit?. Narinig ko ang pag tawa ni kuya Alvin, nagpalipat lipat ako ng tingin sa dalawa.

"Ganito kasi yun!" Biglang tumayo si ate,nagulat pa ako ng biglang hilahin ang kaliwang braso ko para patayuin. Naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari. "Halika dali ipapakita ako sayo." Wika nito sabay hila sa akin patungo sa direksyon ng kanyang kwarto. Sabay bukas ng pinto, ang dilim naman wala akong makita. Pagka on ng ilaw,doon tumambad sa aking harapan ang napakagandang ayos ng kwarto ng ate ko. Puro hanging balloons sa ceiling punong puno iba ibang kulay. At ang carpeted floor punong puno ng red roses petals. Pagkatapos sa may wall sa tabi ng Kama may nakalagay na tarpaulin, nakasulat ang HAPPY 3RD ANNIVERSARY BABE at may picture pa sila ni Raffie at Alvin na magkayakap. Pati ang ibabaw ng kama ni ate ay punong puno ng petals.

Napasinghap ako sa aking nakita,at mariin akong napapikit.

"Dito ko naisipang gawin ang surprise ko kay Raffie. Kung sa apartment ko mahuhulaan nya kaagad Hindi na magiging surprise." Wika ni kuya Alvin na nakatayo sa likod namin. "Ayos ba yung surprise ko Jovanne, maiinlove na ba lalo si Raffie sa akin niyan?. Kahit naninikip ang dibdib ko sa aking nakita pilit ko paring pinasigla ang aking pakiramdam. Pilit kong tinago ang sakit na nararamdaman ko sa Sandaling ito.

"Y-yeah ang ganda.. S- sigurado magugustuhan ito ni...ate Raffie." Shit ang hirap sabihin,dapat nga siguro tanggapin ko nalang Hindi na ako aasa pa..

In off na ni ate ang ilaw ng may mag doorbell, dumating na siguro ang in order na pagkain. Kaya si kuya Alvin ang tumungo sa may pintuan,kami naman ni ate ay bumalik sa pagkakaupo sa dati naming pwesto.. Doon ko na realize kung ano ang kagagahan ang nasa utak ko kanina,nahiya ako bigla kay ate at kuya Alvin. Sobrang effort ang ginawa nila sa pag ayos ng kwarto kahit ako namangha. Wala na akong laban pa.

"Tara kain na tayo,napagod talaga ako." Masayang sabi ni kuya Alvin, sabay patong sa round table ang dalawang paper bag.

"Ikaw lang ba! Mas marami kaya akong ginawa kesa sayo..pasalamat ka day off ko ngayon." Sabi naman ni ate at binuksan na ang laman ng paper bag. Hindi ako gutom,wala akong gana..

"Busog pa ako,kumain na ako kanina bago ako umuwi." Pagdadahilan ko,Hindi ko talaga kayang lumunok ng anumang pagkain ngayon. Shit! Naiiyak ako.. Pareho silang napatingin sa akin at nilantakan na ni ate ang fries..

"Sige pag usapan nalang natin yung set up mamaya." Si ate.

Akala ko makakalusot na ako, naalala pa ni ate iyong sinasabi niya kanina. Gusto ko NAng pumunta ng kwarto at magmukmok pero hindi pa pwde.

"Ganito ha! Mamaya mga 5pm tawagan mo si Raffie, sabihin mo may sakit ako. Sabihin mo may lagnat,ganun ..oo lagnat nalang. At pwde ba nya akong dalawin kahit ngayon lang kamo. Basta bahala ka na sa pag arte,lungkutan mo lang yung boses mo." Seryosong wika ng ate ko parang sya ang may surprise ah. Supportive best friend lang ang peg..

Si kuya Alvin naman parang kilig na kilig ..

5pm kasi kadalasan nagsasara ang shop ni Raffie.

"Okay!" Napatango kong wika. "Basta 5pm gagamitin ko nalang tong cellphone ko." Sabay taas ng hawak kong phone. "Pasok lang muna ako sa kwarto ko." Paalam ko,pinipigil ko talaga yung luha ko kanina pa gustong kumawala..

Napatango naman si ate hudyat sa pagpayag nito,saka nagbaling ng tingin Kay kuya Alvin na seryoso sa pagkain ng burger.

"Ikaw magbihis ka na rin dyan,alangan ganyan ang ayos mo na haharap kay Raffie. At yung bouquet kukunin mo pa sa flower shop.

Tumayo na ako at naglakad patungo sa kwarto ko. Pagtalikod ko palang,kumawala na ang luha ko na kanina ko pa pinipigil. Shit!! Grabe tuloy tuloy lang ang pag daloy. Papasok ko ng kwarto, agad kung nilock ang pinto. Dinaluhan ang aking kama,sabay yakap ko sa isang unan. Doon na ako napahagulgol,pilit kong hindi makagawa ng ingay. Nag uusap parin sila pero wala na akong naintindihan,naka focus na ako sa pag seself pity ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pagod ko sa pag iyak. Wish ko lang Hindi mugto ng nga mata ko mamaya..

Naalimpungatan na lang ako ng may kumakatok sa pintuan at tinatawag ang pangalan ko.

"Jovanne 5pm na." Sigaw ng ate ko.

"Yes ate.. Ito na oh tatawagan na.." Tugon ko. Ayoko munang lumabas,Hindi nila pwdeng makita ang itsura ko.. Narinig ko na ang yabag palayo. Huminga muna ako ng malalim saka ko dinampot ang cellphone ko,nag browse sa may contact ko,hinanap ang pangalan ni Raffie. Nakahiga parin ako sa kama habang nag dadial ng number. Agad naman itong nag ring! Heto na naman iyong awtomatikong pagbilis ng tibok ng puso ko .

"Hello!. Wika ng kabilang linya,sobrang miss ko na sya. " Hello Jovanne? "Wika nito ulit. Hala hindi na naman ako nakapagsalita.

" Ah kasi-" Shit focus Jovanne, wika ko sa sarili ko.

"Ano iyon?" Ang ganda talaga ng boses nya.

"S-si ate kasi ..may sakit." Napangiwi kong wika." Nadatnan ko syang nakatalukbong ng kumot sa kwarto nya at sobrang init nya. Nilalagnat yata? Kakarating ko lang kasi galing school.. Pinapapunta ka nya dito." Shocks tama ba itong pinagsasabi ko? Ako yata ang magkakasakit nito...

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon