Chapter 11 Thinking Out Loud

2.6K 105 1
                                    

Raffie..

      Bago kami tumungo sa bahay nila Jovanne, dumaan muna kami sa drive tru para mag take out ng dinner. Dinamihan ko na rin para kay Jenny.

     Kahit todo tanggi ng kasama ko na hwag na daw bumili dahil tyak na may naluto namang pagkain sa kanila pero mapilit ako. Kaya lang, ako na lang ang bumaba kanina at pinaiwan ko na sya sa loob ng kotse. Ayoko nga syang palabasin na ganun ang ayos nya,pinasuot ko pa nga ang jacket ko dito para hindi sya ginawin sa suot nya.

     Nakarating kami sa bahay nila na halos hindi kami nag kikibuan,nagkakailangan ba kami? Kasalanan ko ito kung hindi ko sya hinalikan- pero tumugon naman sya ah!Naipilig ko nalang ang aking ulo.

     "Tulungan na kita." Alok nito para bitbitin sana ang pagkaing binili namin pero nagsenyas ako na ako na. May dala din kasi ito. Hinintay muna ako nitong mailock ang pinto ng kotse ko bago tinungo ang main door ng bahay.

    Pansin ko lang,nakapatay naman yata lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Nag doorbell si Jovanne pero naka ilang pindot na wala paring nag bubukas ng pintuan. Parang wala yatang tao. Sinubukan kong tawagan ang number ni Jenny,ring lang naman ng ring. Mukhang nakaalis na yata ito at pumasok na sa trabaho.

     Sinusihan na lang ni Jovanne ang door lock. Pagkabukas nya sobrang dilim ng buong kabahayan,agad naman nitong in switch on ang ilaw. Nasilaw pa ako sa biglang liwanag,dumiritso na ako sa dining table para ilagay ang dala naming pagkain. Si Jovanne na rin ang nagsara ng pinto,parang ilang na ilang parin kami sa isa't isa.

    "Magbibihis lang muna ako." Paalam nito,napatango lang ako at pinagmamasdan syang tinungo ang sarili nitong kwarto.

   Tinungo ko naman ang kitchen, napakunot noo ako dahil wala man lang naluto na pagkain. Buti nalang pala bumili kami. Bumalik na lang ako sa dining at inayos ang dala naming pagkain.

    Sinubukan ko ulit tawagan si Jenny pero naka off na ang cellphone nito. Ano kayang nangyari sa taong yun?. Nilagay ko nalang ang phone ko sa bag.

     Saktong bumukas na ang pintuan ng kwarto ni Jovanne, naka pagbihis na ito. Puting t-shirt at jogging pants ang suot. Ngumiti ito bahagya at humakbang patungo sa kinaroroonan ko..

    "Kain na tayo, wala rin palang naluto. Tamang tama pala itong binili natin,mukhang maaga ding umalis ang ate mo." Pinaghila ko ito ng upuan at tumabi na lang din ako sa kanya. Hindi parin ito kumikibo tila malalim ang iniisip.

     Tahimik na kami at nagsimulang kumain. 1bucket chicken meal ang binili ko good for four persons. Hindi na ako kumuha ng drinks baka matapon lang sa sasakyan. Marami naman silang stock na drinks sa fridge. Natutuwa naman ako dahil magana itong kumain,at nabusog kami pareho. Nag presenta na rin itong magligpit ng pinagkainan namin, kaya tinungo ko nalang ang sala nila. Naupo ako sa sofa at in on ang television naghanap  ako ng magandang panood.

    Ayoko pang umuwi,gusto ko itong kasama. Wala naman akong maghanap na papanoorin,puro teleserye naman. Hindi naman ako nanonood kasi pag gabi,pag uwi ko kasi galing ng clinic gusto ko agad natulog dahil laging pagod sa mag hapon.

     Naramdaman kong lumundo ang couch,umupo na pala si Jovanne sa tabi ko. Pero hindi naman ito kumikibo,nang lingunin ko ito nakatitig pala sya sa akin. Hindi ko mawari pero bigla akong kinabahan kaya napatitig din ako sa kanya.

    "Akin na nga yang control, may alam akong magandang panood." Wika nito,hindi ko namalayang nakuha na pala nya ang hawak kong remote. Natulala na lang ako sa kanya..

    Kaya bago pa ako magawa na naman ng kung anong bagay. Mas mabuti siguro uuwi nalang ako.

      "I have to go,maaga pa kasi ako bukas sa shop." Pag dadahilan ko,dahilan para mapatingin ulit sya sa akin. Parang nababakas ang lungkot sa mukha nito,ayoko ng ganitong tingin parang may malamig na hanging humaplos sa puso ko. Pero pilit kong winawaksi ang nararamdaman ko ngayon. Napatayo na ko at dinampot ang aking shoulder bag,napatayo rin ito. "Magpahinga ka na rin,may pasok ka pa sa school bukas." Wika ko at humakbang na ako patungo sa may pintuan. Nakasunod naman ito sa akin,ako na rin ang nag bukas ng pinto.

    "Mag iingat ka dito at mag isa mo lang." Bilin ko sabay lapit sa kanya at dinampian ko ng halik ang kanyang pisngi. Hindi naman ito kumikibo kaya tumalikod na ako at humakbang palabas at tinungo ang kotse ko. Hindi parin ito nagsasalita hanggang sa naka pasok na ako sa loob ng kotse. Nang tumingin ako sa gawi niya,nakatayo parin ito sa may pintuan kaya bahagya kong binukas ang bintana sa tabi ko. "Good night Jovanne." Wika ko at kumaway.

     "Raffie!"pag tawag nito sa pangalan ko." Mag iingat ka."

     "I will." Nakangiti kong tugon at in start ko na ang sasakyan.

     "Raffie!" Tawag nito ulit. "Good night and.... "Naghihintay lang ako sa susunod nyang sasabihin." Hindi ko girlfriend si Mylene, b- best friend ko sya." Mabilis itong pumasok sa loob at sinara agad ang pintuan.

     Napangiti tuloy ako sa aking nalaman.,parang kinilig ako bigla na ewan. So single pala sya at samantalang ako! Nawala tuloy bigla ang ngiti sa aking mga labi. May boyfriend pala ako. Napalingon ulit ako sa may pintuan, babalik ba ako sa loob para kausapin sya? Para saan? Dahil naghalikan kami? Ang gulo,ginugulo na naman ang isip ko. May boyfriend na ako at mahal ko sya. Pero kakaiba yung nararamdaman ko para kay Jovanne. Naipilig ko ang ulo ko,nagpasya akong umalis nalang. Pero bago ako tuluyang umalis,tumunog ang cellphone ko na nakalagay sa naka bukas kong bag. Nag rehistro ang pangalan ni Jovanne agad kong dinampot at phone at binuksan ang message.

     "You stole may first kiss.! Iyon ang nabasa ko na message nya. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko kailangan ko na yatang magpa ECG. Nagpasya na akong umalis sa lugar. Kailangan ko munang mag isip ng husto.

-----------------------------------------------------------

      Araw araw nagpapadala si Alvin ng bulaklak sa clinic,mag isang linggo na rin mula ng nagkasagutan kami pero hindi parin kami nag naka ayos.  Ni ayaw ko muna syang makita. Iyon ang message ko sa kanya. Hindi nga ito nagpapakita pero araw araw namang nagpapadala ng  iba't  ibang uri ng bulaklak. At laging may note na nakalagay na " SORRY. " Mahal ko si Alvin, kaya lang ginugulo na ako ng halik na yun. Masyado ng inookopa ni Jovanne ang isip ko,kahit pilit kong winawaksi nililibang ang sarili ko sa mga bagay bagay. Pilit paring sumisingit sa isip ko.

     "Hi best." Nagulat pa ako ng biglang sulpot ni Jenny dito sa loob ng office ko. Masyado kasi akong tutok sa laptop ko at naghahanap ng magandang resort na pwedeng puntahan. Gusto ko sana munang mag unwind yung mag isa ko para pag isipan ang mga bagay bagay.

     "May dala akong lunch, sana hindi ka pa kumakain." Wika nito. Sabay taas sa hawak niyang paper bag. Ni breakfast nga hindi pa. Nakakaligtaan ko na rin tuloy kumain minsan dahil masyado kung inaabala ang sarili ko. Sinara ko agad ang laptop ng biglang lumapit si Jenny at humalik sa pisngi ko. Ayoko kasing ipaalam ang plano ko about sa aking out of town get away.

    "Hi long time no see." Pilit kong pinapasigla ang boses ko,tumayo na ako at tinungo naming dalawa ang sofa. Nilapag nito ang dalang pagkain sa mesa. "Tamang tama dipa ako nag lunch." Wika ko. "So what brought you here? Day off mo?."

     Bahagyang napailing ito." Wala na akong work. "Walang kasigla sigla ang boses nito. Again wala na naman syang work?. Naka three months lang yata sya doon sa call center

    " Ayoko kasi ng mga epal na kasama sa work at yung humahandle sa amin bastos. "Kwento nito,habang binuksan nang dala nyang pagkain.

    Nagkibit balikat nalang ako.

    "Kain nalang tayo!" Sabay abot nito sa isang box ng meal na binili nya sa Chinese restaurant.

    "Hindi pa kami okay ni Alvin." Wika ko

   "Alam ko,kaya nga ako nandito para tulungan si Alvin na suyuin ka." Napangiti nitong wika. Sira ulo talaga to! Kumain na lang kami..kamusta na kaya si Jovanne?

    "So saan mo balak mag apply ng work?" Pag iiba ko ng usapan. Bahagyang napaisip naman ito.

    "Pahinga muna ako,tinatamad pa akong mag apply ulit. At isa pa mag isa naman ako sa bahay ngayon."

     "Ahm ..sa-saan naman si Jovanne?" Nauutal kong tanong. Please self hwag kang magpahalata.

   "Hayun,nag OJT na,kaya doon muna sya kila papa nakatira. Malapit lang kasi doon yung work nya,sa isang cafe kasi sa tagaytay sya na assign." Kwento nito.

   Para namang may sumundot sa puso ko nang malaman ang tungkol doon. Malayo pala si Jovanne sa akin ngayon, tama lang siguro para makaiwas kami sa isa't isa. Kaya lang..miss ko na sya!SOBRA..

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon