Chapter 6 Slowmo

2.5K 101 0
                                    

Jovanne..

   "Para po." Wika ko sabay hinto ng sinasakyan kong jeep, may ilang kasabay din akong bumaba. Dala ang aking bag pack, nagtungo na ako sa harapan ng simbahan. Nag message kasi si Mylene kaninang umaga na sa simbahan nalang kami magkikita dahil mag a attend pa ang mommy nya ng binyag.

    Manila cathedral! Bulong ko,teka bigla kong naalala ngayon pala yung binyag na sinasabi ni Raffie. Hindi kaya-

    "Beshy." Pasigaw na tawag sa akin at kumakaway palapit sa akin ang best friend ko at mommy nito. "Kanina ka pa?" Tanong nito ng tuluyang makalapit.

    "Hindi,sakto lang naman." Tugon ko." Hi po Tita! " bati ko sa mommy niya at nagblessed ako. "Happy birthday."

    "Salamat anak." Tugon nito sabay yakap." Let's go pasok na tayo sa loob,nagsimula na daw." At nagpatiuna na itong naglakad papasok ng simbahan.

    Kumapit naman si Mylene sa kanang braso ko sabay hila.. Bakit bigla akong kinabahan,biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko? Ang lakas ng pakiramdam ko nandyan si Raffie sa loob. Nagpatianod nalang ako papasok sa loob ng simbahan.
Marami rami ding tao sa loob,at tahimik na ang lahat nakaupo at nakikinig sa sermon ng pari. Dahil nahuli kami sa bandang likod na kami naupo.

    Napapikit ako hindi dahil sa nakikinig ako sa sermon kundi para pakalmahin ang puso ko,lalo yatang bumilis ang tibok ng puso ko kaya wala man lang akong naintindihan sa sinasabi ng pari. Hanggang nagsi tayuan na ang lahat. Tinungo ang harapan, hindi ko na makita ang nagaganap dahil napuno na ng tao at sa likuran lang kami. Palinga linga ako hinahanap ng aking paningin ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

    "Beshy Halika batiin natin si baby Misha." Hila hila ako ni Mylene.

    "Oh picture taking mga ninang's at ninongs!" May lalaking nagsalita,marahil ito ang photographer. Kaya nahawi ang kumpol ng tao.

    Parang nag slow motion ang lahat ng makita ko ang aking hinahanap. Lumahok sya sa grupo ng nagpapa picture. Apat silang ninang at apat na ninong kasama yung mag asawa at may karga na baby girl.

    Napanganga ako, gosh ang ganda nya! Simpleng floral dress lang ang kanyang suot taas ng tuhod,kahit light lang ang make up nito sobrang ganda nya. Naiinlove na talaga ako.

    Hindi naman yata sa camera ito naka tingin,kundi sa akin! Nagtama ang aming mga mata,pero hindi ko matagalan ang titig nya kaya nagbaling ako ng tingin sa ibang direksyon. Nakisali na din si Mylene at mommy niya sa picture taking.

    Nang tumingin ulit ako kay Raffie naglalakad na ito palapit sa akin,heto na naman si heart nagwawala.

   "Beshy halika picture tayo." Nagulat pa ako ng biglang sulpot ni Mylene sa tabi ko at may binubulong. Nakafocus lang kasi ako sa babaeng papalapit sa akin kaya hindi ko pinansin ang sinasabi nito.

   "So kaya pala tinanggihan mo ang invitation ko dahil may iba kang kasama na pupunta dito." Wika nito ng makalapit sabay beso sa akin. Nakatulala lang ako at hindi nakakibo. Lalo kasi itong gumanda sa malapitan,nasaan na naman ang dila ko. Jovanne magsalita ka na!

   "Heay just kidding." Natatawa nitong wika.

   "Ah k-kasi hindi ko din alam." Pabulong kong sabi

   "Sino sya? Kilala mo?" Sunod sunod na tanong ni Mylene kaya doon ako natauhan.

   "Ah..si Raffie best friend sya ng ate ko. Raffie si Mylene nga pala-

   "Girlfriend nya." Sabat agad ni Mylene sabay hagikgik nito. Hala ang landi. Sabay kapit sa braso ko,lakas ng trip ng babaeng to!.

    Napatitig naman sa akin si Raffie at napatingin sa damit ko. Anong meron sa damit ko? T-shirt lang naman ito tapos napatingin din sya kay Mylene.

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon