6 MONTHS LATER.....
Jovanne POV...
Sa wakas graduated na ako,at may konteng salo salo dito sa bahay namin sa Batangas. Nagporsige talaga ako ng husto para tapusin ang OJT ko kahit pa may pinagdadaanan. Hirap pala maging broken hearted,hirap magmove on. Feeling ko hindi parin talaga ako naka move on.
Salamat sa bago kung kaibigan na makulit pero mabait.. Si Catherine Castillo. Kahit angat sila sa buhay sobrang down to earth nito, grabe tyaga din nitong nag da drive mag isa mula San Leonardo hanggang sa resort para pasyalan ako.
In invite ko nga sya ngayon,sabi nya hahabol daw sya dahil may klase pa ito. Maaga pa naman 3pm palang dinner naman ang sinabi ko sa kanya. Syempre invited din sila Raffie- hindi pa kami nagkikita pagkatapos ng nangyari sa resort. Ginagawa ko talaga ang lahat para maiwasan ko sya. Hindi pa ako handa para makita sya nung panahon na yun. Gusto ko makapag tapos muna kaya dapat paghahandaan ko ang pagkikita namin ngayon.
Iilan lang naman ang mga bisita,malalapit lang na kamag anak. Si papa narin ang nag prepare ng pagkain kasama si Tita Jinky at si ate. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon na isiping magkikita kami ni Raffie. Ang dami kung gustong itanong sa kanya, bakit umalis sya ng walay paalam ng gabing iyon. Bakit sa kabila ng lahat ng nangyari mas pinili parin nyang makipag engaged kay Alvin. Sana kaya kung itanong sa kanya ang mga yun kapag nakita ko sya.
Nakadress ako ng kulay white above the knee at off shoulder pa,light make up lang.. Gusto kong tumulong sa paghahanda pero sinaway naman ako ni papa,kailangan ko daw mag beauty rest. Kaya nandito lang ako sa kwarto, tatlo naman ang room ng bahay bungalow style din. Medyo mas malaki nga lang ito kumpara sa bahay namin sa Manila.
Kinatok na ako ni papa,dumating na daw ang ibang bisita ako nalang muna ang mag entertain sa mga ito. Lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang living room. Binati agad ako ng makita nila ako at magiliw akong nagpasalamat sa kanila..
Napangiti naman ako ng makita kung sino ang bumungad sa may pintuan at agad ko silang nilapitan. Si kuya Jerry dalawa lang silang nakapunta ng isa naming katrabaho din sa bar na lalaki."Thank you kuya at nakarating kayo.." Masaya kung sabi.
"Oo naman para sa muse ng bar." Biro naman nito. "Sana sa amin ka parin mag trabaho." Sabi pa nito,pero pag iisipan ko muna ang sinabi nito.. Inaya ko na sila sa loob at iginiya na umupo. At naki pag kwentuhan sa mga kalokohan namin sa resort.
May dumating na sasakyan at kilala ko kung sino ang may ari nyon,kay kuya Alvin. Bigla naman akong kinabahan, hindi tuloy ako makaalis sa aking kinauupuan. Hinintay ko nalang na makapasok sila ng bahay,pero nakahinga ako ng maluwag ng makitang nag iisa lang ito.. Bakit kaya hindi sila sabay ni Raffie na pumunta?
Ngiting ngiti si kuya Alvin na pumasok ng bahay ,humakbang palapit sa akin at may bitbit na paper bag..
"Congrats Jovanne." Wika nito sabay bahagyang yumakap. "Gift ko pala sayo." Sabay abot ng paper bag.
"Thank you kuya." Tugon ko naman. Pansin ko lang sa kanya parang pumayat ito at may mga peklat sa mukha. Wala naman ang mga yun dati. Hindi ko nalang gaanong pinansin iyon at tinungo na nito ang kusina,siguro pupuntahan nya si ate..
Pupunta kaya si Raffie? Yung kaba ko hindi nawawala.Tumingin ako sa suot kung wrist watch 6pm n pala ang bilis lumipas ang oras. Ilang sasakyan pa kaya ang darating?maluwang pa naman ang space sa labas pwede pa magpark. Lumabas na si kuya Alvin galing kitchen kasunod nito si ate.
"Malapit na daw si Raffie tara abangan natin." Dinig kung wika ni kuya Alvin nang dumaan sila sa gawi namin. Heto na naman si kaba tila domoble pa yata sa narinig ko pati kamay ko nanlalamig na rin.
"Jovanne may darating ka pa bang bisita?" Baling ni ate sa akin hindi ko namalayang huminto pala sa harap ko.. Hindi ako nakasagot dahil napako ang atensyon ko sa kotseng dumating.. Raffie.. Bulong ng puso ko. Nagmamadali ng tinungo ni kuya Alvin at ate sa labas para salubungin si Raffie,ang mga paa ko kusang humakbang patungo sa may pintuan.
Tudo lunok ako habang nakatanaw sa sasakyan hanggang bumukas ang pintuan. Heto na naman,biglang bumagal ang oras at dahan dahang lumabas si Raffie mula sa driver seat. Babalik ba ako sa loob? At kunyari hindi ko sya napansin. Pero hindi ko naman maihakbang ang mga paa ko lalo na ng napatingin na ito sa akin. Naka jacket ulit ito ng maong at sando,kainis bakit ba ito nagpapakita ng cleavage. Naka rip jeans at black na timberland shoes. Naka pony tail ang mahaba na nyang buhok..
Nakatitig lang ito sa akin, hinawakan ni kuya Alvin ang isang kamay nito pero tinanggal nya agad. Humakbang na ito palapit sa akin,pero hindi pa man ito tuluyang nakalapit ay may dumating na palang sports car. Tumabi ito nag park sa sasakyan ni Raffie.
Kaming apat ay napatingin sa sasakyan ni Catherine. Medyo nakahinga ako ng maluwag at napangiti na ako papasalamatan ko talaga si Cathy. Ito talaga ang sasakyan ni Cathy gamit nya ito kapag pumupunta ng resort at dalawang beses na rin syang naka punta dito sa bahay. Nakilala na rin nya sila papa,si ate nalang hindi nakaka kilala sa kanya dahil sa Manila naman naglalagi ang ate ko.Nilagpasan ko na silang tatlo at sinalubong ko si Cathy, nakangiting lumabas ng sasakyan.. Naka suot pa ito ng school uniform,nakakatouch naman ang babaeng ito hindi man lang magbihis muna bago pumunta. Agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap.."Congrats " sabay bulong pa nito. "Thank you." Tugon ko naman dito.."Sa pag punta kahit ang layo." Dugtong ko pa.
"Ano ka ba basta ba sa graduation ko pupunta ka rin,pero matagal pa yun." Sabay pisil pa sa ilong ko. "Yung gift ko mamaya ko na lang ibigay."
Nang lumingon ako sa gawi nila Raffie, si kuya at Alvin at ate halos pareho lang ang reaksyon. Napa nga nga habang nakatingin sa kotse ni Cathy. Si Raffie naman ay matalim ang pinukol na tingin sa akin,hindi ko nalang iyon pinansin. "Tara na sa loob." Aya ko sa kanila si Cathy naman ay humawak pa sa kaliwang braso ko.
"Uy Jovanne ipakilala mo naman ako sa bisita mo." Habol naman sa akin ni ate oo nga pala nawala tuloy sa isip ko na ipakilala si Cathy. Kinakabahan kasi ako kapag malapit si Raffie sa akin.
"Sya nga pala,kaibigan ko si Catherine.. Catherine ate ko pala si ate Jenny. Si kuya Alvin,best friend ng ate ko at si Raffie.. Fiancée ni kuya Alvin." Pakilala ko.
"Oh! Hi guys nice meeting you.." Kumaway lang ito sa tatlo.
"Catherine." Tawag ni kuya Alvin. "Pwedeng pa himas naman ng kotse mo,gara eh!"
Natawa naman si Cathy.. "Okay no problem." Tugon nito..Si Raffie naman ay napairap kay Alvin sabay iling.. May LQ ba tong dalawang ito.
Si ate pa talaga ang hinila ni kuya Alvin para lapitan ang kotse ni Cathy.
"Ra-raffie." Baling ko sa isa,medyo na utal pa ako. "Pasok na tayo sa loob." Napatango naman ito at agad na sumunod sa amin. At least nagawa ko siyang kausapin..
More chapter pa po..hehe
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)