Chapter 9 Confused?

2.4K 106 0
                                    

Raffie POV..

"Babe please!!" Kanina pa parang batang sunod ng sunod sa ginagawa ko itong si Alvin. Ano bang nakain nito at nangungulit ng bongga..

"Bonding naman tayo,yung tayong dalawa lang punta tayo ng bar. Sige na!"

Malapit na talaga akong mapikon sa kanya. Ilang beses ko na rin kasing sinabi na hwag ngayon,dahil wala ako sa mood. Pagod ako sa mag hapon,ilang araw na rin akong na e stressed pagkatapos ng celebration nang anniversary namin.

Wala rin naman akong masabi dahil sa totoo lang napaka swerte ko na nga sa kanya. Sobrang bait niya! Iyon nga lang hanggang ngayon nag aaral parin, hindi mapirmi sa isang kurso.

"Babe." Napasimangot nitong wika.

"Alvin please.. Pagod ako saka na lang tayo lumabas." Malapit na rin akong matapos sa aking ginagawa at pina una ko na ring pauwiin ang mga kasama ko. Madalas na rin akong dito natutulog sa clinic,ayokong umuwi ng condo lalo akong na e stressed.

Heto at todo kulit parin ng boyfriend ko. Naiinis na rin ako sa totoo lang,paulit ulit na lang kasi kami.

"Buti pa si Jenny, kapag sinabi kong ganito ganyan-" bigla itong natigilan sa sinasabi dahil tinignan ko ito ng masama." Sorry." Biglang wika nito at akmang hahawakan ang braso ko pero itinaas ko ang isang kamay ko. "Babe sorry talaga!"

Napabuntong hininga ako.."Alvin please umalis ka na."

"Babe-"

"Please Alvin.. Umuwi ka na,ayokong mag away tayo kaya please lang iwan mo muna ako." Medyo tumaas na ang boses ko,natahimik naman ito. Akmang hahalik pa sana ito sa pisngi ko kaya lang umiwas ako. Wala na itong nagawa at tuluyan nang lumabas ng clinic. Narinig ko nalang ang pag ingit ng glass door.

Nanlulumo naman akong napaupo sa couch, sa lahat ng ayoko iyong kinokompara ako sa isang tao at ang masaklap sa best friend pa namin.. Napatawa ako ng pagak.

College palang magkaka kilala na kaming tatlo. Nang makilala ko si Jenny wala talaga akong real friends ni ayokong nakikisalamuha kahit kanino. Pero nakita ko naman kay Jenny na totoo siyang kaibigan kaya naging close kami. Hanggang sa ipinakilala nya sa akin si Alvin na best friend nya. Naging close kaming tatlo,yun nga lang nang tumagal nagkagustuhan na kami ni Alvin. Hindi naman tinutulan ni Jenny noong pinagtapat namin sa kanya,tuwang tuwa pa nga ito. Kaya hanggang ngayon matatag parin ang relasyon namin ni Alvin pati ang friendship naming tatlo.

"Yun nga lang!" Sabay buntong hininga, sobrang confused na ako sa sarili ko. Sobrang ginugulo na ang puso ko at isip ko ng isang tao,kahit pilit Kong nilalabanan. Bakit ganito? Sa totoo lang ayoko syang makita,gusto ko nang umiwas ng tuluyan pero paano! Hindi ganun kadali may mga taong involved na mahalaga sa akin.

Sa totoo lang hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito. Kapag malapit sya sa akin,gusto ko syang yakapin,gusto ko iyong natural scent nya at gusto ko syang halikan?.. Pero laking pigil ko sa sarili ko. Dahil hindi pwede, dahil sobrang mali itong nararamdaman ko.

Unang una may boyfriend na ako,committed na ako at mahal ko.

Pangalawa. Babae sya bakit sa babae pa.

At pangatlo,kapatid sya ng best friend ko.

Jovanne.. Ano ba itong ginagawa mo sa akin! Pilit kong tinatago itong nararamdaman ko tuwing nakikita kita,tuwing kasama kita. Mukhang Hindi mo naman nahahalata. Bakit nakakaramdam ako ng selos kapag may kasama kang iba,kapag sweet sayo..

Yung Henry na yun,kumukulo ang dugo ko sa kanya. Tapos yung sa may simbahan, yung kasama nya nakalimutan ko na yung pangalan. Kahit alam ko namang nagbibiro lang sya nang sabihin girlfriend sya si Jovanne,parang may tumarak na kutsilyo sa dibdib ko nung mga Sandaling iyon. Lalo at ang clingy nila sa isa't isa. Ini imagine ko na sana ako nalang iyon,ako nalang yung naglalambing sa kanya.

Narinig ko ang pag patak ng ulan sa labas,medyo kumukulog kulog pa. Kailangan ko ng pampakalma,tinungo ko ang mini fridge ko at agad na kumuha ng can beer,binuksan at agad kong tinungga ang laman. Ang lamig sa lalamuna ang sarap.. Mabilis kong inubos ang laman at kumuha ulit ako ng isa at agad na nilagok. Medyo tinamaan agad ako sa aking ininum. Nakalahati ko ulit iyong pangalawa.. Nagulat pa ako nang may mag vibrate sa ibabaw ng table ko,ang cellphone ko pala sino naman kaya itong tumatwag.

Lalo akong nagulat dahil ang nag iisang taong umuokopa ngayon ng isip ko ang tumatawag. Bakit kaya ito tumatwag,pakulo na naman ba ito ni Alvin at kinasabwat na naman ang magkapatid?I cacancel ko na sana ang tawag! Pero andun parin yung pagnanais kong marinig ang boses niya. Dahil huli ko pa itong nakita noong anniversary namin ni Alvin sa bahay nila.

"Hello?" Wika ko.

"Raffie." Napapikit ako ng banggitin nito ang pangalan ko,ayaw nya akong tinatawag na ate. Na gustong gusto ko naman." Nasa ahhmm.. Nasa clinic ka pa ba?" Napasinghap ako sa tanong nito,napainum tuloy bigla sa beer at naubos ko ang laman ng can. Sabi ko na pakana ito ni Alvin. Ika cancel ko na sana ang tawag- "Raffie andyan ka pa ba?" Tanong ulit nito,may kung ano sa boses niya ngayon Hindi ko mawari kaya lang- parang may malamig na hangin na humahaplos sa puso ko.

"Why?" Tipid kong tugon.

"Nagbabaka sakali lang..pansin ko kasing bukas pa ang ilaw ng shop mo. Andito kasi ako sa labas ng clinic eh." Bigla akong kinabahan sa sinabi nya,kinabahan ba ako o excited. Para akong natatae na ewan,kumulo bigla ang tiyan ko.

Parang may sariling isip ang mga paa ko at humakbang patungo sa may pintuan ng clinic..

"Raffie?" Wika ulit nito pero Hindi ko na pinansin ang pag tawag nya sa pangalan ko,mas nanaig ang pagnanais kong gusto ko siyang makita,kaya nagmadali na akong binuksan ang pintuan ng clinic. Parang naming slow motion ang buong paligid,parang nangyari na ang ganito sa may simbahan. Biglang bumagal ang oras ng magtama ang aming mga mata.

Nakita ko sya sa harap ng pintuan ng clinic hawak ang kanyang cellphone na nakatapat pa sa kanang tainga nito. At titig na titig sa akin.

"Raffie!" Usal nito.

Agad ko na syang hinila sa papasok ng clinic,bakit ba ito nagpaka basa sa ulan. Nagagalit ako! Bakit ba nya ito ginawa pwede syang magkasakit sa ginagawa nya.? Hinila ko ito sa loob hanggang sa opisina .

"I'm sorry!" Wika nito. Bakit naman ito humihingi ng sorry. Shit! Basang basa ito ng ulan pati ang sling bag nito. "Sorry sa abala!" Dugtong nito.

Napailing ako..

"Kasi.. Biglang buhos ng ulan,wala akong payong." Tinitigan ko lang sya. Napangiwi naman ito,napapansin ko ito kapag nahihiya siya napapangiwi. "Tapos ang daming tao sa shed wala ng space,ang hirap sumakay lalo na ang jeep nag uunahan sila. Ginaw na ginaw na kasi ako,kumukulog pa!nakakatakot." Nakayuko nitong wika.

"Halika nga dito." Ma awtoridad kong sabi at tinungo ang maliit kong room dito sa clinic. May bathroom na din sa loob at single bed. Dito ako natutulog kapag tinatmad akong umuwi ng condo. Agad naman itong sumunod sa akin.

Wala naman akong extra na damit para sana pamalit nya. Buti nalang may extra robe ako.

"Hubarin mo yang mga suot mo,magkakasakit ka sa ginagawa mo eh!" Sa totoo lang nagagalit talaga ako ngayon sa pinaggagawa ng babaeng ito,napaka careless sa sarili. Kaya pinakita kong naiinis talaga ako sa kanya..

"Ha- eh!"

"Heto oh.." Sabay abot ko sa kanya nang naka hanger na puting robe." Isuot mo muna yan,magpalit ka diyan sa loob ng bathroom.. I hang mo muna ang mga damit mong basa. Pagka tumila na ang ulan ihahatid kita.

Nakatulala pa rin ito.

"Sige na baka lamigin ka pa." Pagka abot ko ng robe tumalikod na ako at bumalik na sa opisina. Napapailing na lang ako na umupo sa couch. Bahala nga sya! Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa tuwing malapit sya sa akin. Nag iinit ang aking pakiramdam, lalo ng nakita ko syang naka tapis lang ng tuwalya sa bahay nila. Bakit ganun may nag re react na bahagi ng aking katawan. Pipilitin kong pigilan haggat kaya ko.

Narinig ko ang pag ingit ng pintuan kaya inayos ko ang aking pagkaka upo. Kalma lang.. Halos 20minutes din sya na nagbihis.

Napa angat ako ng mukha,tumambad sya sa aking harapan. Sakto lang ang robe sa kanya.tumutulo pa ang basa nitong buhok. At naamoy ko ang gamit kong shampoo at body wash,marahil naligo na rin ito.. Inaakit ba nya ako??.

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon