Jovanne..
Nandito parin ako sa clinic,nandito na nga ako bakit pa ako aalis agad may dahilan naman ang pagpunta ko dito. Si Henry, tinawag lang ako kanina para magpaalam na mauna ng uuwi. Hmp may kasalanan parin ito sa akin.
Namiss ko itong opisina ni Raffie,nandito ulit ako sa couch na nakaupo. Parang bata nyang kinausap si potchie kanina,nakakatuwa dahil parang naintindihan naman ni potchie ang mommy niya. Halos hindi na tuloy nya binibitawan ang aso.
"Nag order na ako ng pizza." Nakangiting wika ni Raffie sabay upo sa tabi ko. Maaliwalas na ang kanyang mukha hindi tulad kanina,grabe parang nadudurog ang puso ko sa itsura nya.
"Thank you talaga Jovanne." Napaigtad ako ng yumakap siya sa aking bewang,isinandal pa nya ang kanyang baba sa balikat ko. Mapapikit nalang ako,ninanamnam ang bawat sandali. Naamoy ko ang gamit niyang pabango sarap sa ilong,sigurado hahanap hanapin ko ito.
"Teka pala." Wika nito kumalas na sya sa pagkakayakap sa akin,pero katabi ko parin itong nakaupo."Yung kanina siya ba iyong sa restaurant? Tumaas pa ang isang kilay nito.
"Ah oo si Henry." Tugon ko,grabe kumakabog ang dibdib ko sobrang lapit namin sa isat isa.
"Manliligaw mo? Sumbong kita sa ate mo." Banta pa nito.
What? Manliligaw agad agad.
"H-hindi Hindi ah,nagkasabay lang kami sa shed kanina pauwi narin sya. Barkada ko lang yun." Paliwanag ko,sakto namang dumating na ang isang box na pizza.
Tumayo na ito at inayos ang pizza sa ibabaw ng table nya. Pagkatapos ay kumuha ng maiinum sa fridge. Masaya na naming pinagsaluhan ang Hawaiian pizza,tumabi parin ito sa akin sa couch.
"Hi babe what happened?"
Akala ko masosolo ko ulit si Raffie, heto na naman si karibal. Para tuloy nag iba ang lasa ng pizza at hindi na masarap,nag uumpisa pa nga lang kaming kumain.
"Babe." Lambing ni Raffie sabay tayo at yumakap kay kuya Alvin. "Muntik ng mawala si potchie buti na lang nakita ni Jovanne malapit sa school nila." Paliwanag nito.
"Oh! Hi Jovanne." Bati nito sa akin. "Long time no see,kamusta si Jenny?"
Hay salamat at naghiwalay na rin sila sa pagkakayakap hindi na masakit sa mata. Dumampot na rin ito ng slice ng pizza at umupo sa tabi ko,dahil si Raffie ay sa swivel chair na nya ito umupo.
"Dapat siguro babe ilagay mo na sa cage si potchie, mabait pa naman iyan kahit kanino sumasama." Baling nito kay Raffie.
Maaout of place lang yata ako dito,makauwi na nga lang. Sasakit lang ang puso ko.
"Nope ayoko,basta lagi lang nakasara ang pinto,naiwan kasing bukas kanina eh."
Sige kayo nalang dalawa mag usap. Maktol ko.
"Sige ikaw bahala." Tugon naman ni kuya Alvin sabay kagat ng pizza." Jovanne si ate mo mula ng may work,hindi na namin nakakabonding.
"Ginusto nya iyong ganung work eh." Tugon ko,wala akong gana makipag usap sa kanya."Siya nga pala aalis na rin ako baka hanapin ako ni ate. Papasok pa yun sa work." Pero kung hindi dumating itong si kuya Alvin kahit gabihin ako kerebels lang. Tumayo na ako,tumayo din si Raffie at lumapit sa akin.
"Thank you talaga Jovanne." Yumakap ito bahagya.
"Your welcome." Tugon ko na lang.
"Gusto mo hatid na kita?" Si karibal. No way malalaman na naman ni ate na galing ako dito. Kunsabagay malalaman at malalaman din naman nya. Sige na nga lang hirap din mag commute babalik na naman ako sa may waiting shed.
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)