Chapter 17 She's Gone

2.3K 123 1
                                    

Jovanne..

     Ilang araw na rin ang lumipas mula ng umalis si Raffie sa resort ng walang paalam. Inabala ko nalang ang sarili ko sa bar, kahit hindi ko na trabaho ay tumutulong na rin ako. Maiwasan ko lang na maisip o maiwas lang sya sa topic,dahil tinatanong din sya ng mga kasamahan ko. Kahit na hanggang ngayon umaasa parin ako kahit isang message man lang ang matatanggap ko mula sa kanya. Pero talagang wala. Kahit kay ate Jenny wala din. Kinalimutan na ba nila ako?

     Si Mylene minsan lang din kami magkamustahan busy rin kasi ito. Seryoso din sa kanyang trabaho at  masaya ako para sa kanya. Miss ko na rin sya. Gusto kong umuwi para bisitahin si Mylene at si ate kahit papaano halos buong buhay namin kami na ang laging magkasama. Siya na yung tumayong Mama ko,mula ng mawala si mama. Ni hindi pa nga nagkaka love life,kaya lahat ng gusto niya sinusunod ko.. Kahit labag na sa loob ko minsan. Kahit nagiging pasaway na ako pagdating kay Raffie..

   Bigla na naman akong napa buntong hininga.. Kaya isang dahilan bakit naalangan akong umuwi,hindi pa ako handa para makita sya. Kahit sa totoo lang sobrang nangungulila na ako sa kanya,sa tuwing naalala ko yung masayang nangyari sa amin dito sa resort..

    Napapaluha na lang din ako ng hindi ko namamalayan lalo kapag nag iisa na ako. Buti nga at mababait ang mga kasama ko dito at masayahin nalilibang ako ng husto...

    It's a cold Friday morning. Masaya yata ang lagay ng panahon,sobrang lakas ng hangin paglabas ko ng cottage. Parang ayaw sumikat ang araw sobrang kapal ng ulap. Nag check ako sa phone ko ng weather forecast. Kaya pala may LPA,sana hwag lumakas nasa tabing dagat pa naman kami.

   Naramdaman ko ang mahinang patak ng ulan,kaya nagmadali din lang akong pumasok sa loob ng cottage. Nagpainit nalang ako ng tubig sa kettle para sa cup noodles. Yun nalang ang muna ang breakfast ko. Nakakatamad naman ang ganitong panahon ang sarap humilata lang mag hapon.

    Habang kumakain, biglang tumunog ang cellphone ko,wala sa loob kong tinignan kong sino ang nag message at naka alala . si ate! Wika ko sa sarili ko. Agad ko iyong binuksan..
'Mag open ka ng messenger mo may pinadala akong picture..' Yun lang ang sinabi nya!! Napakunot tuloy ang noo ko,hindi man lang ibungad. Hoy bruha buhay ka pa ba?.

   Wala na kasi akong gana mag check ng social media account ko,baka may makita lang ako na lalong ikakasama ng loob ko.

    Napilitan tuloy akong mag open ng data ko at agad na binuksan ko ang messenger. Meron nga itong in send mukhang picture ito at ang tagal namang mag open. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kung sino ang nasa larawan.

     Si Raffie, nakangiti ito at pinapakita ang singsing na suot sa kanyang daliri. Bakit daw! Anong ibig sabihin nito. Masaya ako dahil nakita ko ulit ang mukha ng taong mahal ko..pero,bigla akong kinabahan dahil sa singsing na kimikininang. Nakita kong active ang messenger si ate at biglang nag type ng message sa messenger ko.

     "I'm so happy!! ..." With smile pa.."Si Alvin at Raffie engaged na!!"

    Engaged?? Biglang parang nanlalamig ang buo kung katawan. Ibig sabihin pag engaged malapit ng ikasal! Parang naninikip ang dibdib ko,hindi ako makahinga. Parang na so suffocate ako at biglang napasinghap. Ang ganda ganda nang gising ko tapos ganito ang mababalitaan ko. Heto na naman si luha,kusang umaagos mula sa aking mga mata. Kahit paulit ulit kong sinasaway ang sarili ko na hwag na syang mahalin dahil malabong mangyari na masuklian nya din ang pagmamahal ko sa kanya. Hinayaan ko parin ang damdamin kong umusbong ang nararamdaman ko.

   Kahit ganun,nagawa ko paring  mag reply kahit sobrang sakit na.
 
     "Pakisabi sa kanila ate congrats at masaya din ako para sa kanilang dalawa." Ang martyr ko sobra.. Ano pa nga ba. Mga best friends iyon ng ate ko.

     "Yes of course, sayang wala ka para sa celebration." Reply nito.

    Ayoko din lang pumunta noh! Lalo lang akong masasaktan.

    "Ikaw ate kelan mo matatagpuan ang forever mo?" Nagawa ko paring magbiro sa ganitong sitwasyon..

     "Sira ulo!" Yun lang ang tugon nito. Maya maya pa ay active 2minutes ago na ang nakalagay.. Hayy!! Buntong hininga ko. Ang hirap naman ng sitwasyon ko.."FIRST LOVE FIRST HEARTACHE"

    Dapat na ba akong mag move on? Dapat nga matagal ko ng ginawa ang bagay na ito. Pero sa tuwing sinusubukan ko naman lalo lang akong nasasaktan at lalong may naglalapit sa aming dalawa. Yung mga hindi sinasadyang pagtatagpo namin,hiningi ko iyon na signs. Pero wala parin naman pala,hindi rin totoo ang ment to be. Pinaasa ko lang ang sarili ko.

    Mas madali sana akong maka move on kung walang nangyaring kiss na naganap kung walang......nangyari sa amin.

    Imbes na magmukmok ako,dapat ayusin ko,tuparin ko ang mga pangarap ko. Congrats Raffie. Ilove you always.. Wika ko sa aking sarili.

   Nawaksi ang pagmumuni muni ko ng may marinig na kumatok sa pintuan.

      "Jovanne.!" Tawag ni kuya Jerry.. Inayos ko muna ang sarili ko bago tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Nakapayong  ito,mukhang lumalakas yata ang ulan. Tinignan nya ang itsura ko pero hindi naman ito nag usisa.

     "Magleave daw muna tayo sabi ng boss. Kahit mga 3days,mukhang malakas ang parating na bagyo. Mas mainam daw para sigurado.. Magbabakasyon muna tayo.." Paliwanag nito.

    Parang ayaw kung umuwi sa amin.. Saan naman kaya ako pupunta.?

       "Kuya Jerry.. Saan mo balak magpunta?" Tanong ko rito.

      "Uuwi muna ako sa San Leonardo.. Namimiss ko na din kasi ang pamilya ko. Matagal tagal na rin mula ng huli ko silang makasama." Sabi nito

   Bahagya naman akong napa isip. Ako ngay saan kaya. Gusto ko sa malayo din sana.. Mukhang maganda sa lugar nila kuya Jerry sa pagkakaalam ko probinsya yun medyo may kalayuan dito sa Laguna.. North na yun at labas parin ng Manila.

      "Ah- kuya....sama nalang kaya ako sayo?" Naalangan ko pang wika.

    Tila nagulat naman ito at napakunot noo.. Sabay kamot sa kanyang batok. Tila nag iisip.

    "Naku baka kung anong isipin ng misis ko Jovanne. Uuwi ako at may kasamang magandang dilag." Tila nahihiya nitong wika. Parang sira!

    "Kuya naman eh! As if naman mapag kamalan tayong mag syota." Sabay tawa ko pa.. Sana pumayag.

   Natatawa na din tuloy ito. Pero halatang naalangan parin sya.

     "Ikaw mag paliwanag sa misis ko ha!" Natatawa talaga ako sa itsura ni kuya Jerry mukhang under na under ito sa misis nya..

    37 na si kuya Jerry at may dalawang anak.

    "Oo naman kuya! Akong bahala. Masyado namang selosa  ang misis mo kung pagkamalan pa tayo,19 palang kaya ako." Nagtawanan kami.

   "Oh sya,sige mag ayos kana ng gamit mo para maaga tayong makaalis at tiyak gagabihin na tayo.." Sabi nito.. Sa wakas napapayag ko rin sya..

    ..sana po may magbasa nito hehe..
Thank you po readers....

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon