Chapter 15 Take Me

2.5K 98 0
                                    

Jovanne.

Mag alas nuwebe na nang gabi,pagod na ako sa kakaperform pero wala parin yung tanong hinihintay ko. Nagpa reserved pa ako ng table para sa kanya.

Dumagsa na ng customers sa bar,pero ang nag iisang mahalagang panauhin ko ngayong gabi Hindi na yata ako sisiputin.

"Mag break muna ako." Wika ko sa kasama kong bartender. Agad naman itong napatango.

Nagtungo muna ako sa may kitchen ng bar,para makarelax konte. Ewan ko pero hindi ko maiwasang mainis!okay naman yung paghihiwalay namin kanina. Hindi ko namalayang sumunod pala sa akin si kuya Jerry ang pinaka KUYA namin dito. Dahil ito ang pinakamatagal ng bartender dito sa bar.

"Oh bakit nandito ka?hinihintay ka ni Raffie.." Nakatawang turan nito. Napakunot noo tuloy ako,ako nga iyong kanina pa naghihintay sa babaeng yun. Gino good time ba ako nito?. "Ayaw mo maniwala..puntahan mo kasi." Pagtataboy nito sa akin.

Tamad na tamad tuloy akong umalis ng kusina. Lalong napakunot ang noo ko ng matanaw na may omookopa na ng table na pina reserve ko. At may kaharap pa itong isang bucket na light beer. At ang loka tinutungga na ang isang bote. Nakamaong jacket ito at maong short shorts. Nakakainis talaga..nilapitan ko na ito.

Naupo na ako sa tabi nito..

"Hi.." Nakangiting bati nya, hmp may gana pa syang ngitian ako. "Pinaalam na kita,tapos na ang working hour mo at mag enjoy nalang tayo.." Sabi pa nito.

Tinignan ko tuloy sya ng masama, pero dumako ang paningin ko sa kanyang dibdib, hindi pala close ang jacket nya at naka sando lang sya sa loob at litaw ang cleavage nito.. Napalunok tuloy ako.

"Done checking me out!! " Nakangising sabi nya at ang lapit na pala ng mukha nya sa akin. Medyo maingay kasi dahil sa loud music.

"Naiinis ako sayo." Kunyari hindi ko pinansin ang sinasabi nya..kasi nahiya din ako sa ginawa ko. Sinabayan ko pa ng irap..

Napatawa lang ito ng mahina at hinawakan nya ang isang kamay ko." Alam mo bang kanina pa kita pinapanood hindi lang ako nagpakita sayo..nakatayo lang ako sa isang sulok. At ang galing galing mo." Sincere nitong wika sabay pinisil pisil pa ang daliri ko."Ayoko naman kasing umupo mag isa dito,gusto ko kasama kita." Paliwanag pa nito.

Satisfied naman na ako sa paliwanag nya. Kinikilig nga ako nang sinabi nyang pinapanood nya pala ako ng palihim kanina.

"Lasingan na!" Bulong nito sa akin at lalong inilapit lalo ang katawan nito. Naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa tainga ko. Binuksan nito ang isang bote ng beer at binigay sa akin. "Cheers!!" Kampay nito sa hawak nyang bote na nakalahati na pala ang laman. Sabay namin tinungga ang hawak naming beer..

Medyo napapitlag pa ako ng ipinatong nya ang kaliwang kamay nya sa isang hita ko. Kahit naka slacks pants ako ramdam ko parin ang init ng palad nya sa aking balat..

"Mas magaling ka sakanya." Bulong ulit ni Raffie sa akin ng pinapanood namin ang kasamahan kong bartender. Shit!! Nang aakit ba sya,dahil kong oo magpapaakit talaga ako.

Naalala ko pala ang pag uusap namin ni ate kanina. Mas mabuti siguro na ipaalam ko iyon kay Raffie para alam nito ang sasabihin kay ate kapag nagkita sila.

"Tumawag pala si ate kanina." Ako naman ang bumulong sa kanya." Tinanong nya kong nagkaka usap daw tayo." Biglang lumamlam ang mga mata nito nang titigan ko sya,pero hindi naman nagsasalita. Kaya pinag patuloy ko nalang ang kwento ko..

"Sinabi kong hindi....yun lang." Bigla naman itong napangiti.

"Thank you Jovanne." Tugon lang nito. Para saan naman yung thank you nya? Ayaw nya talaga siguro ipaalam kela ate kong asan sya ngayon..

Pinagpatuloy na ulit namin ang inuman session. Pero andun parin ang pag hawak nya sa kamay ko o di kaya paghaplos nito sa hita ko. Hindi ko naman ito sinasaway,wala naman akong maramdamang pagkailang or malisya bagkus ay gustong gusto ko pa. Halos naubos na rin namin ang laman ng isang bucket ng hindi namin namamalayan.

Naalala ko yung first kissed namin,grabe ilang gabi akong hindi pinatulog dahil sa halik na yun. Buti nalang nag simula na ang OJT ko kaya medyo nalibang ang sarili ko. Sa totoo lang hindi naman talaga ako nahilo sa ininum ko that time. Hindi ko kasi alam kung paano ko sya kausapin pagkatapos ng nangyari, at ang sarap sa pakiramdam noong time na nakaupo kami sa sofa at magkayakap. At sinabi ko sa sarili ko na kapag nagkita kami ulit hahalikan ko talaga sya.

Kung wala lang talagang boyfriend si Raffie iisipin kong may gusto rin sya sa akin, pero mahirap mag assumed.

"Heay bakit ang tahimik mo?" Puna ng katabi ko. "Lasing ka na yata!" Napatawa pa nitong wika.. Nilaro laro na naman nito ang mga diliri ko sa kamay..laking pagpipigil ko sa sarili ko gusto ko talaga syang halikan.

Napailing nalang ako bilang tugon sa tanong nya..

"Isang bucket pa?" Ha? Ano daw? Maglalasing ba talaga kami..? Sanay naman akong uminum dahil sa kurso ko pero-

"Tama na yun." Tugon ko nalang..ayokong pagpakalasing. Shit!! Nagulat pa ako ng mararamdaman ko ang palad nito sa likod ko sa loob mismo ng polo shirt na suot ko. Uniform namin dito sa bar kulay dark blue. Napatingin tuloy ako sa kanya at titig na titig na pala ito sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang napasinghap sa ginagawa nya..

"Raffie!" Doon na ako nag react sa ginagawa nya,hindi ko na kasi maipaliwanag ang sarili ko. Nag iinit bigla ang aking pakiramdam. Please self kalma ang daming tao sa paligid namin. Dumako na kasi ang palad nito sa aking tyan at marahang hinahaplos doon. Lalo yatang nagsi tayuan ang balahibo ko,Hindi ko na rin mapigilang napalunok ng sandaling yun. Hanggat kaya ko pa pigilan ang sarili ko,pipigilin ko ko. Baka isipin nyang easy to get ako..

"Raffie!" Saway ko na dito,tila nakaintindi naman at dahan dahan na nitong tinanggal ang kamay nya sa tyan ko.. Medyo nakahinga na ako ng maluwag at umayos ng upo.

"Tara.." Aya nito sabay tayo!"Maglakad lakad tayo sa labas." Naglapag na ito ng pera sa table, hindo ko na napansin kong magkano iyon dahil hinila na nito ang kamay ko. Napatayo na ako,magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng bar. Naglakad kami patungo sa dalampasigan,sarap ng simoy nang hangin.

"Inaantok ka na ba?" Puna nito sabay hinto sa paglakad at humarap ito sa akin. Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko..

"Jovanne!" Banggit nya sa pangalan ko at parang ang seryoso naman nito.."Pwede ba kitang makasama ngayon gabi?"

Bigla naman akong kinabahan sa narinig ko pero may halong excitement" Kasama mo naman na ako ah!" Nagawa ko paring magbiro.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa sabay titig ulit sa akin. Kaya napatango na lang ako.

Hinila na nya ulit ako at naglakad kami patungo sa hotel na tinutuluyan nya. Ang lakas ng kabog ng dibdib sa sandaling ito at nagpatianod nalang sa bugso ng aking damdamin.

Pagpasok namin sa entrance, dumiritso na kami sa elevator. Dalawa lang kaming lulan nyon sa loob at magkahawak kamay. Bumukas din agad ng marating na namin ang 3rd floor,sa pangatlong pinto kami tumapat. May kinuha itong card sa kanyang bulsa at itinapat sa door knob,nang tumunog ay pinihit na nito sabay bukas..

Pagka pasok namin sa loob,agad din nyang sinara ang pinto. Medyo naaninag ko lang ang loob ng kwarto dahil hindi naman nito binubukas ang ilaw. May konting liwanag lang na nagmumula sa labas dahil sa sliding door na bahagyang naka awang ang kurtina. May kalakihan ang kwarto isang queen size na bed at may pintuan na isa,siguro yun ang c.r.

"Jovanne." Paanas nitong tawag sa pangalan ko ng humarap ito sa akin at hinawakan ang magkabila Kong pisngi....

--warning SPG sa next chapter*******

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon