Chapter 26 Be Mine

4.8K 176 52
                                    

Jovanne..

     Mukhang timing pa ang pagpunta ko ng clinic ngayon dahil pila ang client ni Raffie. Baka galit din ito sa akin dahil ang dami nyang missed calls ng mahal ko.

      Pumasok parin ako sa loob ng office nito,para makita ko na rin kung ano ang ginagawa nito. Bahagyang nagulat pa ito ng makita ako,ang ganda naman nya sa suot nitong lab coat. Pagkatapos ng kanyang ginagawa Hindi muna agad ito nag papasok ng client at hinarap muna ako.

      "May sasabihin sana ako pero mukhang busy ka pa." Wika ko. Gustong gusto ko itong halikan kaya lang naka bukas ang pintuan maraming naghihintay sa labas.  "Hintayin ko nalang hanggang matapis ka.."

     "Okay.. Doon mo nalang ako hintayin sa room, malapit naman na ang lunch break." Tugon nito at napakagat labi ba. Mukhang gusto rin akong halikan nito ah.."Go na!" Tinulak pa ako bahagya,napatawa nalang ako at bahagya kung hinampas ang pwet nito. Bago ako humakbang patungo sa room nito,dito sa clinic. Nang lingunin ko ito nangingiting pinamulaan pa ng pisngi..

      Matyaga akong naghintay habang nakaupo sa kama. Naghanap ako ng pwedeng laruin sa aking cellphone pero hindi naman ako makapag concentrate. Naalala ko tuloy nung ibang pasok ko dito,yung basang basa ako sa ulan. Yung first kissed namin,napangiti tuloy ako. Sinipat ko ang kabuuan ng kwarto maliit man ito malinis naman at maayos.

     Kapag nakapag business na ako,magpapatayo ako ng sarili kung bahay at magiging bahay namin ni Raffie. Para hindi na sa condo ito nakatira,basta madami akong pangarap para sa aming dalawa.

     Narinig ko ang pagtunog ng pintuan kaya napatingin ako doon. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko makita kung ngiting ngiti ito na pumasok mg kwarto sabay hubad ng lab coat nya at pinatong sa isang upuan. Nakadress pala ito sa loob ng above the knee. Inaakit na naman nya ako,may bitbit itong paper bag. Pina deliver nitong pagkain pinatong nito sa table. Saka humakbang at tumabi sa akin.

      "Kain muna tayo?" Tanong nito parang hindi makatingin sa mga mata ko. Inangat ko naman ang baba nito gamit ang kanan kung kamay at hindi ko napigilang halikan ang mga labi nya at agad din naman itong tumugon. Pero ako din ang tumapos ng halik ayokong paglalimin baka may magawa kami dito sa kwarto nya. Nasa labas lang ang mga tauhan nito..

    "Sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo kanina,maaga akong umalis. Tapos naiwan ko pa yung phone ko sa bahay kamamadali ko. Nagmet kasi kami ni Cathy." Paliwanag ko pero pinaningkitan ako ng mata..

    "So iniwan mo ako ng ganung kaaga para kay Cathy ah!." Maktol nito

     "Sweet naman mag selos ng girlfriend ko." Kantyaw ko naman lalo lang akong pinaningkitan ng mata sa sinabi ko..

     "A-anong nagseselos,hindi no!" Depensa naman nito. "Girlfriend daw hindi din" Wika pa nya.

     "Okay ayaw mo ba? Sige okay lang." Kunyaring tampo ko naman. Na bigla pa ako ng bigla nya akong hawakan sa magkabilang pisngi at madiin na halikan sa labi,agad naman akong tumugon. Pero ilang saglit lang ay naghiwalay din ang aming mga labi.

     "Jovanne.." Paanas nitong sabi. "Maniniwala ka ba kung sabihin kong...." Pabitin pa nitong sabi. "Hindi ka marunong humalik."  Di nga! Hala grabe sya.. Sya kaya ang first kissed ko eh anong magagawa ko sya naman ang nagturo sa akin.. Napasimangot tuloy ako..

     "Kain na nga lang tayo." Sabay tayo nito  at inayos ang pagkain sa mesa. dalawang 2pcs chicken iyon at dalawang coke float. Wala namang ibang upuan kaya sa kama nalang din kami umupo..

    Iniisip ko parin yung sinabi nya na hindi ako marunong humalik,paano na lang yung ginawa ko sa kanya kagabi hindi ba ito satisfied?..

     "Heay bat ang tahimik mo.?" Puna nito at tumabi sa akin.." Nagbibiro lang ako sa sinabi ko.. Hwag mo nang isipin yun." Nakangiting sabi nito. Kinikilig naman ako agad dahil biro lang naman pala.

     "Wala ka bang work ngayon?" pagkatapos lunukin ang nginunguyang pagkain.

    "Nag off ako." Tugon ko naman naalala ko tuloy ang pag uusap namin ni Cathy.

     "Okay good.. Naghalf day lang din ako." Masaya nitong wika. Pinagpatuloy na namin ang masarap kahit simpleng lunch lang..basta kasama ko sya. Napansin ko naman na wala na itong suot na singsing. Baka nakalimutan lang nitong isuot.

    Pagkatapos naming kumain ito na rin ang nagligpit at bumalik ulit na umupo sa tabi ko..

     "Ano ba yung gusto mong sabihin kanina?" Tanong nito. Naalala ko yung folder na ipinatong ko dito sa kama. Kinuha ko yun at inabot sa kanya..

    "Oh.. Ano to?" Sabi naman nito.." Actually may sasabihin din ako sayo!" Sabi pa nito.

     "Yan yung dahilan kung bakit nakipag kita sa akin si Cathy..bu-buksan mo." Bigla naman akong sinalakay ng kaba  sana hwag nya akong pag isipan ng masama sa malalaman nya.

    Tahimik lang ito habang binubuklat lang laman ng folder. Ayokong tinignan ang ginagawa nya,ayokong makita ang magiging reaksyon nya. Yumuko na lang ako. Narinig ko itong napasinghap,napapikit nalang ako. Alam kung masakit ito para kay Raffie pero  mainam na rin na habang maaga pa malaman na nito ang totoo.

     Naramdaman ko na umalis si Raffie sa tabi ko kaya napaangat ako ng tingin. Hawak nito ang nakatiklop ng folder ..hindi ko naman mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.. Napatitig lang ako sa mukha nito.

     "Alam ko na ang tungkol sa panlokoko nila sa akin,matagal na akong may hinala. Ewan ko ba ang tagal kong nagpakatanga.." Seryosong wika nito sabay hugot ng malalim na paghinga.. "Ang hindi ko lang lubos maisip tungkol sa relasyon nilang dalawa. Ang galing nilang magtago.."

      "I'm sorry Raffie,ako ang nahihiya sa pinaggagawa ng ate ko sayo." Sabi ko naman.." Balak nga nilang isunod na biktimahin si Cathy. "

       "Malas lang nila dahil bistado na sila..nakakaramdam na rin siguro sila na nakakahalata na ako.. Lalo at nakipag hiwalay na ako kay Alvin." Sabi ni..talaga hiwalay na sila dahil ba sa akin? Nagdiriwang ang puso ko sa nalaman ko..

     "Magdemanda ka.." Sabi ko." Biruin mo pera mo yung ginamit nila para makapag patayo ng bahay..sobrang  kapal ng mga mukha nila.." Nanggigigil kung sabi.. Napatawa naman si Raffie sa inasta ko. Bakit anong nakaka tawa dun?

      "Relax love.." Sabi nito sa akin sabay hawak sa dalawa kung kamay ng maihagis ang hawak nyang folder sa Kama.. Tinawag nya akong love?

      "Hindi na ako magdedemanda,ang mahalaga mapuputol na yung panloloko nila sa kapwa nila.. Para wala na silang magbiktima pa..takutin lang natin ng konte." Sabay kindat pa nito..

      Naawa ako  Raffie hindi biro ang halagang nakuha nila ate sa kanya, pero sobrang bait talaga nito..

      "ILOVE YOU Raffie." Di ko mapigilang bigkasin sa harap niya mismo ang mga katagang iyon. Nginitian naman nya ako at unti unting inilapit ang kanyang mukha sa akin. Naipikit ko ang aking mga mata at naramdaman ko nalang ang pagdampi ng mga labi niya sa labi ko agad ko iyong tinugon.. Ilang segundo rin kaming nagsalo sa matamis na halik bago naghiwalay ang aming mga labi..

     "Asan pala yung box na binigay ko sayo?" Tanong nito sabay patong ng dalawang kamay niya sa balikat ko.

      "Nasa bahay..promise hindi ko yun binuksan." Sabi ko naman..

      "I know..dahil kung binuksan mo iyon tyak na kukulitin mo ako kung anong ibig sabihin ng laman nito sa loob.." Napatawa nitong wika..

     "So,pwede ko na bang malaman kung ano ang laman ng box na yun  total girlfriend naman na kita." 

      "Girlfriend ha!" Tukso nito pero ngiting ngiti naman..

     "Yung box may tatlong laman na susi sa loob." Panimula nito. "Yung unang susi ay susi ng bahay,yung isa susi ng pinto ng restobar at yung pangatlo susi ng puso ko na patay na patay sayo.." Wow kinilig ako sa huli nitong sinabi.. "Mamili ka sa tatlo,kung ano ang pipiliin mo yun ang magiging graduation gift ko sayo.." Graduation gift ha!

      "Love..yung dalawa kaya kung I provide yun. Hindi man sa ngayon pero pagsisikapan ko.. Syempre pipiliin ko yung huling susi dahil yun ang pinaka magandang regalo na matatanggap ko.." Niyakap ko na rin ang baywang nito..."Ang mapasa akin ang puso mo..Ilove you so much Raffie.. "

     "Ilove you too Jovanne..." Sabay sakop sa aking labi..agad naman akong tumugon...

       "WAKAS"
     

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon