Jovanne..
Palinga linga ako sa paligid,lunch break na wala ba akong pwdeng kasabay mag lunch? Busy si Mylene may tinatapos pa syang research. Iniisip ko kung saan ba ako kakain. Sa cafeteria na lang siguro.Naglakad na ako sa pasilyo at tinungo ang way patungong cafeteria ng university. Gutom na rin ako!
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko,ng hindi ko inaasahan kong sino ang makakasalubong ko ngayon. Almost two weeks na din mula ng huli ko syang makita,nakontento na lang ako sa pag stalk ko sa Facebook account nya,syempre friend kami no!
Mukhang hindi nya yata ako mapapansin dahil busy ito sa kanyang cellphone na hawak mukhang may tinatype. Papansinin ko kaya sya o kunyari na lang na hindi ko sya nakita. Naalala ko parin kasi ang mga sinabi nang ate ko kahit na hindi na namin iyon napag usapan pa. Busy na din kasi sya sa bago nyang trabaho, sa call center sana nga pagtyagaan na nya. Bilib naman ako sa ate ko mabilis naman natatanggap sa trabaho.
Tatalikod na sana ako ng nag angat sya ng mukha.
"Oh hi Jovanne!" Nakangiti nitong wika,napahinto tuloy ako sa paghakbang hanggang tuluyan na itong nakalapit sa akin.
"H-hi Raffie." Nauutal kong bati,napataas naman ang isang kilay nito.
"Di ba dapat tawagin mo akong ate!" Natatawa nitong sabi. Noon tinatawag ko syang ate pero ayoko talagang bigkasin,gusto ko yung pangalan lang nya. Ano kayang ginagawa nya dito sa school ko?
"Naglunch ka na ba?" Tanong nito,hindi na naman kasi ako nakakibo.
"A-anong ginagawa mo dito?" Lakas loob kong tanong kahit medyo kinakabahan ako.
"May kinuha lang akong invitation, binyag kasi ng anak ng highschool friend ko. Kinuha akong ninang,dito sya nagtuturo."
I see wika ng isip ko.
"So let's go,lunch tayo! Gutom na rin ako." Hindi ko pa nga sinasagot yung tanong nya kanina kung kumain na ako,nahulaan ba nya na gutom na ako?
Nagulat na lang ako nang bigla nyang hablutin ang kaliwang braso ko at hilahin. Naglakad palabas ng university, kaya nagpatianod na lang ako. Wala namang pakialam ang mga tao sa paligid namin,hindi naman ako isang queen bee tulad ng iba,hindi din ako sikat. Isa lang akong hamak na estudyante.
Kahit ganitong hawak lang masaya na ako,ang init ng palad nyang nakahawak sa braso ko grabe. Sana hwag na niyang bibitawan. Wala tuloy ako sa sarili hanggang makarating na kami sa loob ng restaurant malapit lang sa school ko. Para akong nahihipnotismo,hindi ko namalayang nakaupo na pala kami.
"Jovanne." Ha? nakatanga parin ako,nakailang tawag na pala ito sa pangalan ko bago ako natauhan." Mukhang gutom na gutom ka na at nawawala ka na sa sarili mo." Natatawa nitong turan,magkaharap kaming nakaupo sa pangdalawahang lamesa.Wow lunch date ba ito?" Anong gusto mong kainin?"
"Ikaw na ang bahala." Nahihiya kong wika sabay yuko. Kinikilig kasi ako sa sitwasyon namin ngayon.
Narinig ko ang pagtawa nito. "Bawas bawasan mo ang pagiging mahiyain mo." Eih sa kanya lang naman ako ganito,kapag kasama ko ang mga kaibigan ko ako lagi ang nag oopen ng topic, laging nagpapatawa. Pero kapag si Raffie na ang kaharap ko natatameme ako.
"Thank you." Wika nito nang ibigay ng waiter ang menu.
"Jovanne!" Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi namin na tumawag ng pangalan ko. Pati si Raffie napabaling din ng tingin dito.
"Henry?" Wika ko ng nakilala ko sya,ngiting ngiti ito. Classmate ko sya pero hindi ito nag enroll nitong semester. Napakamot ito ng batok.
"Nag stop muna ako,walang pang allowance eh." Nahihiya nyang sabi,mukhang nabasa naman nito ang nasa isip ko.
"Sayang naman." Malungkot kong turan,sayang kasi last sem.na.
"Mag iipon muna ako,ayoko din sanang mag stop kaso wala talaga,ikamusta mo nalang ako sa tropa."
Biglang may tumikhim." Pwde na bang omorder?" Sabat ni Raffie na parang nag iba ang mood nito.
"Ay sorry po." Paumanhin naman ni Henry at humarap ulit kay Raffie. "Ano pong order nyo?" Sabay sulyap ng mokong sa akin at napangiwi. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti." Ate mo?" Tanong pa nya.
"Sira!" Napatawa kong sabi sabay iling.
"Ay Hindi siguro kasi hindi naman kayo magkamukha pero pareho kayong maganda." Ang daldal nito. Nang bumaling ako ako sa gawi ni Raffie seryoso lang ito hanggang binigay na nya ang order kay Henry.
Hala bat ang tahimik,napasulyap ako sakanya at napatingin din ito sa akin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya yumuko na ulit ako. Parang tanga lang wika ng isip ko.
"Hindi kana namamasyal sa shop." Basag nito sa katahimikan kaya napatingin ulit ako sa kanya.
Pinagbawalan kasi ako ng ate ko sabihin ko sana.
"Ahm. Busy kasi sa school kaya gabi na ako nakakauwi. Si ate din kasi panggabi ang work niya." Wala na akong dahilan para pumunta sa clinic. Sa isip ko nalang sinabi ang huli.
"Speaking of Jenny, oo nga pala sabi niya treat daw nya tayo sa first sweldo nya." Nakangiti na ulit siya hindi tulad kanina nang kausap ko si Henry seryoso ang mukha nito. Hindi ako sanay sa ganung awra niya. Sana nga kasali ako sa treat,para makita ko ulit sya.
Dumating na ang order namin kaya tahimik at magana na kaming kumain. Sobrang sarap ng pagkain lalo at siya ang kasalo ko. My gosh Hindi ko talaga mapigilang hindi kiligin. Naalala ko naman bigla si ate,sasabihin ko kaya na nagkita kami ni Raffie? Magagalit na naman yun! Pero bakit naman,hindi naman sinasadya itong pagkikita namin. Baka lalo lang magalit kung ilihim ko sa kanya. Baka maikwento ni Raffie kapag nagkita sila syempre best friend pa din siya ng ate ko. Hay naku bahala na nga...
Kumaway na lang ako kay Henry ng palabas na kami ng restaurant,busy na din kasi ito sa ibang customers. Ito ang pinaka the best na lunch sa buong bahay ko.
"So paano hindi na kita maihahatid sa school." What? Ihahatid talaga.JUICECOLORED. Balak pa talaga niya akong ihatid sa school. Nakatayo kami sa labas ng restaurant. "May nagtext kasi akong client naghihintay sa shop!"
Hala hindi na ako nakapagsalita,kilig overload.
"Or sama ka nalang sa shop."
Ha? Gusto pa niya akong makasama. Gumalaw galaw ang labi ko pero wala namang boses na lumalabas. Ano bang sasabihin ko."Ah ..eh may klase pa ako ng 1:30." Sa wakas nagkaboses din ako,naiwan kasi yata sa loob kanina yung dila ko.
Kung pwde nga lang umabsent sasama talaga ako hanggang sa bahay niya mamayang gabi para hindi na siya mawala sa paningin ko.
"Sabi ko nga." Natatawa nitong wika." Miss kana kasi ni potchie." Mahina nitong sabi,may binubulong pa siya pero hindi ko naman maintindihan.
"By the way! Pwde mo ba akong samahan next Saturday?"
Magdedate na naman ba kami. Date? Hindi naman ito date sinabay ka lang mag lunch noh! Wika ng mahadera kung utak.
"Sa binyag,dyan lang sa Manila cathedral."
Ah sa binyag pala. Assumera kasi ako masyado. Pero bakit ako? Bakit hindi si kuya Alvin ang isama nya. Bigla akong napangiti dahil ako ang gusto nyang kasama. Kaya lang may usapan na kasi kmi ni Mylene birthday kasi ng mommy nya.
"May lakad kasi ako sa Saturday eh." Nahihiya kong sabi,ayoko sanang tumanggi kaya lang-
"Na its okay! Baka sakali lang naman. So paano I have to go." Napatitig ito sa akin.
Napatango lang ako,ayoko pa sanang maghiwalay kami ngayon dahil hindi ko na naman alam kong kailan ko ulit sya makikita.
"Bye Raffie." Pabulong kong wika. Sabay nang pagkagulat ko nang biglang halikan nya ako sa pisngi pero sa gilid ng labi ko tumama ang labi niya dahil bahagya akong lumingon.
Halatang na bigla din ito pero agad ding nagbawi ng tingin."Bye Jovanne." Tumalikod na ito at humakbang palayo. Hala may mali ba? Parang bigla kasi itong umiwas.
Shonga muntik na kayong maghalikan no. Wika ng isip ko,sabay hawak sa gilid ng labi ko.
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)