Jovanne..
From Laguna to Nueva Ecija..
Mas mainam na yung ganito magliwaliw muna ako.. Nagcommute lang kami ni kuya Jerry patungo sa probinsya nila.. Dalawang beses din kami sumakay ng bus bago nakarating sa bayan ng San Leonardo. Pagkatapos ay sumakay pa kami ng jeep hanggang sa liblib nilang baryo. Malawak na bukirin ang aming natatanaw.Palubog na ang araw,hindi parin kami nakakarating sa aming destinasyon. Mukhang palapit na palapit na kami sa mt. Arayat pero sabi naman ni kuya Jerry parang malapit lang daw ang bundok dahil malaki iyon. Dalawang lalawigan ang nasasakupan.
"Para.'' Narinig kong turan ni kuya Jerry sa driver ng jeep at huminto ang sinasakyan namin. Nauna na akong bumaba kasunod ko ito. Nilibot ng paningin ko ang paligid.. May mangilan ngilan ding kabahayan.. Pero hindi ganun kalakahinan ang mga bahay dito.. Sakto lang at halatang matiwasay ang pamunuhay nila..
"Halika na Jovanne." Yakag nito sa akin papasok kami sa isang kalsada na hindi na sementado. May mga tricycle na nakahelera sa gilid ng waiting shed.. Patuloy lang kami sa paglalakad,hindi ba kami sasakay ng tricycle? Baka malapit na siguro ang bahay nila..Pumasok na kami sa isang nakabukas na palang gate. Mukhang napaghandaan naman na nila ang pagdating namin ni kuya Jerry. Patakbong sumalubong sa amin ang dalawang bata isang lalaki at isang babae. Kasunod nila ang isang babae na nasa 5'1 ang height. Yumakap sila kay kuya Jerry, nakamasid lang naman ako. Nagsasalita sila sa language nila hindi ko maintindihan.
"Siya nga pala iyong nabanggit ko sayo si Jovanne kasamahan ko sa bar. OJT sya doon." Paliwanag ni kuya Jerry. "Gusto daw mamasyal dito sa atin.. Jovanne asawa ko si Lea.." Pakilala nito.
"Hello ate Lea." Masayang bati ko rito sabay beso ko sa kanya.
"H-hi." Nahihiya naman nitong tugon." Sana mag enjoy ka dito sa lugar namin.."
"Pasensya ka na Jovanne, mahiyain tong ate Lea mo." Sabay akbay sa asawa.. Nagtawanan naman kami.." Sya nga pala mga anak namin. Si Althea panganay namin 12years old. Si Jerry Jr. 7years old.." Pakilala ni kuya Jerry sa dalawang anak. Kumaway naman ang mga ito sa akin. Dalagita na pala iyong panganay nila,mukha kasing Nene palang.
"Tara na pasok na tayo sa loob ng bahay at makapag hapunan na,tyak gutom na kayo at pagod sa beyahe." Aya ni ate Lea kaya tumungo na kami sa loob ng bahay nila.. Parang halos magka pareho lang yung itsura ng loob ng bahay namin sa kanila. Medyo mas malaki lang yung bahay Namin sa Manila.
Kahit konte lang ang kagamitan maayos naman. Yung sofa nila ay gawa sa kawayan pati ang mesa doon. May dalawang kwarto din.
"Nag ihaw kami ng bangus,tapos gumawa ako ng ensaladang mangga. Nagluto din ako ng gitaan na sitaw at kalabasa. Sana magustuhan mo." Wika ni ate Lea. Bigla tuloy ako nagutom sa pag banggit niya ng masasarap na ulam." Inayos ko na rin yung isang kwarto, dun ka matulog..pasensya na ha double deck kasi yun hindi ganun kaluwang yung kama." Sabi pa nito.
"Naku ate ayos lang noh! Ako nga dapat humingi ng pasensya kasi nakaabala ako sa inyo. Kung di lang malakas yung parating na bagyo mag stay pa rin talaga ako sa resort." Wika ko naman..
"Ano ka ba,hwag mo ngang isipin na abala ka.. Masaya nga kami kasi may panauhin kaming galing sa ibang lugar. Sana magustuhan mo dito kahit malayo sa kabihasnan."
Napangiti naman ako sa tinuran nito.. Abala naman si kuya Jerry sa pagbigay ng pasalubong sa dalawang anak. At nababakas sa mga bata ang labis na kasiyahan dahil makakasama nila ngayon ang kanilang padre de pamilya.
"Oh sya,halika Jovanne, hatid kita sa magiging kwarto mo. Kwarto nyo ni Althea. Pagkatapos mag bihis ka na at maghapunan na tayo." Napa sunod na ako kay ate Lea at tinungo namin ang isang kwarto.." Sa taas si Althea, dito ka nalang sa ilalim. Sige na maiwan na muna kita.." Lumabas na ito ng kwarto at sya na rin ang nagsara ng pinto.
Napaupo naman ako sa kama at binuksan ang dala kong bag. Konte lang ang dala kong gamit,kasya lang para sa tatlong araw. Nakita ko ang phone ko,in off ko pala ito kanina pagkatapos ng conversation namin ng ate ko.. Minabuti kong hwag munang magpa istorbo kahit tatlong araw lang. Gusto kong mag enjoy sa bakasyon ko.
Nagbihis na ako ng pambahay. Puting T-shirt lang at jogging pants ang sinuot ko. Mabilis lang iyon at lumabas na ako ng kwarto.
"Halika ka na dito Jovanne kain na tayo." Tawag ni kuya Jerry, kaya dumulog na kami sa hapag.. Tinungo ko muna ang lababo dito sa kusina at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay masaya na akong nakisalo ng hapunan sa pamilya ni kuya Jerry..
Sarap talaga ng pagkain,mapaparami talaga ako ng kain nito.
"Bibisita daw si mayor bukas dito sa baryo." Pagbubukas ni ate Lea nang paksa.
"Bakit naman daw?" Tugon ni kuya Jerry.
"May medical mission daw at magbibigay ng relief goods. Kung ano ano pa."
Napatango lang naman si kuya Jerry.
"Sumama ako sa mga volunteers. Sayang din,may bayad din kasi yun kahit volunteers lang kami." Sabi pa ni ate Lea.
Masaya yun ah! Gusto ko din ma experience..."Pwde bang sumama?" Napahinto naman ang mag asawa sa pagsubo sa sinabi ko at parehong napatingin sa akin.
"Oo naman Jovanne." Masayang wika ni ate Lea." Tiyak mag enjoy ka at marami kang makikilala dito sa baryo namin..Dalaga ka pa naman diba? Maraming nag gaguwapuhang binata dito.."
Nabulunan tuloy ako sa sinabi ni ate Lea,maagap naman si kuya Jerry na inabutan ako ng tubig.
"Ayos ka lang Jovanne?" Nag aalalang wika ni ate Lea.
Uminum naman ako agad ng tubig, at sabay tango na ayos lang ako.. Hindi naman love life ang hanap ko sa pagpunta ko dito,pero malay natin baka dito ang way para tuluyan ko nang makakimutan si- naipilig ko ang aking ulo.. Engaged na sya hindi na pwdeng umasa .
Pinagpatuloy nalang namin ang masarap na hapunan. Pati ang dalawang bata ay magana ring kumain,hindi tulad ng ibang kabataan ngayon hirap pakainin..
Pagkatapos ng hapunan nagkwentuhan lang kami saglit about sa trabaho sa bar. Pagod din kasi kami sa beyahe kaya nagpasyahan na naming magpahinga.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakahiga sa kama pero ayaw parin akong dalawin ng antok.. Kahit pagod ako sa beyahe hindi naman ako makatulog. Yung kasama ko sa kwarto na anak ni kuya Jerry kanina pa tulog.. Naririnig ko na ang tilaok ng manok hayy..madaling araw na yata.. Pikit mulat ang ginawa ko.. Nagkaka eyebags na ako nito.
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)