Chapter 10 The Kissed

2.6K 94 0
                                    

Raffie..

    Nakatulala parin ako,habang nakatayo si Jovanne sa aking harapan suot ang aking bath robe. Hanggang taas ng tuhod nito. Biglang pumasok sa isip ko,kung may suot ba itong panloob or yung robe lang ang tumatakip sa kanyang katawan. Naipilig ko ang aking ulo,nagiging pervert na tuloy ako. No!hindi dapat ako magpahalata,hindi nya pwedeng mabasa ang isip ko sa sandaling ito,kaya iniba ko ang ekspresyon ng aking mukha.

    "Next time lagi kang magdadala ng payong." Kunyaring seryoso kong wika,pero naiinis naman talaga ako sa kanya." I hate you!" Hindi ko alam bakit lumabas sa bibig ko ang mga katagang iyon. Pero huli na,nasabi ko na eh!

    Nakita Kong napakagat labi ito. "I'm sorry." Sabi niya. Babawiin ko ba ang sinabi ko?

    "Okay apology accepted." Sabi ko nalang pinipigil kong hwag ngumiti sa  kanya.

   "Ah- pwde na ba akong umupo?" Nahihiya parin nitong wika. Oo nga pala kanina pa pala ito naka tayo sa harap ko mula ng galing pa ito sa bathroom. Senenyas kung umupo ito sa tabi ko at agad naman itong tumalima. Heto na naman sobrang lapit namin sa isa't isa,kaya ako naman ang biglang napatayo. Iwas pa more.

    "Gusto mo ng coffee para mainitan ka?" Alok ko.pinipilit kong hwag ipakita na natataranta ako,sumandal ako sa may table ko at napahakukipkip.

    "Pwede ba yung iniinum mo nalang?" Pabulong nitong wika. Ano daw? Anong iniinum? Nasundan ko nalang sya ng tingin ng bigla itong tumayo,dumaan sa harap ko at tinungo ang mini fridge ko sa may sulok. Saka ko lang na realize ang ibig nitong sabihin kanina. Bakit ang slow ko ngayon. Kumuha ito ng dalawang can beer pagtapos lumapit ito sa akin .

    "Heto oh.mukhang ubos mo na kasi iyong dalawa na nakapatong sa round table." Wika nito,aba magaling magaling! So mag iinuman kaming dalawa. Hawak ko na ang incan beer sya naman ay bumalik sa pag kakaupo. Binuksan nito ang hawak na beer at agad na tinungga. Pinanood ko lang ito "Cheers!" Sabi pa nito sabay kampay.

    Napailing na lang ako,pero masaya ako dahil kasama ko sya ngayon. Nawala ang bad mood ko kanina dahil  sa pagtatalo namin ni Alvin. Napabuntong hininga  na lang ako,napaka immature kasi. Tapos bigla bigla may naalala na naman ako. Ewan ko na kapag naalala ko ang dalawang taong malapit kay Jovanne kumukulo ang dugo ko. Nag init tuloy ang ulo ko..

    "Seryoso ba talaga sayo yung manliligaw mo?" Ewan ko na kung saan galing ang mga lumalabas sa bibig ko. Naiinis lang kasi ako,kung sincere yung lalaking iyon bakit hindi man lang nya maihatid si Jovanne at hindi sana nabasa ng ulan. Naitungga ko tuloy ang laman ng hawak Kong beer. Nang tumingin ako sa kanya natamang nakatitig lang ito sa akin..

    "Kasi naman kung seryoso sya sayo,hindi ka nya hinayaang ganyan. Pinabayaan ka nyang mabasa ng ulan? Tsss!!" Lubos lubusin ko na ang sermon habang may lakas ng loob pa ako,dahil sa epekto ng iniinum ko.

   Napaawang ang kanyang mga labi,pero wala naman lumalabas na salita.

    "Ano ba namang klaseng manliligaw yan!" Binubulong bulong ko pa.

    Tinungga nya ang laman ng hawak nyang can beer at sinaid iyon,pero hindi parin ito kumikibo. Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon,asarin ko kaya ito lalo!.

   "Oh! May naalala pala ako. Yung sa may simbahan, iyong pinakilala mo sa akin. Girlfriend mo?" Taas kilay kong sabi. "May girlfriend ka na kamo,tapos nagpapaligaw ka pa." Napangisi ako.

     Nakatitig pa rin siya sa akin,umalis na ako sa pagkakasandal sa lamesa at napatayo ako ng tuwid. Naningkit na ang mga mata nito.

    "Balak mo bang mag two time?" Ako na ang walang preno ang bibig. Nung kanina naningkit ang mata nito,ngayon ay nanlaki bigla. Bigla nitong napiga ang hawak nyang can at unti unting nayupi iyon. Nakita ko rin ang pagtaas baba ng kanyang dibdib.

    "Binasted ko na si Henry at wala akong balak na sagutin sya." Mahina lang ang pagkakasabi nito,pero dinig na dinig ko iyon. Imbes na matuwa ako sa aking malaman,parang lalong sumukip ang dibdib ko na isiping may relasyon nga si Jovanne at ang babaeng- na imagine ko kong paano sila mag halikan.

    "Damn it Jovanne!!" Napasigaw kong wika. Yung mga labing gustong gusto kong matikman ay may nakahalik ng iba. Napatayo ito bigla, napakurap kurap ang kanyang mga mata.

     "Raffie!!" Usal nya sa pangalan ko. Ang sarap sa pandinig sa tuwing binibigkas nito ang pangalan ko. Tinitigan ko ang kanyang mga mata,nakatitig din ito sa akin. Bumaba ang tingin ko sa mapupulang labi nito na bahagyang naka awang. Hindi ko maiwasang mapakunok mukha kasing nang aakit. Parang may sariling isip ang mga paa ko at mabilis akong humakbang palapit sa kanya. Wala na akong inaksayang oras ng maglanding na ang labi ko sa labi nya. Shit!ang lambot. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinakop ng bibig ko ang buong labi nya. Bahala na,ayoko ng mag isip sa mga sandaling ito."Uhmmpp." Narinig kong ungol nito, pero hindi naman ito nag protesta. Ngunit hindi naman gumagalaw ang mga labi niya.

    Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi baka kasi umatras pa kahit wala naman itong aatrasan dahil may sofa na nakaharang.. Naramdaman ko nalang ang marahang paggalaw ng kanyang mga labi. Hindi ko mapigilang mapa ungol lalo na ng naramdaman kong yumakap ang kanyang mga braso sa aking baywang para lalong nagdikit ang aming katawan. Kusang gumalaw ang kanang kamay ko at kinabig ko ang batok nya para lalong paglalimin ang halikan naming dalawa. Nang ipasok ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig kusang umawang ang kanyang mga labi at agad kong ginalugad ang loob niyon. Hanggang nagtagpo ang aming dila at parehong ayaw magpatalo sa laban.

    Sobrang nag iinit na ang aking pakiramdam sa Sandaling iyon. Kaya lang, kailangan naming sumagap ng hangin kahit ayoko sana,pinutol ko muna ang halikan naming dalawa. Hiningal kami pareho habang pinagdikit ko ang aming noo. Kapwa kami napapikit ng naramdaman kong unti unting pagkalas ng mga braso ni Jovanne sa akin. Dahilan para mapamulat ako ng mata at nagkatitigan kami,tila nagtatanong ang kanyang mga mata. Dun ako biglang natauhan sa aking ginawa. May boyfriend pala ako at si Jovanne may  nag mamay-ari na rin sa kanya..

     "Raffie." Bigkas nito sa pangalan ko. Kinabig ko ito at niyakap ng mahigpit. Pero hindi ito tumugon sa yakap ko kaya dahan dahan ko ring kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya. Sabay halik ko sa kanyang noo. Narinig ko ang pag singhap nito,gusto ko yung ganito kami kalapit sa isa't isa. Kaya lang masyadong komplikado ang sitwasyon. Hindi parin ako sigurado sa kong anong nararamdaman ko sa kanya.

    "I'm sorry Jovanne." Bigkas ko. Hindi ako humihingi ng sorry para sa paghalik ko sa kanya,kundi dahil nasigawan ko sya kanina. Hindi naman ito kumikibo,kaya iginiya ko na sya para maupo kami sa sofa.

     Nang maka upo kami, tinitigan nya ako at biglang napangiti.."Raffie!" Ewan ko kong anong ibig sabihin ng ngiti nyang iyon. Anong meron sa pagkabanggit nya sa pangalan ko. Napaigtad pa ako ng biglang yumakap at siniksik ang mukha nya sa leeg ko.

    Shit!! Ang init ng hininga nitong tumatama sa balat ko. Please Jovanne hwag kang ganyan baka hindi lang halik ang magawa ko sayo.

    "Nahilo ako sa beer." Wika nito. Seriously? Bakit parang hindi man lang sya apektado sa pinagsaluhan naming halik kanina lang. Yumakap na rin ako at marahang hinahaplos ang kanyang likod. Tumila na rin ang ulan.

     "Giniginaw ka ba?" Tanong ko? Pinilit kong ma distract ang aking sarili,hindi ito tumugon." Gusto mo bang ihatid na kita?" Doon naman sya biglang nalabalikwas at inalis ang pagkakayakap sa akin,nanghinayang tuloy ako.

    "A-anong oras na ba?" Wika nito sabay tingin sa wallclock. Pasado alas otso na pala ng gabi. "May paper ka ba dyan?" Tila nahihiya pa nitong sabi. Para saan naman ang paper bag?."Yung mga damit ko kasi,paglalagyan ko sana. At itong robe mo labhan ko muna bago ko isoli sayo." Pinagmasdan ko lang sya tila na iilang at umiiwas itong tumingin sa akin. Tumayo na ako at naghanap ng mapaglalagyan ng gamit nya.

     "Here!" Abot ko sa kanya ng red paper bag naglagyan iyon ng shoes na binigay ng isang client ko kanina. Pagkakuha nitoy dumiritso na sa kwarto ko. Para ayusin ang mga gamit nya.

    Hinintay ko nalang sya, nag ayos na rin ako ng sarili ko at para maihatid ko na sya sa bahay nila..

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon