Raffie..
For the third time,parang nag slow motion na naman ang paglapit sa akin ni Jovanne. Totoo ba ito o panaginip lang! Naipikit ko ang aking mga mata. Ang babaeng nagpapagulo ng isip ko nasa harapan ko ngayon..
Pagmulat ko ng aking mga mata,ang lapit na nito sa akin at nakaplaster parin ang ngiti sa kanyang mga labi. Pero wala na sa tainga nito ang cellphone.. Nakasando ito ng white at maong short shorts,naka tsinelas lang ito.
"May utang ka pa sa akin!" Napasimangot nitong wika. Namamangha naman ako sa babaeng ito lalong gumaganda.. Pero wait lang- utang?
Hindi na ako naka pag react ng lumapit ang mukha nya sa akin at sumayad ang malambot nyang labi sa labi ko. Naimulat ko tuloy ang aking mga mata,pero bago pa ako naka tugon tinapos na nya ang halik.
"Namiss kita." Usal nito. Heto na nman si heart. Hindi pa nga ako nakaka get over sa halik may I miss you pa.
Sinadya ba akong bitinin ng halik ang babaeng ito? Biglang parang ang saya saya ko ngayon na nakita ko sya. Dahil huli ko pang naramdaman ang ganitong pakiramdam nung huli kaming magkasama. At pagkatapos nun parang may kulang na sa aking pagkatao.
"Namiss din kita." Tugon ko,parang ang gaan sa pakiramdam ng nasabi ko sa kanya iyon. Pero teka lang anong ginagawa nya dito sa Laguna akala ko ba nasa Batangas sya.
"Ano palang ginagawa mo dito?" Sabay pa naming tanong,saka kami nagtawanan..
"Mauna ka na sumagot." Natatawa ko paring wika.
"Dito ako nagtatrabaho." Tugon nito na kinataas naman ng kilay ko.
"Sabi ng ate mo nasa Tagaytay ka."
"Nagpalipat ako dito,mas gusto ko dito eh! Mas nakakarelax at mas gusto ko sa bar ma assigned.." Paliwanag niya." Eh ikaw!! Hindi talaga ako makapaniwala na ikaw yan. Akala ko namamalikmata lang ako kanina. "Sabay titig nito sa mukha ko,napatitig din tuloy ako sa kanyang mga mata.. Nakasanayan ko na ngang titigan ang mga mata nito.
"Wow ang ganda." Namamangha nitong wika,pero hindi na pala ito sa akin nakatingin. Pagpihit ko sa aking likuran,Napa nganga narin ako sa sobrang pagkamangha sa aking nakita. Palabas na ang araw. Ang ganda!wika ko sa isip ko. Nakatayo kaming magkatabi habang pinapanood ang sunrise.
Kaya ako nandito ngayon para makapag isip sa isang taong gumugulo sa isip ko. Kaya lang ang taong iyon,heto at kasama ko ngayon. Nanatili kami ng ganung ayos ng ilang sandali, pinapanood ang unti unting pag angat ng araw at walang kumikibo sa aming dalawa..
"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko sayo kanina." Basag nito sa katahimikan,lumingon ako sa kanya pero Hindi naman ito nakatingin sa akin. Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Tungkol kay Alvin sa pagkakalabuan namin,tungkol sa ate nya na hindi ko maintindihan kung bakit naging possessive ang best friend ko. Pero mas pinili ko nalang na sarilinin ang mga yun,kahit naman ganun,kapatid parin nya yun. Ayoko namang siraan ang ate nya sa kanya.
"Gusto ko lang magrelax,nakakapagod din kasi magkaroon ng business minsan.nakaka stressed." Tugon ko nalang.
Doon lang sya napatingin sa akin at pumihit paharap.
"Tama ka,wala naman bagay na madali,lahat pinaghihirapan." Sabay buntong hininga nito. Base sa observation ko,kung titignan mas matured pa mag isip si Jovanne kesa sa ate nya..
"Tara coffee tayo." Hindi pa man ako tumutugon,hinawakan na nito ang kamay ko. Bakit ganito simpleng hawak lang kinikilig na ako,hindi na ako tumutol pa ng magkahawak kamay kaming naglakad at tinungo ang pinakamalapit na coffee shop. Medyo naiilang lang ako sa paligid may ilan kasing napapatingin sa amin,pero deadma na lang hindi naman nila kami kilala.
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)