Jovanne..
"Wait! Lakasan mo boses mo hindi ko masyadong naintindihan.."
Napangiwi ako,bakit kasi ako bumubulong..
"Raffie kasi- si ate hinahanap ka nya. Hindi ko alam kong anong nangyayari sa kanya,sobrang init nya at at nasa kwarto lang sya ang taas ng lagnat!" Lakas loob kong sabi sana maniwala sya.
"Uminum na ba sya ng gamot?" Tanong nito,parang sobrang nag aalala ang boses nito.
"Hindi ko alam,ayaw kasing magsalita sabi lang nya papuntahin daw kita dito sa bahay. Kaya heto nagpapanic na ako." Drama pa more!! Sana effective.
"Okay.. Papunta na ako ha! Hwag kang magpanic." Ewan ko sa tono ng pananalita niya sa akin ba sya nag aalala?." Hwag kang assuming! Kontra ni brain.
"Okay thank you!" Tugon ko nalang. Shit!! Tama ba iyong sinagot ko.
"Sige papunta na ako dyan ha! Bye Jovanne." .
"Okay!." Tugon ko ulit at naputol na ang tawag. Nakatulala na naman ako,nagulat tuloy ako ng may kumatok sa pinto ko.
"Natawagan mo na ba?" Ang lakas ng boses ng ate ko.
"Oo ate! Papunta na sya.."
"Okay good! Mag ayos ka na dyan,ito namang si Alvin ang tagal bumalik." Nagsasalita pa rin si ate sa labas parang natataranta. Ako mag aayos? Bakit pa,hindi naman ako kasali sa pakulo nilang iyon. Maktol ko! Sabay subsob ko sa unan. Pero kailangan ko nang lumabas ng kwarto,mahirap nang masermonan.
Kaya kahit tamad na tamad ako bumangon sa higaan pinilit ko parin. Dinampot ang aking towel at tuluyang lumabas ng kwarto.
Napalingon ako kay ate nakasalampak lang sa sofa,tumingin din ito sa akin sabay kunot noo.
"Anong nangyari sa mga mata mo?" Takang tanong nito.
"Nabitin sa tulog ate." Dahilan ko nalang." Maliligo lang ako." Paalam ko sakanya at napatango lang ito dahil nag focus na sa hawak na cellphone. Nagshower na lang ako para medyo gumaan naman ang aking pakiramdam. Sa totoo lang ang sakit parin ng nararamdaman ko,pero susubukan ko nang kalimutan sya. Dahil pag aari na sya ng iba.
Halos tatlompong minuto din akong nagbabad sa shower ng mapagpasyahan ko nang lumabas ng banyo. Nagtapis ng tuwalya wala pala akong nadalang pamalit. Nawala na sa isip ko.
Tahimik ang paligid paglabas ko. Saan na kaya si ate.? Tumutulo pa ang basa Kong buhok. Nagulat pa ako ng may mag doorbell, sino naman kaya iyon? Nawala na sa loob ko ang itsura ko at agad na tinungo ang main door. Tumunog ulit! Ba yan atat naman. "Sandali lang!" Sabi ko naman,sabay bukas ng pintuan..
"JESUS." Usal ng taong nasa harapan ko ngayon at sinipat ang kabuuan ko. May hawak itong bouquet of flowers at bitbit na paper bag. Nakita kong napalunok ito. Problema nito! Kunot noo ko.
"Jovanne..." Banggit nya sa pangalan ko.
Doon ko lang napagtanto ang ayos namin. Kaharap ko sya at gosh! Nakatapis lang pala ako ng towel at ito lang ang tanging tumatakip sa aking katawan.
"God. Pano kung ibang tao ang pumunta dito sa bahay nyo at haharap ka na ganyan ang ayos mo!" Pagalit nitong sabi. "Basta basta ka nalang nagbubukas ng pintuan hindi mo tinitignan."
"A- I'm sorry." Napangiwi kung wika,at napa atras ako,kaya tuluyan na itong naka pasok sa loob ng bahay. Pinapanood ko lang ito habang sinisipa ang pintuan para sumara. Tsk! Oo pala ang dami nyang dala natulala na naman kasi ako.
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)