Chapter 4 Potchie

2.6K 111 2
                                    


Jovanne..

   Hindi na ako nakapag concentrate sa klase pagkatapos ng nangyari kanina. Gaga beso lang yun! Kontra ni brain. Eh totoo naman! Hala sya dapat kampihan nya ako.

Hanggang makauwi na ako ng bahay iyon parin ang sumisiksik sa isip ko. Parang naiwan parin ang labi nya sa gilid ng labi ko,ginabi na ako sa pagmumuni muni. Nadatnan ko si ate na nakakatapos lang maligo 10pm ang pasok nito ngayon.

"Hi ate." Bati ko at dumiritso ng kwarto para magpalit ng pambahay.

"Bilisan mo na dyan at sabay tayong kumain." Turan nito.
Paglabas ko ng kwarto,nakabihis na din ito at sabay na kaming dumulog sa hapag. Wow pork adobo! Wika ng isip ko. Marunong din naman akong magluto dahil sa kurso ko pero si ate natuto dahil Kay papa. Masarap kasi at magaling magluto si papa.

Napansin kong nanlalalim ang mata ng ate ko,dahil sa trabaho nito laging puyat.

"Ate ayos ka lang ba sa trabaho mo?" Wika ko.

"Masasanay din ang katawan ko." Tipid nitong tugon. Concern lang naman ako sa kanya.

"Ate..ahm! Nakita ko pala si ate Raffie sa school." Panimula ko, oo ate dahil ayoko namang bastusin ang ate ko kasing edad lang sila ni Raffie. At kailangan ko din sabihin ito sakanya,wag na pero yung kiss.
Napatingin naman ito sa akin.

"At nag treat nang lunch." Naalangan Kong wika. Sana hindi sya magalit. Narinig ko ang kanyang buntong hininga."May kinuha lang syang invitation, magnininang daw sya ng binyag.

"So tinanggap parin pala nya." Naiiling na sabi ni ate. Alam pala nya ang tungkol doon,sabagay best friend niya iyon eh.

"Friend pala niya yung isang professor sa school namin." Pagpapatuloy ko na parang hindi ko pinansin yung sinabi niya kanina.

"Ex boyfriend kamo."

Napahinto ako sa pagsubo sa sinabi niya,lalaki pala iyong nag invite sa kanya at ex pa nya. Kaya pala ako ang niyaya ni Raffie na sumama,kasi syempre ex tapos present. Pero dapat okay lang eh. Ang gulo! Naipilig ko ang aking ulo.

"Sabi ko kasi hwag na nyang tanggapin. Well sabagay be professional, past is past." Kibit balikat ni ate. Okay lang pala sa kanya na nagkita kami ni Raffie. "Medyo nagkatampuhan pa sila ni Alvin dahil doon. Pero okay naman na sila." Wika pa nito pero nasa kinakain naman ang tingin.

Tahimik na ulit kami habang pinagpatuloy ang aming hapunan. Ako na rin ang naghugas dahil baka malate na si ate sa work. Maiiwan na naman akong mag isa,laging bilin sa akin ni ate na maglock ng pintuan at bintana. Mahirap na at double check lahat bago matulog.

Mukhang seryosong naman si ate sa work niya at Hindi ko pa narinig mula sa kanya na magreklamo di tulad nang mga nauna nyang work. Siguro nga nahanap na ni ate ang fit sa kanya na trabaho.
-----------------------------------------------------------

   Natapos na naman ang buong araw,hirap talaga maging estudyante. Kung pwde nga lang hilahin ang oras at graduation na, konteng tiis na lang.

"Bye Jovanne. See you tomorrow." Masayang paalam ni Mylene. Nasa labas na kami ng university, kumpol kumpol ang mga estudyante kanya kanyang grupo ng kaibigan.

Magkaiba kami ng way na uuwian ng best friend ko.

"Okay bye besh!." Kwela kong tugon.

"Don't forget ha. Thursday na ngayon,Friday bukas at sa Saturday birthday na ni mother earth. Punta ka sa bahay doon ka na rin matutulog." At ngumiti ito ng makahulugan.

Nakabili na din ako ng gift at nakapag paalam narin ako Kay ate,pumayag naman ito basta behave lang daw ako.

"Yes no problem, punta nalang ako sa bahay niyo." Tugon ko. Kumaway na ito at naglakad palayo,naglakad na din ako patungo sa sakayan ng jeep.
Nakatayo ako sa shed kasabay ang iba pang estudyante na nag aabang ng masasakyan.

"Hi Jovanne." Kalabit ng katabi ko. Paglingon ko nakangiting mukha ni Henry ang nakita ko. Matangkad ito nasa 5'9 ang height.

"Hi." Tugon ko. "Wala kang work ngayon?"

"Opening ako. Kaya heto pauwi na." Masigla nitong wika. Hanga ako dito,nagtatrabaho para makaipon at makapag aral muli. Sarap siguro ng may trabaho.

"Sungit naman nang kasama mo last time."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Last time sino ba? Inalala ko kung sino ang tinutukoy nito. Si Raffie? Hindi kaya,sya nga ang pinakamabait na taong na kilala ko bukod sa ate ko..

"Mayaman iyon noh!" Pahabol pa nitong wika.

"Si Raffie best friend yun ng ate ko. Loko ka mabait yun."

Napatango naman ito tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. Hay tagal naman ng jeep!

Nabaling ang atensyon ko sa pinagkukumpulan ng ilang kabataan
"Wow ang cute cute mo naman." Wika pa ng isa. Napangiti naman ako ng may maalala. Ka mukha kasi ni potchie ang pinagkakaguluhan nilang aso. Kamukha nga kamukhang kamukha. Bigla akong natigilan, gosh si potchie ba yun?

"Potchie." Tawag ko at agad ko itong nilapitan.

"Heay Jovanne." Tawag naman ni Henry sa akin pero Hindi ko ito pinansin,nakatuon ang atensyon ko sa aso. Mukhang nakilala naman ako ni potchie ang bilis ng kaway ng buntot nito. May gosh potchie bakit ka nandito,agad ko itong kinarga at dinila dilaan ang mukha ko.
"Aso nyo po ate?" Wika ng isang batang lalaki.

"Hindi,aso ni DRA Raffie, yung may vet.clinic malapit dito." Tugon ko at hindi ko ma binitawan si potchie.

  
"Let's go potchie,thank you kids.
"Paalam sa mga bata at naglakad na ako patungo sa clinic.

"Teka Jovanne sama ako." Habol ni Henry, hinayaan ko nalang na sumunod ito. Bakit kaya nakalabas si potchie napansin na kaya nilang nawawala ito?

Tahimik lang kami habang nasa saan,buti nalang talaga at ako ang nakakita sakanya. Paano nalang kong may nagka interest na angkinin na. Mahal na mahal pa naman ito ni Raffie.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa clinic. Naulinigan ko agad ang boses ng babaeng araw araw ko yatang namimiss at gusto ko laging makita.

"Ano ba naman kayo!wala man lang ba nakapansin sa inyo kay potchie?"

Awtmatiko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko ng makita ko sya. Nakaharap sa kanya lahat ng kanyang tauhan tahimik na nakayuko ang mga ito. Galit ba ito? Sobrang kalmado parin ang boses.

Hindi lang yata crush itong nararamdaman ko,mahal ko na yata sya.

"Sorry po doc." Sabay sabay na wika ng mga tauhan nya. Hala umiiyak ba sya?

"Raffie." Hindi ko na napigilang pagtawag sa pangalan nya. Nakatayo ako sa pintuan ng clinic karga ko si potchie. Lahat sila ay napatingin sa gawi ko,pero kay Raffie lang naka focus ang aking mga mata. Dahan dahan na akong humakbang palapit sa kinaroroonan nya. Dahil sa hiya ng mga tauhan nito,lahat sila ay unti unting umalis at bumalik sa kani kanilang trabaho.

Lalo yata itong napaiyak ng makita ako at karga si potchie.

"God baby." Wika nito sabay karga Kay potchie at niyakap ito ng mahigpit. Sana ako din tawagin nyang baby. Ambisyosa! Kontra ni brainy.
Panay dila naman ni potchie sa mukha ni Raffie, parang ginawa ni potchie sa akin kanina..

"Jovanne." Bigla naman akong kinabig at niyakap. Lagi nalang akong ginugulat nitong Raffie na to. Sa kaliwa nyang braso karga parin nya si potchie. Gaganti ba ako sa yakap nya? Pero pagkakataon ko na ito, kaya yumakap na din ako sa kanya nang mahigpit dalawang braso ko pa. Parang magkasing tangkad lang yata kami.

Para kaming one big happy family. Seryoso Jovanne? Huwag ka munang komontra brain please hwag ngayon. Moment ko muna ito.

"Thank you Jovanne." Paanas nitong wika. Naramdaman ko nalang ang mainit at madiin na pagdampi ng malambot na labi ni Raffie sa kaliwa kong pisngi. Kaya hindi ko naiwasang mapapikit,ninanamnam ang Sandaling ito.

Lord pwde na akong matigok.

"Jovanne." Kapwa pa kami napakalas ng yakap ni Raffie at napatingin sa may pintuan. Oo nga pala nawala tuloy sa isip ko may kasama pala ako. Ang lakas makapanira ng moment ng mokong na ito. Henry sarap mong batukan. Humanda ka sa akin.

You're All I Need (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon