Raffie..
Nakapikit ako habang ninanamnam ng balat ko ang preskong hanging dagat. Nandito ako ngayon naka tayo sa terrace ng kinuha kong room ng isang hotel na tinutuluyan kong resort dito sa Laguna. Dito yung nagustuhan kong puntahan sa lahat ng ne research kong resort near Manila.
Halos kararating ko lang,ginabi na ako dahil nagsara pa ako ng clinic bago ako mag isang nag drive papunta dito..Gusto ko sanang pati mga tauhan ko mag off din kahit 2days lang kaso ayaw naman nila. Mapagkakatiwalaan ko naman ang mga yun,buti pa nga sila mapagkakatiwalaan. Eh iyong kaibigan ko I mean best friend ko,hindi ko alam kong magtitiwala pa ako sa kanya. Sabay buntong hininga! Hindi ko maintindihan ang sarili ko parang may iba akong pakiramdam.
Naalala ko na naman ang huli naming pag uusap. Yung pagpunta nya sa clinic.
-----FLASHBACK----
Nabigla talaga ako sa sinabi ni Jenny na nag OJT na pala si Jovanne, pero hindi ko iyon pinahalata. Natapos na kaming kumain at nakaupo parin kami sa sofa.
"Hindi ka ba nabobored?." Wika ko.
"Kaya nga nandito ako eh! Sige na pag usapan na natin si Alvin." Pangungulit nito. Umiiwas nga ako sa topic tungkol kay Alvin.
"Tungkol saan naman ang pag usapan natin sa kanya?" Tamad na tamad kong sabi.
"Raffie, gumising ka nga! Ang swerte swerte mo kay Alvin tapos ginaganito mo lang sya." Ginaganito? Ano bang ginawa ko..
"Tingnan mo nga araw araw kang sinusuyo,may pabulaklak pa siya! Saan ka pa makakahanap ng ganyang lalaki." Mas affected pa to sa sitwasyon namin ni Alvin ngayon. Kung maghihiwalay kami ni Alvin, magpapakamatay na ba sya?.
Hiwalay talaga!! Dati hindi ko naman naiisip ang bagay na yun. Napabuntong hininga tuloy ako. Paano ko ba ipapaliwanag dito sa best friend ko. Sabihin ko bang na e stressed ako kakaisip sa kapatid nya?
"Dumarating din naman talaga sa isang relasyon ang ganitong sitwasyon diba?" Tugon ko nalang.
"Pero yung aabot ng one week OA na yan Raffie ah." Ako pa talaga ang OA, wala sya sa sitwasyon ko ngayon. Oo sabihin na nating sya ang naiipit sa amin ni Alvin,sana naman maintindihan nya.
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)