Jovanne POV..."Jovanne andyan ka ba?" Wika ng boses sabay katok sa pintuan. Lunod na lunod na ako sa sandaling yun sa halik na pinagsasaluhan namin ni Raffie. Shit!! Sino ba itong storbo na to ayaw tumigil. Bigla nalang napatayo si Raffie mula sa ibabaw ko,grabe hindi ko namalayang napahiga na pala ako sa kama.. Hindi ako agad nakabangon dahil hinihingal ako ng husto."Jovanne? "Tawag ulit..
" Damn it!" Bulong ni Raffie pero dinig ko iyon,mukhang na badtrip ito.
Tuluyan na akong napabangon,saglit na inayos ang itsura ko at humakbang patungo sa pintuan..
Tumingin muna ako kay Raffie bago binuksan ang pintuan, napatingin din sya sa akin at nag senyas ako ng wait lang..hindi naman ito kumikibo. Kaya bahagya ko lang binuksan ang pinto yung sakto lang para masilip ko ang tao sa labas
"Kuya Jerry!" Sya pala ang istorbo,kasamahan namin sa bar
"Pinapasabi na ikaw daw ang nakatoka ngayon para magluto ng lunch." Sabi nito.
"Yes kuya,susunod na ako sa bar." Tugon ko nalang at umalis din ito kaagad. Muli kong sinara ang pintuan at humarap ako kay Raffie,bigla tuloy akong nahiya sa kanya. Tapos bigla nalang kaming nagtawanan. Parang mga sira.. "Sa amin ka mag lunch,hwag kang tatanggi dahil ako ang magluluto."
Napatango naman ito..
-----------------------------------------------------------
Napakagat labi ako sa kilig, kasama ko ngayon ang babaeng mahal ko. Oo mahal ko na sya,mula ng halikan nya ako.. I'm in love with her,kahit sa simula palang alam kong committed na sya,pero kahit ganun..ang puso ayaw parin paawat.
Nang nag start na akong mag OJT at napalayo ako sa kanya,tiniis kong hindi sya itext o tawagan. Kahit ilang beses Kong tinangka,naalangan ako. Kahit sobrang miss ko na sya.Nag focus nalang ako sa work ko,kahit nga kay ate nahiya akong makibalita.
Ngayon namang kung kailan napalayo ako lalo,hindi ko inaasahan ang pagkikita namin. Taghana ba ang nagkalapit sa aming dalawa? Nagkataon lang siguro, pero kahit ganun masayang masaya ako,kahit konting panahon lang magkasama ulit kami. Kahit pagkatapos ng bakasyon nya,hindi ko alam kung ano na namang mangyayari. Back to reality! Sa ngayon akin muna sya kahit ngayon lang maging selfish ako.
"Hmmnn..bango naman nyan!" Nakapikit pa nitong wika. Pagkatapos ng nangyari kanina sa cottage, muntik na talagang may mangyari. Gosh sigurado bumigay ako kung nagkataon. Nagpaalam ito kanina na bumalik muna sa room para makapagbihis,tinuro ko nalang ang direksyon papunta dito sa bar.
Heto at kasama ko na sya ulit ngayon,binabantayan ako habang nagluluto.hindi ko maiwasang kiligin. Special itong recipe ko dahil sa kanya,sana magustuhan nya. Syempre sa mga kasama ko na rin. Ipinakilala ko na rin sya sa mga kasamahan ko kanina,sinabi ko ang totoo na best friend sya ng ate ko at nagbakasyon lang sya dito. Nakaupo sya sa isang mono block chair,gusto sana nya akong tulungan pero todo tanggi naman ako.
"Gutom ka na ba?" Masigla kong tanong.
"Eih...oo nga eh,nakakagutom naman nyan." Sabay himas sa kanyang tyan. Aw! Cute naman nyang tignan.
"Malapit na to..."
After two hundred years..kainan na...
Masaya na kaming nagsalosalo sa masarap na lunch,kasama ang mga kwela kong katrabaho. Syempre nagustuhan nila ang sinigang na sugpo. Bukas ako daw ulit ang magluluto. Mga abuso sila. Pati si Raffie ay super nag enjoy,kita ko sa mga mata nito kung pano sya tumawa sa mga banat na jokes ng mga kasama ko. Kaya gusto ko dito masaya,sana kasama ko din si Mylene. Miss ko na din yung lokaret na yun.
Pagkatapos ng masayang tanghalian,mag reready na kami para mamaya. Masaya ako sa trabaho ko kahit trainee palang ako,sana totoong work na ito talagang pagbubutihan ko ng husto..
"Kita nalang tayo mamaya!. Wika ko kay Raffie, kahit gusto ko itong makasama ng tuloy tuloy baka isipin naman nyang nag te-take advantage ako. Puntahan nalang nya ako sa bar mamayang gabi. Kailangan din nya ng time mag isa.
"Ano namang gagawin mo?" Tanong nya na para dismayado. Gagawin!! natutulog siguro, pero mukhang Hindi ko na magagawa yun dahil 2hrs na lang magbubukas na ang bar. Ehh kasi pag isasama ko sya sa cottage, baka mamaya Hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko may magawa na naman ako. Kahit naman gustong gusto ko,kunyari pakipot muna ako.
"Pahinga siguro konte,tapos magpapraktis narin para mamaya." Tugon ko nalang,napatango tango naman ito at napangiti naman.
"Okay...balik muna ako sa room ko." Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ,pero benalewala ko lang yun. Alam kong may malalim itong dahilan bakit sya nandito ngayon mag isa. Ni hindi nya inaya ang magaling kong ate na wala namang trabaho ngayon. Ayoko namang mag tanong..
"Hatid na kita hanggang sa entrance ng hotel." Offer ko. Humakbang ito palapit sa akin at ipinatong ang dalawang braso sa balikat ko. Nagulat ako pero hindi ako nagpahalata,ang clingy naman.. Kiligmuch..
"Hindi na!" Wika nito. At nagulat ulit ako ng may malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Pero smack lang yun. Hi-hinalikan nya ba ako?.."See you later." Kumindat pa ito at humakbang na palayo..napatulala na naman ako,lumingon ulit at kumaway..
Tumalikod na rin ako at humakbang patungo sa cottage ko. Hayy!! Raffie!! Kailan kaya ako magkakaroon ng lakas ng loob para masabi ko sayo tong nararamdaman ko.. Ano ka ba! Acton speak's louder than voice. Oh si brain nabuhay na ulit at kakampi ko sya ngayon..
Pagkapasok ko ng cottage ay pabagsak ang katawan kong humiga sa kama. Magmumuni muni muna ako. Na bigla pa ako ng mag vibrate ang hawak kong cellphone at himala after 20 years ang ate ko nakaalala,namiss yata ako. Agad kong sinagot ang tawag nya.
"Hello ate what's up?" Wika ko. Sasabihin na ba nitong wala na naman syang work?
"Asan ka?" Bungad nito na iki nakunot ng noo ko. Ako unang nagtanong tapos sagot nya tanong din. Ang sama!di man lang nya ako kamustahin. Sweet talaga nya."Nasa work? Syempre." Tugon ko.
"Hwag kang pilosopo!" Pagtataray nito. Ha? Pilosopo ba yun. Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Nandito ako ngayon kela papa at sabi nya lumipat ka daw ng location, hindi mo man lang sinasabi sa akin." Aba himala!umuwi sya ng Batangas. Ehh sya nga itong hindi nagpaparamdam tapos ngayon galit pa sya.. At saka nagpaalam naman ako kay papa at Tita Jinky ah!
"Eh ate biglaan kasi, andito ako ngayon sa resort dito sa Laguna. Okay naman ako dito." Paliwanag ko,bigla namang natahimik ang kabilang linya..
"Sure ka ba okay ka lang dyan?" Biglang nag iba ang tono ng pananalita nito. Sasabihin ko ba na nandito si Raffie sa resort? Pero mukha kasing ayaw pa istorbo itong si Raffie nang kahit na sino. Nagkataon lang naman na nagkita kami dito.
"Ayos lang naman ako ate,mas nag eenjoy ako sa work ko dito." Tugon ko nalang.
"Okay..." Tipid nitong tugon. "Ah- Jovanne!" Sasabihin na ba nyang wala na syang work?. "Nagkaka usap ba kayo ni Raffie?" Ha..Hindi ko inaasahang itatanong nya ang bagay na yun sa akin kaya hindi ako kaagad nakasagot. Sila ang mag best friend bakit sa akin nya itatanong si Raffie. May problema ba sila?
"Hindi ate." Mas pinili ko nalang magsinungaling. Siguro may hindi pagkaka unawaan ang dalawa.
"Ah- okay." Patag malisya naman nitong tugon.."Ingat ka nalang dyan ha!we miss you. "Yun lang at in off na nito ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako. Yun lang naman talaga ang dahilan ng pag tawag nya. Napapaisip tuloy ako kong anong hindi pagkaka intindihan ang dalawa. Nagpasya nalang akong maligo at tutuloy na ako sa bar..
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)