Jovanne..
Sa probinsya maaga talagang gumigising ang mga tao. Maaga din akong nagising dahil sa namahay ang katawan ko..Pakiramdam ko nga gising ako magdamag. Buti at hindi naapektuhan ng bagyo dito,maaliwalas ang panahon. Wala namang pasok ang mga estudyante dahil sabado pero aga paring gumising ang mga anak ni kuya Jerry..
Pagtapos kung maligo,pinaghanda na ako ni ate Lea ng kape,ang babait talaga ng mag asawa na to.
"Heto yung T-shirt mo Jovanne, isuot mo to para sa volunteer." Sabay abot nito sa akin ng kulay pink na T-shirt at may mukha pa ng may edad ng lalaki ang naka print sa harapan.. Ito siguro yung mayor nila dito.
Agad ko naman iyong kinuha, 8am daw kami gagayak at tutungo sa barangay hall nila. Kumain na rin ako ng dalawang pirasong pandesal para magkalaman ang tyan ko,tyak daw na hanggang mag hapon kami doon pero may free lunch at meryenda naman.
Sinuot ko na yung binigay sa akin na T-shirt pinares ko iyon ng maong rip jeans at rubber shoes.
Nilakad lang namin patungo sa kanilang barangay hall at malapit lang naman iyon. Marami ng ding tao ng makarating kami,karamihan ay naka suot din ng tulad sa damit ko. May isang malawak na covered court,may mga volunteered dentist, doctors at iba pa .Nakatingin sila sa akin,dahil siguro bagong mukha.Pinakilala naman ako ni ate Lea bilang malayong kamag anak ni kuya Jerry para hindi na sila mag usisa pa. "Malago" narinig kong sabi ng isang kasamahan din namin..
Hindi ko kasi maintindihan yung language nila.
Maya Maya pa ay may dumating na kulay itim na van at may convoy na dalawang owner type jeep. Mga naka uniform ng police ang laman ng dalawang owner. Nagkumpulan na kaming mga volunteers.
Bumukas na ang pintuan ng van at lumabas mula doon ang matipunong lalaki medyo may edad na. Naka polo short lang ito ng kulay puti at maong pants. Nalakasimple lang nang ayos halata sa itsurang mabait ito.. Nakasandal nga lang.. May kasunod sa kanya na lumabas ng sasakyan isang dyosa.. Nakangiti din ito katulad ni mayor..
"Anak ni mayor. "Bulungan ng mga tao.
So,anak pala ni mayor ang dyosang ito..ang ganda! Nakadress ito ng hanggang taas ng tuhod at naka doll shoes lang. Naka pony tail ang buhok na kulay dark blonde.. Maganda talaga sya kahawig nito ni Barbie Imperial.
Binati din nya kaming mga volunteers katulad ng ama. Pagkatapos ay binuksan ang likod ng van doon pala nakalagay ang sanda mak mak na relief goods." Hi! Ikaw ang magiging partner ko today. What's your name?" Nagulat pa ako ng lumapit ito sa akin.. Ano daw? Partner? Hindi ako kaagad nakakibo..
"Jovanne,kinakausap ka ni ma'am." Bulong naman ni ate Lea sa akin. Doon ako biglang napakurap kurap ng mata."Sige maiwan na kita dito ha."
Nakaalis na si ate Lea sa tabi ko..
"I'm Jovanne.! Ikaw?.' Tinaasan ako ng kilay sa sinabi ko. Sorry naman daw hindi ko naman kasi talaga sya kilala..
" Hindi ka taga dito no?" Buti naman at nahulaan nya.."I'm Catherine Castillo.. "Pagpapakilala nito sabay lahad ng kanang kamay.
" Nice to meet you ma'am Catherine,." Wika ko naman. Ang lambot naman ng palad nya halatang laki sa marangyang pamumuhay. Binitawan na nito ang kamay ko.
"Ano ka ba Cathy nalang." Sabi nito at ngiting ngiti pa. "Let's go samahan na natin sila." Baling nito sa mga volunteers na abala na sa pagbibigay ng reliefs. Kumapit pa ito sa kaliwang braso ko.. Close agad?
..bahay nila kuya Jerry...
-----------------------------------------------------------Maaga palang ay gumayak na ako, may usapan kasi kami ni Cathy. Ililibot daw nya ako sa buong San Leonardo. Kung tutuusin kahapon lang kami nagkakilala at buong araw kaming magkasama. Parang kilalang kilala namin ang isa't isa sa dami ng napag kwentuhan namin. Napaka bait din at humble nito,nakisalo sya sa aming mga volunteers ng pangahalian. Walang arte sa katawan.
Mas matanda lang ako sa kanya ng isang taon,kaka début lang nito.. At political science ang kinukuha nitong kurso..Hirap naman nun! Nasa dugo na daw kasi nila ang pagiging politician. Balang araw sya ang papalit sa daddy nya na isang mayor ng bayang ito. Bibisitahin daw nya ako sa resort pag balik ko na ng Laguna.
Sinabi ko na rin ang totoo sa kanya na hindi ko talaga kamag anak si kuya Jerry, kasamahan ko lang ito sa trabaho. At gusto ko lang talaga mamasyal dito..
"Oh mukhang may date agad si Jovanne ah.." Kantyaw ni kuya Jerry paglabas ko ng kwarto at naka ayos na.. Pinaalam ko naman na kagabi pagdating namin galing sa volunteer na ipapasyal ako ni Cathy ngayon. Bahagyang nagulat pa nga ito halos di makapaniwala na close kami agad ng anak ni mayor..
"Kuya date talaga?" Angal ko naman." Ipapasyal lang ako ni Cathy. "
"Alam mo Jovanne, lakas talaga ng appeal mo no? Lalo na sa-"
"Tao po.."
Naputol tuloy ang sinasabi ni kuya Jerry ng dumating na si Cathy..
"Andyan na pala yung date mo." Bulong pa ni kuya Jerry. Loko talaga baka mamaya marinig ni Cathy.. "Pasok po kayo ma'am Catherine." Aya nito nakatayo si Cathy sa naka bukas na pinto..
"Hindi na po kuya,aalis na rin po kami mukhang bihis naman na si Jovanne." Tugon naman nito." Tara." Baling naman nito sa akin at tudo ngiti,napansin ko pa ang pagsipat nito sa aking kabuan. Napatango na lang ako..
"Sige ingat kayo.. Enjoy Jovanne." Wika ni kuya Jerry ngumiti pa ito ng makahulugan. Problema nun.!
Sabay na kaming naglakad ni Cathy patungo sa kanyang sasakyan na naka park sa labas ng gate.. Isang land cruiser na kulay gray. Astig naman ng sasakyan nya.
"Ang ganda naman ng sasakyan mo!" Di ko mapigilang hindi purihin. Gentlewoman naman nito pinagbuksan pa ako ng pinto. Sabagay ganun naman si- ayoko na syang isipin ..
"Hiniram ko lang ito sa Daddy ko,mas maganda kasi ito pang joyride dito,lalo sa ma liblib na lugar.. May ipapakita ako sayo tiyak na magugustuhan mo." Sabi nito. Sumakay na ako at umikot naman ito patungo sa driver seat.
Ganda ng driver ko ah.. Pinagmamasdan ko lang ito habang pinapaandar ang sasakyan.
"Nag breakfast kana ba?" Tanong nito..
Nag coffee lang kami kanina..maaga pa kasi para mag agahan hindi ako sanay..
"Hindi pa. Pero okay lang hindi pa naman ako gutom.." Tugon ko naman.
"Okay..brunch nalang tayo later." At pinasibad na nito ang sasakyan.. Masaya ako na nakilala ang isang Catherine Castillo gusto ko syang maging kaibigan..
BINABASA MO ANG
You're All I Need (GxG)
RomanceGxG po ito.. First time ko po magsulat sa Watt pad sana po magustuhan nyo. Mahiyain po kasi ako hehe. Ito ay mga kathang isip ko la mang po. Pasensya na po kong my Mali sa pagtatype or grammar. (SHORT STORY)