GAME10:

61 0 0
                                    

[LANCE'S POV]

andito kami ngayon sa condo ni joshua katabi ko si jaxine dito sa kama samantalang si carl mahimbing na natutulog sa isang kama. pinagmasdan ko si jaxine, mukha syang inosenteng anghel mapulang labi mahabang pilikmata matangos na ilong sa isang salita isa syang perfect one. ewan ko ba kung bakit kahit ganyan na ka perpekto si jaxine nagawa parin syang lokohin ng taong mahal niya.

Flashback...

isang linggo na di pumapasok si jaxine sa skwela. nagtataka na ako. pag tinatanong ko lahat sila nginingitian lang ako pero halata mo sa ngiti nila ang lungkot nila sa mata . nakita ko si yael na nakaupo sa quadrangle kaya agad ko syang nilapitan.

"Huy yael!! " nilingon naman niya ako ng may malungkot na expression pero ngumiti sya agad . haaayss ayan nanaman yung pekeng ngiti nila.

"May napapansin ka ba ? 1 week na walang padama si jaxine saatin" pagkatapos ko sabihin yun tumingin sya saakin at parang nanginginig mata niya. teka? iiyak ba sya?

"ah s-sige lance pasok na ako sa subject namin bye!" at tumakbo na sya paalis. haaayss ano ba meron ngayon?! ang weird ng mga kinikilos nila saakin! aisshh isa lang makakasagot lahat ng toh kundi si jaxine! tama! sya nga!

after ng class naisipan kong puntahan si jaxy sakanila .pag tapat ko agad sa gate nila nag doorbell ako at bumungad saakin ang mommy ni jaxy.

"Hello po tita ganda!!" may pagka masungit tong mommy niya pero pag ako kausap niyan ngumingiti saakin yan .

"A-anong g-ginagawa mo dito lance?"

"Gusto ko po makausap si jaxy tita!" yumuko sya at nagsimulang magsalita.

"N-nasa taas sya lance" iniwan na niya ako dito at pumasok sa loob kaya sumunod na din ako kay tita. pagpasok na pagpasok ko umakyat agad ako sa kwarto ni jaxy pero bago ako makapasok narinig kong may umiiyak sa loob ng kwarto niya.

"Wala naman akong ginawa ehh.... kung may kasalanan man ako sana sinabi mo diba? di yung nakipag hiwalay ka ng di ko alam ang dahilan.." nagulat ako sa narinig ko at nilapit ko lalo tenga ko sa pinto ng kwarto niya.

"Jaxy tama na ! mahal mo ko pero di kita mahal tumigil ka na! wag ka ng tanga!!!"' narinig kong boses parang galing sa telepono eh .

"ang sakiiiitt.... minahal kita ehhh... di ko na alam gagawin ko ehh.... akala ko pa naman minamahal mo din ako pero nag assume lang pala ako " habang nagsasalita si jaxy medyo tumatawa sya. nagulat nalang ako ng bumukas bigla ang pintuan at napadapa tuloy ako sa harap ni jaxine.

"l-lance a-anong.." di ko na pinatuloy si jaxine sa pagsasalita at tinulak ko sya papasok nang kwarto at nilock ko ang pinto niya.

"Ano lahat nang narinig ko?" naiinis ako ! kasi halata mong nagdudusa ngayon sya pero kinikim kim niya lahat sinasarili niya lahat.

"lance umalis ka nalang. wala kang malalaman saakin" humiga sya sa kama niya ng padapa at narinig kong humagulgul sya ng sobrang lakas . hinarap ko mukha niya saakin grabe magang maga mata niya at namumula din . niyakap ko sya at nilubog ko mukha niya sa dibdib ko .

"Sige iiyak mo lang bee! hanggang sa mapagod ka" lumakas na lalo ang hagulgul niya.

"Ang sakit bee eh! niloko niya ako ehh... minahal ko sya eh.. wala naman akong nagawang mali diba? ano bang kulang saakin ?" di ko nadin mapigilan ang patak ng luha ko. eh kasi ngayon ko lang talaga sya nakitang umiyak ng ganto. kasi lagi syang nakangiti eh.

isang buwan naging ganyan si jaxine lagi ko sya dinadalaw sakanila pagkauwe galing skwela. lagi ko syang kino-comfort, minsan dun na ako natutulog sakanila. sinasabi ko naman lagi sakanya ang mga leksyon namin sa skwelah kaso kung minamalas ka nga naman oh nakick out ako kaya ayun pinauwe ako nina mommy dito sa pilipinas 1 year din kami di nagkita ni jaxy at di nadin kami nakakapagusap. buti nalang nakita ko sya na gumagala sa nbs nung nakita ko sya grabe ngiti ko kasi di na sya tulad nung dati na laging umiiyak nung nakita ko sya sa nbs naka taas kilay niya kaya tuwang tuwa ako kasi alam kong move on na sya.

End of flashback...

Natauhan ako nung magsalita si jaxine.

"lance . nagugutom na ako. " nginitian ko sya kasi natutuwa ako dahil wala ng halong lungkot sa mga mata niya.

"Huy! ano nginingiti ngiti mo?!" pagmamataray naman saakin ni jaxine.

"Ah wala! tara kain tayo mang inasal para unli rice" tumango naman sya saakin. nag handa na kaming dalawa sa pagalis .

"Teka paano si carl?! di natin sya pwedeng iwan baka may mangyari sakanya eh" ginising namin si carl at naghanda nadin sya.

nandito na kamu sa mang inasal . oo nga pala naalala ko tungkol dun sa presinto gusto ko malaman kung ano pinagusapan nila nung lalaking sinasabing nagtangkang pasukin ang condo ni joshua.

"oo nga pala jaxy! ano nangyare kagabi doon sa presinto ano napagusapan niyo?" namilog mata niya sa sinabi ko. may nangyare ba dun na mali? maya maya ngumiti sya saamin.

"hahahaha! wala yun. di naman daw talaga tayo yung papasukin niya eh kundi yung katabing kwarto natin" sabi ni jaxine habang tuloy sa pagnguya ng pagkain.

"ahh buti naman" sabat ni carl.

"Siguro nagkamali lang ng sumbonf yung mga tao sa condo noh?" tumango naman si jaxine sa sinabi ko.

My Bratinella princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon