GAME15:

55 0 0
                                    

[JAXINE'S POV]

Nagising ako ng maaga para di ako malate ewan ko ba parang ang saya ng pakiramdam ko siguro dahil sa iniisip kong naka move on na ako kay yael? or? ay ewan basta yun na yun! mamaya pag uwi ko galing skwela dadalawin ko si zael nilalagnat daw kasi aissh di parin talaga nawawala pagiging sakitin niya. naligo na ako at nagbihis bumaba na ako sa kusina aisshh wala man lang nag luto TT.TT lahat pa sila tulog eh di naman ako marunong magluto eh . kumuha nalang ako ng cereal at gatas para yun nalang pang almusal ko then naghanda na ako onting retouch then bwelah! paglabas ko ng pinto binuksan ko na yun gate at nagulat ako sa nakita ko.

"GoodMorning baby!!!!!" tinakpan ko agad bunganga niya anglakas kasi kung sumigaw eh mamaya magising pa sina kuya at makita kami diba? edi dead ball ako dun TT.TT

"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya pero imbis na sagutin niya tanong ko niyakap niya ako.

"Namiss kita eh... atsaka naisipan kong sunduin ka baka kasi ano pa mangyare sayo" tinulak ko naman sya para umalis sya sa pagkakaakap saakin , maglalakad na sana ako paalis kaso hinila nanaman niya ako papasok sa sasakyan niya. kahapon pa sya hila ng hila eh baka maalis buto ko nito eh TT.TT

"Yah! ayoko dito! kaya ko maglakad!" bubuksan ko na sana yung pinto ng sasakyan niya para makalabas kaso hinigitan niya kamay ko at nagulat ako sa ginawa niya , hinalikan niya ako sa labi ko at natulala ako tapos sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan niya nung makabalik ako sa sarili hinampas hampas ko braso niya.

"Teka nga! uminahon ka huy! mamaya mo na ako bugbugin! mabunggo pa tayo sige ka ! " dahil sa sinabi niya sinamaan ko nalang sya ng tingin at di na ako umimik hanggang sa makadating kama sa skwela at lumabas na ako ng sasakyan niya pero di ko parin sya iniimikan . hinila niya braso ko kaya napaharap ako sakanya.

"Salamat ah dahil sinundo kita" sarcastic na sabi niya at sya naman tong nag walk out na parang nagtampo. ha! ano akala niya magpapasalamat ako?! never noh ! kahit kailan di ko sya papansinin bahala sya magtampo jan!!

"Jeydon-yah!" ay punyemas! jinjja?! sinigaw ko yun?! aiiish!! sabing di ko papansinin eh! lumapit sya saakin ng nakangiti.

"Bakit baby ?" aish? ano ba sasabihin ko? ha ! alam ko na!

"Salamat pala ah sige pasok na ako bbye!" aalis na sana ako kaso hinawakan niya kamay ko.

"Hatid na kita baby!" at naglakad kami papuntang room ko ng mag ka holding hands nyemas parang kinikilig ako huehuehue! hanggang sa makarating na kami sa room at hinatid pa niya talaga ako sa loob saka lang kami nag ka bitaw nung nakaupo na ako sa upuan ko at hinalikan niya noo ko.

"Sabay mag meryenda ah!" atsaka na sya tuluyang umalis. waaaaahh!!! hindi pwede toooooohhh!!!!! di ako pwedeeeeennggg!!!! maiiiiinnlllloooovveeeee!!!!!!!

[No One's pov]

Pagkakitang pagkakita niya kina jeydon at jaxine na mag kahawak ang kamay napangiti sya na para bang nanalo sa lotto nakaramdam sya ng sobrang selos sa dalawa.

"Hmp. pinagpalit mo ko sa mukhang palaka? pwes! ngayong nagbalik ako, sisiguraduhin ko na papahirapan ko kayo. jaxine twyla lopez ? fuck you!" bulong niya sa sarili bago niya itapon ang yosi niya at saka na pinaharurut ang sasakyan .

My Bratinella princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon