GAME31:

49 0 0
                                    

[JEYDON'S POV]

1Week ng nakakalipas since ng mangyare ang lahat di ko na nakikita si jaxine pag magkikita kami dadaanan lang niya ako na parang hangin lang ako ganun din kay yael. di rin niya pinapansin. haaayss..

Habang nag lalakad ako dito sa hallway nakit ko si jaxine na nakaupo kaya tinabihan ko sya agad , tatayo sana sya kaso hinila ko kamay niya.

"Bakit ba di mo na kami pinapansinni yael?" tumingin lang sya saglit at iniwas na ulit niya mata niya saakin.

"Para saan pa?" tipid niyang sagot. di ko parin binibitawan kamay niya para di sya makaalis.

"May problema ba?" this time tumingin na sya saakin pero halata mo sa mata niya na galit sya.

"Bakit di mo tanungin sarili mo kung ano problema?" tinabing niya ang kamay ko sa kamay niya at nagsimulang maglakad pero bago sya makaalis nagsalita ako.

"Pagkakamali ko lang yata ang napansin mo pero di mo alam nanjan ako sa tabi mo lagi para protektahan ka" dahil sa sinabi ko humarap sya na nangingilid ang mga luha sa mata.

"So sinusumbat mo saakin lahat ng ginawa mo?! yun ba kapalit nun?! ang gaguhin ako?! ang paglaruan ako?! so yun pala kaya mabuti ka saakin kasi may masamang kapalit yun? grabe ah!! salamat!!" tumakbo na sya paalis sa lugar na toh .

Naglalakad na ako papuntang canteen ng mahagip ng mata ko na yakap yakap ni yael si jaxine habang umiiyak ito.

Nakaramdam ako ng selos. oo di ko itatanggi na minahal ko na sya . sa dinami daming babae na nakasama ko sakanya lang ako nakaramdam ng ganto. Dahil sa nakita ko  parang nasira mood ko punyemas!

Naisipan kong mag bar . lumabas ako ng skwelahan at dumeretso ako sa pinakamalapit na bar.

After 1hour...

Nakaka isang case na ako ng beer .

"Hi! want to have some fun babe?" tinignan ko yung nagsalita, ang kapal ng make up grabe! pero sige ! dahil broken ako sasakyan ko nalang tong babaeng toh. tumango ako sakanya at hinila niya ako para sumayaw sa gitna . nagsasayaw sayaw kaming dalawa doon . kinuwelyuhan ako nitong babaeng toh at nakikita kong unti unti niyang nilalapit saakin mukha niya....

[JAXINE'S POV]

Nagpunta akong bar kahit di ako marunong uminom gusto ko lang mawala yung sakit na nararamdaman ko wala namang kwenta mag pagaan ng loob si yael eh yakap lang ginawa niya punyeta! nantsing pa yata sa ktawan ko =,=

Hindi ko namalayan nakakatatlong bote na ako ng beer hilong hilo na ako kyaaaahh!! yung paningin ko lumalabo..

maya maya may narinig akong nagsisigawan mga nagkukumpulang tao

'Kisss!!!!'

'Oh! Ikama na yan oh!'

Lumapit ako doon sa nagkukumpulan nung nakita ko yun parang uminit buong katawan ko at nawala ang lasing ko ! sinabunutan ko yung babae at syempre dahil naka heels sya tinadyakan ko tuhod niya para mapadapa sya , inawat kami ng mga guards saka lang ako bumitaw sa buhok niya. pag tayo niya lagpas lagpas lipstick niya, yung eyelinear niya puro bura , tapos yung buhok niya ako mo kinidlatan eh. dahil sa itsura niya punagtawanan sya ng mga tao lalo na yung mga guard. walang nagawa yung babae kundi umiyak at tumakbo . hinila ko si jeydon nakita ko sasakyan niya kaya doon kami pumasok pero sa likod kami umupo.

"Uyy... inaway niya yung babae... selos sya" sabi niya na halata mong lasing na lasing sya. talo ko pa pala toh !

"jaxine wag ka ng didikit kay yael nasasaktan toh oh" pagkatapos niya sabihin yun hinawakan niya kamay ko at nilagay niya sa dibdib niya.

"Ikaw mahal niya eh... /Sob/ " habang hawak parin niya kamay ko na nakahawak sa dibdib niya.  pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata niya.

"Jaxine sana /Sob/ parawarin mo ko /sob/ pangako , pinagsisihan ko yun " sinandal niya ulo niya sa balikat ko .

"Jeydon... sorry....Maiintindihan mo din kung bakit ko toh ginagawa" tinignan ko sya na mahimbing na natutulog at nilagay ko ulo niya sa binti ko, hanggang sa nakaiglip nadin ako.

[JEYDON'S POV]

Nagising ako ang sakit ng ulo ko aisssh hang over! tinignan ko yung paligid ko nakita kong nasa loob ako ng sasakyan ko.

"Jeydon... wag mo kong iwan...." nilingon ko yung nagsalita at nakita ko si jaxine na mahimbing na natutulog . andito sya kasama ko?! waaaahhhh!!! lasing ako diba?! may nagawa ba ako?! sana wala sana wala!!

"Jeydon ... Im sorry.... " nagsalita sya ulit habang nakapikit. idadampi ko sana labi ko sakanya ng magsalita sya ulit.

"Jeydon kalimutan mo nalang ako... maiintindihan mo din ang lahat" natigilan ako sa sinabi niya .

nagulat ako ng biglang may umakap mula sa likod ko at nilingon ko yun si jaxine pala gising na.

"Jeydon ! tama ba sabi mo kagabi ? mahal mo ko?" humarap ako sakanya at niyakap ko din sya.

"oo.. handa akong magbago para sayo basta ba mamahalin mo din ako eh" hinalikan ko noo niya at napangiti sya sa ginawa ko.

"Jeydon mahal din kita" sabi niya habang pinaglalaruan niya buhok ko.

Parang gusto kong tumalon sa narinig ko punyemas!!!

"Pero jeydon saka nalang tayo magmahalan pag naayos na problema ko " pagkatapos niya sabihin yun hinalikan ko sya sa pisngi

"Eh ano ba problema meron ka?" hinalikan lang din niya ako sa pisngi yung ngiti ko umabot hanggang langit! Lord kung panaginip man toh sana wag na ako magising sheeemssss nababakla yata ako =_=

"Sakin na yun" binelatan niya ako.

"Jaxine sapakin mo nga ako" nanlaki mata niya sa sinabi ko.

"Huh? baliw ka?"

"Panaginip ba toh lahat?" dahil sa sinabi ko kinurot niya magkabilang pisngi ko.

"Arayy... bitaw... aaww..." binitawan niya ako at hinalikan niya pisngi ko.

"Sorry masakit ba?" tumango sakanya habang naka nguso.

"Saan? amina."

"Eto oh! " nilapit ko sakanya nguso ko at kinurot niya iyon.

"ano? masakit pa?" sabi niya habang natatawa tawa.

nag harutan, tawanan, kwentuhan ang ginawa namin sa loob ng kotse ko hanggang sa naisipan na naming umuwi.

Nang matapat na kami sa gate ng condo nila .

"Bbye jeydon saranghamnida!" kumaway sya saakin palayo .

My Bratinella princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon