GAME36:

40 0 0
                                    

[JEYDON'S POV]

"S-sino ka?" nagulat ako sa pinakawalang salita ni jaxine saakin.

"Mommy! daddy!" bigla syang nagwala na parang ewan.

"Oh anak bakit?" tanong sakanya ng mommy niya pagkalapit na pagkalapit sakanya.

"Sino sila! " sabay turo saamin kasama si jake.

"Adik ka kahit kailan" Dahil sa sinabi ng mommy niya bigla silang natawang dalawa. baliw lang (o.O)?

"Naaah! im just kidding hahahha" sabi ni jaxine habang hawak ang tyan sa kakatawa.

biglang sinamaan ni jake ng tingin si jaxine yun bang akala mo kakainin sya ng buhay :3

"Aiisshhh.. akala ko kinalimutan mo na ako" bigla ko syang niyakap at ganun din ginawa niya saakin.

"Hahaha! kinalimutan? bakit? naaksidente ba ako?"

"Ngayong wala ka nang problema pwede na ba tayo magmahalan?" dahil sa sinabi ko bigla akong binatukan ni jake.

"Grabe ka! upakan kita eh!" bipolar talaga nitong bansot na toh!

"Toh naman! ang kj mong bansot ka!" binato naman niya ako ng bote na may laman na tubig TT.TT

"Huy sumosobra ka na ah!" panduduro ko sakanya .

"Mommy gutom na ako" sabat ni jaxine kaya napalingon kami lahat sakanya. di parin sya nagbabago isip bata padin sa kaka pout ng nguso aaissh ewan koba kung bakit minahal ko tong babaeng toh .

---

3days nang nakakalipas simula ng makalabas na si jaxine sa hospital masaya na kaming dalawa . akala mo nga para kaming magasawa eh . lagi niya akong dadalhan ng pagkain para lang di malipasan tapos ihahatid sundo ko sya. pero hindi pa kami hahaha malanding ugnayan palang .

Habang naglalakad ako sa hallway may naramdaman akong humampas sa batok ko untiunting dumilim paningin ko.

[JAXINE'S POV]

Haaayss.. 2hours ng nakakalipas wala padin si jeydon ano bayan :( nag cutting nanaman ba yun? kanina pa ako naghhantay dito sa canteen eh lalamig pa tong niluto kong ulam sakanya :(

Aalis na sana ako sa pwesto ko ng biglang mag ring cellphone ko nung tinignan ko yun tumatawag ang number ni jeydon? agad agad kong sinagot iyon.

[Hi jaxine... ] isang boses ng babae ang nagsalita sa kabilang linya parang nakaramdam ako ng kirot sa dibdib . nagseselos ba ako?

"S-sino po sila?"

[My gosh! di mo na maalala ang boses na toh? btw di na ako magpapaligoy ligoy pa kung gusto mong makitang buhay si jeydon pumunta ka sa condo niya. alam mo naman diba kung saan yun? pagpasok mo dun may isang aquarium doon , may laman doon na isang sobre at doon nakasulat kung nasaan ang mababait mong kaibigan hahahahaha] Tumawa sya ng pangdemonyo bago patayin ang tawag. agad kong sinunod ang sinabi niya.

My Bratinella princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon