GAME20:

56 0 0
                                    

[JAXINE'S POV]

ginising ako ng maaga ni ate margie . sinilip ko si oppa na nakahiga sa kama katabi si joshua at pareho silang tulog mantika. si zyrene di parin gising sa tabi ni lance samantalang si carl himbing ng tulog habang yakap yakap ang teddy bear at napansin ko wala si ate margie sa tabi ko kaya naligo na agad ako at nagbihis at bumaba na ako sa kusina amoy ko na agad ang bacon .

"Oh saeng kain ka na. naghahantay na baby mo sa labas" namilog agad ako sa sinabi ni ate margie at lumabas muna ako ng condo para silipin .

"Baby! tapos ka na ba? inagahan ko dito baka kasi di kita maabutan at hilong hilo na ako" matutumba sana si jeydon buti nalang nasalo ko sya pinasok ko sya sa loob at hiniga ko sya sa sofa.

"Ano nangyare sakanya?" pagaalalang tanong ni ate saakin. umiling nalang ako sakanya at sinbi ko na ako na bahala kaya dumeretso sya ulit sa kusina para ayusin ang lahat.

"Jeydon-yah! gising huy" tinapik tapik ko pisngi niya pero ayaw niya magising parang nakaramdam ako ng kaba .

"Jeydon namn eh" Araw parin niya magising kahit inuuga uga ko na sya.

"Baby? gising na oh! kinakabahan na ako" bulong ko sakanya at dumilat ako nagulat naman ako kaya napaupo ako sa lapag ang sakit ng pwetan ko.

"Awww..." tinignan ko aya habang hinihimas himas ko pwetan ko nakita ko mukha niya na sobrang ngiti.

"Baby yeheeey! tinawag mo kong baby" umalis sya sa sofa at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Oo na! ano ba kasi ginagawa mo? kinabahan tuloy ako!" hinampas ko sya sa braso niya kaya umalis sya sa pagkakaakap saakin.

"Di kasi ako kumain saamin inagahan ko dito kasi baka takasan mo nnaman ako" nag pout naman sya at kinamot ang batok niya.

"Tara buti maraming hinanda si unnie" hinila ko sya para maupo sa mesa at sinalinan ko ng kanina at bacon ang pinggan niya at nilagyan ko ng gatas ang baso niya inubos naman niya lahat ng binigay ko sakanya at halatang busog na busog sya.

[JEYDON'S POV]

Ang bait bait saakin ni jaxine. tuwing maiisip ko na pinaglalaruan ko sya nakakaramdam ako ng awa kasi iniisip ko kung anong mararamdaman niya pag niloloko ko lang sya? kakamuhian ba niya ako? o papatawarin pa niya ako? sana di pa dumating ang araw na kailangan ng malamn ni jaxine ang lahat kasi gusto ko pa sya makasama gusto ko pa syang makitang masaya. gusto ko pa sya mahawakan kagaya ng mga ginagawa ko sakanya ngayon .

"Jeydon tara na malalate na tayo" hinila na niya ako palabas ng condo nila at sumakay na kami ng sasakyan ko.

"Jeydon ! " kinlabit niya ako habang nagdridrive ako.

"Hmm??"

"Sabay tayo kain sa canteen ah! nag handa ako ng sandwich na may palamang mayo at bacon para saating dalawa sabay ka ha! wag kang papalipas ng gutom" hinarap ko sya at nakita ko na nakangiti sya saakin ng sobrang lapad , nagsimula nnmng mabaliw sa kakatibok yung puso ko aiissshh!! abnormao na talaga yata tong puso ko?.

"Oo baby!" dahil sa sinabi ko kinurot ni jaxine ang magkabila kong pisngi.

"Ang chuut chuut mo!" sabi niya habang tuloy sya sa pagpisil ng pisngi ko.

"Aray ko.... baby bitaw" dahil sa sinabi ko inalis ni jaxine ang pagkakakurot niya sa pisngi ko at sakto naman na nakarating kami sa campus.

"Tara na." inalis ko na ang seatbelt ko at luamabas ako ng kotse , pinagbuksan ko ng kotse si jaxine at tinanggal ko din seat belt niya. hinawakan ko naman kamay niya at nagsimula nanamang tumibok ang puso ko na oarang abnormal.

"Jeydon! sabay ka ha bbye~ sabay na ako kay lyka" bumitaw na si jaxine sa pagkakahawak ko sa kamay niya at tumakbo na sya habang kumakaway saakin palayo.

Shiiiitt!!! Ano ba tong nararamdaman ko?! di ako pwedeng mahulog sakanya!!! mali toh!!! magpakabato ka jeydon!!

--

VOTE AND COMMENT THANKS<3

My Bratinella princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon