VIANNIARA
I got home with swollen eyes. Buti na lang hindi ako nakita nila mommy because for sure pagtutulungan na naman nila ako ni ate.
Si Manang Elvie na lang ang nakita kong gising ng makauwi ako ng bahay.
Dumiretso ako sa kwarto para maligo. Kasabay ng pag-agos ng tubig sa aking katawan ay umaagos rin ang mga butil ng luha na nagpapakita kung gaano kasakit pagtaksilan ng taong minahal mo ng buong-buo.
Natapos akong maligo and i'm ready to go to bed ng nahagip ng mata ko ang regalo sakin ni Gavin. It is his gift for me in our Third year Anniversary. Isa yong hand-stitched scarf. Sabi niya, yung mommy niya daw ang nag-suggest na yon ang iregalo niya sakin dahil malimigin akong tao.
Nakasabit ang scarf na'yon sa tabi ng vannity table ko. Doon ako humarap sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko.
Tinitigan ko ang mga mata ko. My emerald eyes. Maraming nagsasabi sakin na maganda daw ang mga mata ko, kung baga agaw pansin. Nakuha ko'to kay mommy, parehas kami ng kulay ng mata kaya kahit naghihinala ako na baka ampon lang ako, ay hindi ko magawa dahil well, i have the same eyes as my mom.
Kung talagang agaw pansin ang mga mata ko? Bakit hindi nila nakikita na nasasaktan ako? Kung talagang humahanga sila sa mata ko bakit hindi nila napapansin na kahit tumatawa ako ay umiiyak ang mga mata ko.
Sabi nila 'Words can lie, but the eyes cannot' kung ganoon bakit ganto?
Kung talagang sa mata ko sila laging nakatingin bakit hindi nila makita na pagod na pagod na ang aking mga mata mula sa araw-araw na pag-iyak, mga matang kanilang hinahangaan.
Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at humiga na sa kama.
Sa wakas, makakapagpahinga na ang aking mga mata para sa araw na ito.
NAGISING AKO sa sunod sunod na pag tunog ng cellphone ko.
" Hello.." sabi ko na hindi man lang tinitignan kung sino ang caller.
" Vianniara Leigh Samonte?! Bakit hindi ka pa bumabangon? Lagot ka kay Cassy! Late ka na! Anong akala mo sa sarili mo? Kasing kupad ka ng pagong kung kumilos, gumising ka na!" tinignan ko ang caller at nakita ko na si Fanny pala yung tumatawag.
" Late?" nagtataka kong tanong. Then it hit me. Shit. May duty pala ako ngayon, tinignan ko ang oras at nakita ko na isang oras na lang bago ang duty ko at hindi ako pwedeng malate dahil may Operation ako ngayon.
" Bye na Fann, i love you, thankyou for waking me up!"
Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili. Pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Manang Elvie na nakangiti.
" Manang Elvie, pakihanda na po yung kotse ko please malelate na po ako." sabi ko na nagpapacute.
" Aba, hindi mo sinabi na may duty ka pala." nagmamadali na ring sabi niya habang pababa ng hagdan.
Pumunta ako sa kusina para sana kumuha ng kahit anong makakain man lang sa byahe, but i think it's a wrong move.
Nadatnan ko kasi sila mom, dad at ate na masayang masaya habang nag kwe-kwentuhan, natigil lang sila ng makita ako.
Ang kaninang masasaya nilang itsura ay naging matalas at galit na.
" Where are you going?" sabi ni Dad
" May duty po ako" sabi ko habang nakababa ang tingin.
" So, how's your date with Gavin last night?" sabi ni mommy na may nakakalokong ngiti.
