CHAPTER 14

31 2 0
                                        

VIANNIARA

Napipilitan akong ngumiti kay Gavin. Tinitigan niya lang ako ng may pag-aalinlangan, at 'yon ang masakit.

"Uhm... Dito na lang kayo mag-lunch, magluluto ako." pinasadahan 'ko sila ng tingin.

Hindi pa rin nagbabago ang itsura ng mga kaibigan ko. Pare-pareho pa rin silang seryoso at nagtataka kaya naman nginitian ko na lamang sila at isinenyas ang hapag.

Binalik 'ko ang paningin 'ko kay Gavin na noon ay nangangapa parin ng sasabihin.

Ngumiti ako sa kaniya, "Wala ka bang ibang appointments ngayong araw?" bumuntong-hininga ako, "Kung wala ay dito ka na lang mananghalian." malambing man ngunit pigil ang emosyon 'kong sabi.

Ayon na naman 'yong nakaliliyong pakiramdam na para 'kang sinasakal sa pag pipigil ng damdamin. Hindi 'ko alam kung paano 'ko mailalabas dahil unang-una, nandito ang mga kaibigan 'ko at ayaw 'kong makita nila 'yon.

Tuloy ay naalala 'ko rin na dahil nandito sila ay maaari silang makahalata sa sitwasyon 'ko, lalo na si Cassandra. Dahil bukod sa akin, isa rin siyang doktor. Hindi man ito ang specialty niya alam 'kong makahahalata rin siya kung hindi ako mag-iingat.

"Wala naman. I really wanted to bond with you today, babe," sagot niya bago lumapit sa akin at hinalikan ako sa sentido. Awtomatiko ko namang iniwas ang tingin 'ko dahil sa kahihiyan.

Nakita 'ko ang sarkastikong ngisi ni Fanny na may kasama pang pag-iling na sinundan pa ng pag-irap ni Cassandra. Tuloy, ay uminit ng husto ang pisngi 'ko.

"Kung gusto mo'ng makipag-bonding sa bestfriend namin, humanap 'ka ng ibang araw. Huwag ngayon," sarkastiko na sabi ni Fanny habang naglalakad palapit sa high chair ng kitchen counter.

"Pa-epal ka, e," dugtong pa niya at kumuha ng mansanas sa ibabaw ng lamesa at kinagatan 'yon.

Napamaang naman ako sa kaniya bago tumingin pabalik kay Gavin na noon ay nakamaang na suminghal.

"Ako pa talaga ang epal?" hindi makapaniwalang tanong niya, natawa naman kaagad ako.

"Bakit hindi ba?" segunda ni Cassy.

"I came here first!" protestang sabi ni Gavin kaya naman inakay 'ko na siya paupo sa high chair.

"As if we care," sabi ni Fanny habang ngumunguya ng mansana.

"Ha!" suminghal muli si Gavin bago malungkot na tumingin sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako saka tumawa-tawa. Wala na siyang magagawa dahil nandito na ang mga kaibigan 'ko.

"Just go home, Gav, sorry," sabi ni Aerie pagkatapos tumungga ng isang basong tubig.

"Yeah," pagsuko niya. Natawa ako nang marinig 'ko ang pag-ngisi ng mga kaibigan 'ko. "As if may magagawa pa ako."

"Aww...I'll just cook for us na lang. After lunch 'ka na lang umuwi, babe?" I suggest.

"Great idea," ngumiti siya sa akin kaya ginantihan 'ko rin ang ngiti niya.

Tumalikod ako para maghugas ng kamay. Doon, ay tuluyan nang nangilid ang aking luha. This is so frustrating, what frustrates me more is that I can't do anything.

Naririnig 'ko ang pang-aasar ni Ae kay Gavin pero wala sa mga 'yon ang pumapasok sa isip 'ko.

What if? Paano kung si Ate yung...

I avoided that thought. Sure, my sister hates me pero impossible naman siguro 'yon. Kapatid 'ko pa rin siya kahit papaano.

Pero paano nga?

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon