VIANNIARA
Nagising ako sa sunod-sunod na tunog galing sa aking cellphone. Unti-unti pa ang ginawa kong pagdilat dahil medyo masama ang pakiramdam ko, marahan kong idinikit ang likod ng aking palad sa aking leeg upang pakiramdaman ang aking temperatura. I shook my head, I have a fever.
Nanghihina kong inabot mula sa bed side table ng kama ang telepono at saglit na sinulyapan kung sino ang caller.
“Hmm?” mahina kong saad.
“Hey, how are you feeling?” tanong ni Jayden mula sa kabilang linya.
“Not good,” marahan kong sabi habang umuupo sa kama.
“Why?” alalang tanong ni Jayden.
“I kinda have a fever,” narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pinunasan ko ang mga namumuong butil ng pawis sa aking noo at kinuha ang baso ng tubig gamit ang aking nanginginig na kamay upang uminom.
“It’s your schedule for transfusion, let’s get you checked.” aniya kaya napatingin ako sa kalendaryo para tignan ang petsa.
“Ah, yeah.” Nasabi ko na lang.
“I’ll fetch you.” he seriously said.
“Sure, thanks.” I formally said while staring unconsciously at the window of my room.
Ilang sandali pang natahimik ang linya kaya napatingin pa ako doon upang alamin kung naputol na ba ang tawag ngunit hindi pa.
“Hello?” I said.
“Are you sure you’re okay?” worriedness is evident on his voice, I smiled as settled my eyes to the view outside my window.
The vibrant sunny morning…
“I’m trying to be…” wala sa sarili kong saad.
“Go and get changed. I’ll be there in a few.” He said sweetly with slight demanding hint on his voice.
“Sure, Doc.” pang-aasar ko sa kaniya.
“Ibaba mo na.” aniya.
“Why? Ayaw mo ba akong kausap?” bahagya akong napangisi dahil doon. Kahit kailan talaga ay ang sarap niyang asarin, asar talo kasi.
“Just hung up, Viann.” Asar niyang sagot kaya mas lumaki ang pagkangisi ko.
“Why are you making me hung up. Dati-rati ayaw mo pa pag binababaan kita ng call!” nagmamaktol ko kunwaring sabi kasabay ng pagpipigil ko ng tawa.
“Just end the call, Viann…” asar na talagang aniya.
“Bakit nga?” pangungulit ko pa.
“End the call, Viann.” inis na na sambit niya kaya mas lalo akong natawa.
“Bakit nga muna?”
“Kasi hindi ko alam kung… kaya pa ba kitang bitawan pag pinatagal mo pa ‘to.” Seryosong aniya kaya natigilan ako at hindi nakapagsalita.
Ilang sandali kaming parehong natahimik bago siya nagsalita, “Hung up now, Viann.” Seryoso niyang sabi.
“A-Ah… s-sorry, I’ll j-just w-wait for y-you h-here.” Utal-utal kong sabi bago nagigitlang binaba ang tawag.
Huminga ako ng malalim at wala sa sariling napahiga ulit sa kama. Saglit akong tumitig sa kisame habang magka-salubong ang aking kilay. Jayden…
Marahan akong lumingon sa aking kaliwa upang tignan doon ang aking cellphone. Dahan-dahan akong nagpalit ng pwesto at dumapa habang hawak-hawak ang telepono. Ilang ulit akong bumuntong hininga at saka mapait na ngumiti.
