CHAPTER 8

44 2 0
                                        

VIANNIARA

Tulala ako habang nakatitig sa kung saan. Hanggang ngayon hindi ko lubos na maisip na may sakit ako. Hindi ko maintindihan kung paano ako nagkaroon ng sakit. Hindi ko alam kung kailan ba'to nagsimula. Hindi ko alam kung bata pa lang ako ay mag sakit na ako. Hindi ko alam.

Wala akong maisip na dahilan para mag karoon ako ng sakit na ganito. Hindi ito simpleng sakit. Hindi ito isang sakit na makukuha sa operasyon. Dahil ang katawan ko mismo ang kalaban ko. Ang sarili kong dugo mismo ang kalaban ko.

Walang humpay ang pagtulo ng aking mga luha. Namumugto na ang mga mata ko dahil sa kaiiyak. Nakatulala lang ako at walang maririnig na salita sa aming dalawa ni Jayden.

" I think you should go home first Viann." bigla niyang sabi.

Tuloy ay bigla akong napaisip. May makikinig kaya sa akin sa bahay? May tao ba sa bahay na handang marinig yung laman ng isip ko?

Makikinig kaya sila mommy sa akin? Makikinig kaya sila sa mga hikbi ko? Are they going to comfort me? Handa ba sila n pakinggan yung mga 'what if's ko?

I guess they're not. Kailan ba sila nag alala sa akim?

Bumuntong hininga ako kasabay ng pag angat ko ng tingin kay JD. " I think i can't drive home, Jayden. I'm too pre-occupied." Hindi ako nagiinarte. Totoo yun. Hindi ko alam kung kaya ko pang mag drive pauwi. Masiyadong nanlalambot ang mga tuhod ko para mag drive. Masiyado akong lutang para makita ang mga saskyan sa kalsada.

Natatakot ako mabangga o makabangga ako sa kalsada. Sobrang bigat na ng problema ko at ayaw ko nang madagdagan pa.

Narinig ko rin siyang bumuntong hininga, saka kinuha ang kamay ko at hinalikan 'yon.

" Okay, i'll drive you home." sabi niya tsaka ako inakay papunta sa parking lot ng hospital.

Walang namutawing salita sa pagitan naming dalawa habang nag-dadrive siya. Lutang ako pero alam ko na nagmamasid din siya sa akin.

Huminto siya sa tapat ng gate namin. Nilingon niya ako at nilingon ko rin siya.

" What's your plan?" he said.

" I still don't know. But do me a favor Jayden, please." i said full of begging.

" What is it?" kunot noong tanong niya.

" Please keep quite. Wag mong sabihin to kahit kanino JD, please. Lalo na kila Cassy, please." sinabi ko yun ng walang hintuan.

" Alright, i will respect your decision. Just take your meds and don't stress yourself too much." never na talagang nawala yung ganiyang ugali niya.

" I will, thank you so much, JD" sabi ko habang nakatingin s mga mata niya.

Nginitian niya ko at bumaba na siya ng kotse niya upang pagbuksan ako ng pinto. Caring as ever.

" I'll update you kung kailan ang treatment mo okay?" he said after hugging me.

Tumango na lang ako. Nag paalam ako sa kaniya bago tuluyang makapasok ng bahay. Dahil lagpas 12 pm na ay dumiretso ako sa kusina. Nagulat ako ng makita ko sila mommy at daddy na kumakain. Kataka-takang wala si ate dahil dakilang buntot yun ng parents namin.

Tinitigan nila ako ng may mapanuyang tingin. Magbababa na sana ako ng tingin ng biglang pumasok si Manang, at nakangiti akong pinaupo sa upuan.

" Aba ang aga mo ngayon Viann, anak. Mabuti naman para magkasabay-sabay kayo ng mommy at daddy mo." nakangiti niyang sabi at pinaghainan ako.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon