VIANNIARA
I feel numb. Or whatever you call it.
Tiredness crept on me like wildfire. I don’t know how long I’ve been awake but my eyes are still closed due to fatigue. Maybe because of emotional and mental break down.
I just know that I don’t know. I have my consciousness but I don’t dare to move any of my fingers or feet. I just don’t have strength to do so.
While staying like that, I heard familiar voices. Their voice kind of aggressive, like they are some sort of argument.
I felt hot liquid trickling on my left hand together with a soft caress. Narinig ko ang marahang paghikbi ng tao na iyon kaya bahagya akong nagtaka. Gayun pa man, I did not frown or what. I still can’t make myself move.
“You shouldn’t have done that, Chesie! She’s our sister! At least have the decency to respect her!”
I heard from one of the familiar voices.
“Nangyari na, Kuya! Ano pang magagawa ko? I also feel guilty, so please!” I heard a sob from that another person.
I heard another series of shout from those people but my attention got caught by the touch on the back of my palms. I felt a slight tender flick, seems like someone just kiss it.
I slowly move my index finger, indicating my consciousness.
“Viann?” I heard that familiar manly voice called me out.
“She moved her finger. Please call the doctor!” that voice said panicky and… scared.
I moved my finger again. Then I tried to slowly fist my hands before finally opening my eyes.
Marahan ang naging pagmulat ko. Nasilaw pa ako sa liwanag na bumabalot sa buong silid kaya muli kong ipinikit ang mga mata ko. When my eyes adjusted on the light, mabilis kong hinanap ang tao na kanina ko pa naririnig.
I was stunned when I saw who it was. My Dad is standing beside me with his bloodshot eyes like he cried the whole night, dahil sa pamumula nito. Umawang ang labi ko dahil sa gulat. Ngunit mabilis ko iyong isinara at nag-iwas ng tingin.
I slowly roamed my eyes inside the room. I saw my whole family with their worried stares. But who am I kidding, right?
Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil muling nanaig ang galit ko. Nangilid ang mga luha ko nang maalala ko ang lahat ng ginawa nila sa akin. Ngunit mabilis ko ring pinigil iyon.
They wounded the best of me. And I don’t know if I could still rebuild myself after what they did. It’s unforgivable but at least not now.
Tumama ang mata ko sa pinaka gilid ng silid. Nakita ko si Manang na humihikbi habang nakatakip ang dalawang kamay sa kaniyang bibig.
Tinitigan ko siya bago ngumiti. Nakita ko pa kung paanong nagulat ang mukha niya at saka nagpunas ng luha.
“M-Manang…” I called.
Mabilis siyang lumapit at tumabi sa akin. Naramdaman ko ang pagkatuliro niya kaya kahit hirap, pinilit ko pa ring ngumiti.
Nang matitigan niya ako ay naging emosyonal siya at walang ano-ano’ng niyakap ako. Nangatal ang labi niya sa pagpipigil ng hikbi. I just smiled. Sa tingin ko ay wala ng luha pang mailalabas ang mga mata ko. Masyado na silang pagod.
“Kumusta ka na? May masakit ba sa’yo?” humihikbi pa ring ani Manang matapos niyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Mahina akong ngumiti sa kaniya. Magsasalita na sana ako nang maramdaman kong may humawak sa isa ko pang kamay.
Kahit hindi ko tignan ay alam kong si Daddy iyon. Mabilis kumalat ang galit na kanina ko pa pinipigilan. Parang biglang nagkaroon ng lakas ang mga kamay ko at marahas na inagaw iyon mula sa pagkakahawak niya nang hindi man lang lumilingon sa gawi niya.
