CHAPTER 19

19 3 0
                                    

VIANNIARA

"Have a seat," ulit ni Daddy.

I did not move. I just stand there, in front of them with sadness etched upon my face.

Muli ko silang tinignan isa-isa. Nanatili ang masama nilang tingin sa akin. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko.

Ayon na naman yung hindi maipaliwanag na pakiramdam. Masakit pero hindi ko alam kung saan. It is flat, maayos na hindi. That unkown feeling of emptiness crept in me for the thousandth time. And maybe, I'm getting used to it. Or no... I'm used to it.

Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko pero walang tumulong luha. Tila ba 'yon na lang ang kayang ilabas dahil sa paulit-ulit na sakit at pagod.

Tuloy ay hindi ko napigilang itanong sa aking sarili...Suko ka na ba?

Suko. Sumusuko ka na ba, Vianniara? Pagod ka na ba?

Gaano ko man ipilit na hindi masaktan. Na pagmukhaing ayos lang. Alam ko sa sarili kong, oo, pagod na nga ako.

Pinasadahan ko silang lahat ng tingin. Nagtataka at nagtatanong na tingin ang ibinigay ko sa kanila. At kahit walang nakuhang sagot, dismayado akong nag-iwas ng tingin sa kanila.

Huminga ako ng malalim bago tuluyang naupo sa aking silya. Agad naman akong hinainan ng mga kasambahay. 

"Do you have a girlfriend, Chaste? If yes, I should meet him!" masiglang ani Ate. Natawa naman ang lahat sa mesa maliban sa akin.

"I'm focused on my career. And hey..." pabiro pang pinitik ni Kuya ang noo ni Ate. Isang bagay na hilig niyang gawin noon pa man. "Why aren't you calling me Kuya?" nagtatampong sabi ni Kuya.

"Tsh, you're just a year older than me, c'mon!" si Ate.

Hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko. I don't have the strength to do so. I feel numb. Seeing how happy they are talking with each other while ignoring me is so painful. I just want to disappear from my seat.

Panay ang pagsisilbi ni Mommy kay Kuya habang patuloy sila sa pagtatawanan at kumustahan sa isa't isa. Pinagmamasdan ko lang sila ng walang kahit anong ekspresyon sa aking mukha.

Para akong kinakapos ng hininga. I feel shallow on my veins. It's like am starting to feel okay with their treatment because... I'm losing my care. Nawawalan na ako ng pake.

Sinubukan kong galawin ang kutsara ko ng marahan. Wala sa sarili kong hinalo ang soup na nasa harapan ko. Sa ganoong paraan ako nag-isip. Panay ang buntong hininga ko habang nag lalakbay sa kawalan ang aking mata.

Nang bumaling ako sa kaliwa ko ay nagtama ang paningin namin ni Daddy. Seryoso niya akong tinignan. At sa kauna-unahang pagakakataon, nagawa kong matagal na tumitig ng diretso sa kaniyang mga mata. Pinapadama ang mga salitang hindi masabi, nagpaparamdam ng pagod, at pighati.

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Muli akong nagbaba ng tingin sa aking pagkain at wala sa sariling sumubo.

Sa tinagal-tagal ng panahon, ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ilang beses ko ng sinabi na sanay na ako sa trato nila sa akin pero ang totoo, pinapalubag ko lang ang aking sariling damdamin. Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi na ako nasasaktan sa ganitong trato nila sa akin.

Pero iba ang sakit na 'to. Malabo. Hindi maipaliwanag kung saan nagmula. Parang maayos na hindi, nakakalito. Parang... wala lang.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng mapansin ko ang tingin nila sa akin. Matamlay ko silang nilingon lahat. At tama nga ako, lahat sila ay nakatingin na sa akin. Sinuklian ko sila ng blankong tingin.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon