CHAPTER 11

39 2 0
                                        

VIANNIARA

Walang tigil kong pinagmasdan ang painting na'yon naming magkakaibigan.

I've been dreaming to have my own masterpiece. Kahit anong gawin ko ay hindi ko mahanap kung nasaan ang kulang. Laging may puwang sa mga pinipinta ko. Oo, lahat ng mga gawa ko ay magaganda pero may kulang.

But everytime na nakikita ko ang painting na'yon. It's like, wow. Parang nandoon lahat ng kulang. Everytime na naaalala ko kung paano yun nagawa, parang yun yung kailangan kong punan.

Maybe it's not about how beautiful or expensive a painting is. Maybe it's about the memories it is made of.

I decided to go inside the house. After all, medyo narelax naman din ako. Natanaw ko ang sasakyan ng parents ko na nakapark sa tapat ng pinto ng mansyon.

Napahinga na lang ako ng malalim, dahil paniguradong walang tigil na sermon na naman ang aabutin ko. Dumaan ako sa backdoor ng mansyon upang kahit papaano ay mahanda ko ang sarili ko sa kung anuman idadahilan ko kung bakit bigla bigla na lang akong nawala kagabi.

I don't know why. Pero may kulang sa mansyon namin or should i say na sa pamilya namin. Alam mo yun? Yung feeling na kumpleto naman kami pero kulang yung feeling. Emptiness. Maybe that's the word. Hindi ko alam kung ako lang yung nakakaramdam nun kasi hindi naman ako close sa pamilya ko.

It's ironic. How i felt very happy whenever kasama ko yung mga katrabaho ko sa ospital pero pagdating sa bahay palaging malungkot. Our familiy mansion has this gloomy and empty atmosphere.

Laging nasa trabaho ang parents ko at kung nasa bahay naman sila laging si ate lang ang kinakamusta nila o di kaya naman ay nasa kaniya-kaniya nilang office sa bahay. Typical business tycoons.

And sadly, hindi na nga ako aware kung nandiyan sila o wala. Busy din kasi ako noon sa trabaho at kung uuwi man ako ay para lang magpalit ng damit o di kaya matulog lang ng matulog tuwing day off ko.

Maybe its the bond. Our family lacks bond with each other. We maybe complete physically, but not emotionally. And it's sad.

Nadatnan ko si manang sa may kusina na naghahanda ng pagkain. Madadaanan kasi ang kusina kapag dumaan ka sa likod ng mansyon.

" Manang..."

" Oh Viann, kanina ka pa hinahanap ng mommy at daddy mo. Mukhang may pag uusapan kayo." sabi ni manang wearing her sweetest smile habang nagpupunas ng kamay.

" Nasaan po sila, manang?"

" Nandoon sila sa sala, anak." tumango na lang ako at sandaling nagpaalam bago dumiretso sa sala.

Nakita ko sila mommy at daddy na nagkakape habang seryosong nag-uusap. Huminga muna ako ng malalim bago dahan-dahang humakbang palapit sa kanila.

Tumikhim ako at agad din naman silang nag-angat ng tingin sa akin. Agad na sumama ang tingin sa akin ni mommy. Si daddy naman ay nakakunot ang noo sa akin.

" Where have you been last night, Vianniara?" mababang boses ni daddy ang agad na bumungad sa akin. Inunahan na ni daddy na magsalita si mommy dahil kapag si mommy ang tuloy-tuloy na nagsalita for sure, this will lead to a very tensed conversation though its already heat up.

" Uh....i just go to see my friend last night po." i lied, not wanting them to know where i've been last night. Nakita ko ang pagtaas ng kilay mommy.

" Do you ever have a friend?" mommy said mockingly. Wala akong nagawa kung hindi magbaba na lang ng tingin. Muling tumikhim si daddy,hindi na pinagtuunan ng pansin ang sinabi ni mommy.

Paint my LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon